Jin's POV
Nagising ako na nasa hospital na ako. Nakita ko si mommy na hawak ang kamay ko. Nakayuko sya kaya alam kong nakatulog na sya sa ganung pwesto.
Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Dad.
"Kamusta na? May masakit pa ba sayo?" Tanong nya habang naghihiwa sya ng mansanas.
"Ok na po ako dad." Sagot ko.
Nagising si mommy sa pag uusap namin. Nakita ko ang mga mugto nyang mga mata.
"Finally you're awake." Masayang sabi ni mommy.
"Kelan mo pa nalaman na may sakit ka?" Tanong ni Dad. Hindi ko alam pero kinabahan na ako. Magagalit din ba sya tulad ng nangyari sa kanila ni mommy?
"Dad kasi-"
"Answer it Jin!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Dad. Nakita kong hinawakan ni mommy yung braso nya para pakalmahin sya.
"Kanina lang dad" nakayuko kong sagot. Hindi ko kasing kayang makipagtitigan sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin agad? Gagawin mo ba yung ginawa ng mommy mo? Na sasabihin mo nalang sa amin kapag huli na? Ganun ba Jin" inis na sabi ni dad
"Dad sasabihin ko na sa inyo kanina kaso hindi ko naman alam na sasakit na naman to." Sagot ko.
"Ok tama na. As of now inumin mo yung mga gamot na nireseta sayo but if the situation got worst im sorry to tell you."
"Tell me what dad."
"Pupunta ka sa states para magpagamot" deretso nyang sabi.
"What?!"
"Anak tama ang daddy mo. KUNG lang naman kaya anak dito palang magpagaling ka para hindi ka na pumunta ng states."
Hindi naman sa ayaw ko sa lugar na yun. Ayoko lang silang iwan dito sa pilipinas. Ayokong mawala ang atensyon ko sa kanila lalo pa may mga kaaway akong grupo at pag nalaman nilang wala ako dito tska sila maghihiganti at ang masama pa dun paano pag pamilya ko yung ginamit nila sa paghihiganti nila? Ayokong mangyari yun.
"No dad ayokong pumunta dun" sabi ko.
"Kaya dito palang magpagaling ka. Tapos ang usapan" lumabas si dad pagkatapos nyang sabihin ang mga yun.
"Pagpasensyahan mo na ang daddy mo nag aalala lang yun sayo." Sabi ni mommy.
Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan ni Daddy.
Pagkauwi namin sa bahay nakita ko sila Hope na sa sala nalang natulog maliban kay Seigy at vee
Tinapik tapik ni dad sila Jk.
"Lumipat na kayo sa kwarto nyo." Sabi ni Dad. Napabalikwas sila ng bangon na makita nila kami.
"Kuya Jin! Ok ka na ba?" Tanong ni Rappy
"Ayos na ako. Umakyat na kayo sa Mga kwarto nyo."
Gegewang gewang na naglakad si Chimin. Hindi man lang sya nagsalita. Inalalayan pa ni Hope si Chimin siguro baka mahulog ulit sa hagdan.
"Ikaw magpahinga ka na din" sabi ni dad.
"Dad sorry kung hindi ko sinabi aga-"
"Its ok. Magpahinga ka na. Always remember to take your med."
"Ok dad. Akyat na po ako mommy."
"Go ahead anak."
Tinanguan lang ako ni Dad.
Pag higa ko sa kama ko agad kong naalala yung sinabi ni dad na ipapadala nya ako sa states pag lumalala ang sakit ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at tska ko tinawagan si Dark .