Jacob's POV
"Honey ok ka na ba?" Tanong ko dahil ang tahimik nya.
"oo naman. Hindi lang ako makapaniwala na kaya ng pumatay ng anak natin"
Hininto ko ang sasakyan at saka ko hinawakan ang kamay nya.
"Wag ka ng mag alala sa mga anak natin . Malalaki na sila. Tama si Carlo. Hayaan dapat natin silang matuto sa sarili nilang pagkakamali."
"Natatakot lang ako. Paano kung mapatay sya?"
"Edi bibigyan natin ng magandang burol."
Bigla nya akong hinampas ng bag nya.
"Jacob naman eh..."
"Hayaan nalang natin sila honey ok? Wag ka ng mag alala pa. May mga tauhan naman tayong nagbabantay sa kanila. Kaya nga nalaman mo na nakapatay si Jin diba? It means nagagawa nila ang trabaho nila na bantayan ang mga anak natin."
"Hayy sana nga maging ok lang sila. by the way kamusta ang pag uusap nyo ni Hope? Maayos na ba ang Bar nya? Wala na bang problema?" Tanong nya.
Pinaandar ko muna ang kotse tska ako nagkwento sa kanya.
"inutusan ko si Carlo na pumunta sa prisinto pero ang sabi nya nakapag pyansa daw ang mga nanggulo sa bar ni Hope kaya nakalaya. Nagpadagdag na din ako ng security sa Bar ng anak natin kaya wag ka ng mag alala" Pagpapaliwanag ko.
"Good. Maganda yung ligtas ang anak ko."
"Anak NATIN honey." Pagtatama ko sa sinabi nya.
"Whatever."
Habang nasa byahe kami tumunog ang phone ko.
"May tumatawag honey" puna ni claire.
"si Jk."
Pagsagot ko ng tawag ng anak ko. Bumungad sa akin ang isang hikbi kaya nagtaka ako.
"Son?" Pero walang sumagot kundi hikbi lang.
"Loudspeak mo nga" suggest ni Claire kaya niloudspeak ko .
" dad..."
Bigla akong kinabahan dahil sa tono ng boses ng anak ko.
"Anak bakit?" Nag aalalang tanong ng asawa ko.
"Mom.... si chimin po...."
Mahinang sabi ni Jk. Lalo akong kinabahan .
"Anak! Bakit?! Anong nangyari?! Nasan kayo?!"
Nagsimula ng maghisterikal ang asawa ko. naging kalmado lang ako pero kinakabahan na din ako hindi ko lang pinahahalata sa asawa ko para hindi na sya magwala pa.
"Jk....anak... sabihin mo sa amin lahat. Nasan kayo?" Kalmado kong sabi pero nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko.
"nasa hospital po kami ngayon..... sa may BTS hospital po..."
"Ok ok papunta na kami ng mommy nyo dyan. Nasan ang mga kuya mo?" Tanong ko.
Napalingon ako kay Claire na wala ng tigil kakaiyak .
"nandito po kaming lahat."
"Pupunta na kami dyan"
Binaba ko na ang phone ko. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng mag drive.
Lumilingon lingon ako kay claire na walang balak huminto sa pag iyak. Naiintindihan ko naman sya. Ina sya ng mga anak ko. Lagi syang ganyan pag napapahamak ang isa sa mga anak namin. Kahit nga mahiwa lang ng kutsilyo ang mga yun iiyak sya.