Rappy's POV
Nakakatuwa si Dad lahat nalang ng mga nakakasalubong namin sinasabi na Summa Cum Laude si Kuya Jin . Kahit nga ako gusto kong ipagsigawan sa lahat na KUYA KO YAN!! Nakakaproud kasi dahil may award syang makukuhang ganun .
"Kuya Jin congrats." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kotse ni mommy.
"Salamat Rappy. Galingan mo din para magaya ka sa akin . Masarap sa feeling promise" sabi nya habang nakangiti.
Masaya akong masaya sya ngayon . Sa totoo nga nyan sabi ng mga prof ko keep the good work daw para deretso cum laude ako. Pero syempre ayokong sabihin agad dahil marami pa akong pagdadaanan malay natin na may mauna sa pwestong yun.
Sa kotse ni mommy magkakasama kami nila Kuya Jin, Kuya Seigy, at ako . Yung mga baliw naman na kapatid ko kasama sa van ni daddy at Uncle.
Habang nasa byahe kami nagkukwentuhan kami ng nagkukwentuhan. Nasa likod ako nakaupo tapos si Kuya Jin ang nag dadrive tapos katabi naman nya si Kuya seigy.
"Si Vee nga nakita ko kanina umiiyak sa may tagong hallway. Nakakaawa nga eh" pagkukwento ni kuya Seigy.
"Eh bakit ang saya naman nya kanina?" Takang tanong ko . Kanina naman parang di na malungkot si Vee.
"Sinabi nya kasi na ibabalik na daw nya ang dating Vee na nakilala natin kaya ayun back to normal." Sagot ni Kuya Seigy.
"Mas mabuti nang ganun atleast masaya sya." Sabat naman ni Kuya Jin .
"Kahit hindi naman sa loob loob nya?" Sabi ko . Napalingon sa akin si Kuya Seigy.
"Kahit na ba atleast tinatry nyang ibalik kung ano sya lage." Pangangatwiran ni kuya Seigy. Well tama naman sya . Mas prefer ko na yung Vee na maingay, magulo kesa sa Vee na nasa isang sulok at tahimik na nanunuod.
Nakarating na kami sa bahay namin . Natanaw ko si mommy na nagwawalis sa garden.
Lumapit kami isa isa at tska humalik sa pisngi.
Hahalik na din sana si Uncle kaso....
"Gusto mo mag party sa Morgue?" Tanong ni Dad.
"Grabe ka naman Jacob." Sabi ni uncle.
Natawa lang si mommy sa kanila.
"Halina nga kayo sa loob . " natatawang sabi ni mommy.
"Oh teka." Pahabol ni mommy na kinahinto naming lahat.
"Anong nangyari dyan sa mukha mo? Aber?" Nakapamewang na sabi ni mommy kay chimin.
"Ang alin honey?" Takang tanong ni Dad.
"Anong ang alin yang pinagsasabi mo?! Hindi mo ba napansin yang pasa sa mukha ng anak mo.?" Inis na sabi ni mommy . Hinawakan ni Dad yung mukha ni chimin at inangat ito .
"Anong nangyari dyan?" Tanong ni dad.
"Ah kasi-" hindi na natuloy ni Chimin ang sasabihin nya nang biglang sumingit si Kuya Seigy.
"Kasi po kaninang lunch break nasiko ko po" pagsisinungaling ni Kuya Seigy.
"Hay nako. Napaka harot kasi ayan tuloy nagkapasa na ang kapatid nyo. Ikaw Jin hindi ba sinabi ko sayo na babantayan mo ang mga kapatid mo." Sermon ni mommy.
"Mommy mag iinat sana kasi si Seigy kaso nabangga yung mukha ni Chimin ng hindi sinasadya. Ayos naman po kami kanina" pagsisinungaling din ni Kuya Jin .
"Hayy nako pumasok na kayo sa loob mag palit na kayo ng damit. At ikaw Chimin sumunod ka sa akin sa kwarto namin ng daddy mo gagamutin ko yan" pumasok na si mommy sa loob.
"Grabe si Claire armalite ang bungaga." Manghang sabi ni Uncle.
"Ganun talaga yan. Nakita mo naman na napansin agad ang pasa ni Chimin . Sa office diba maliwanag pero di ko napansin yun." Sabi naman ni Dad.
"Mother knows best talaga." Sabi ni Uncle. Tama sya lahat alam ni mommy kaya mahal na mahal namin yan . Wonder woman namin yan dahil kahit magulo kami nakakayanan nya kami. Kahit di kami magsalita. Sa tingin palang nya sa amin alam na nya kung anong problema namin .
Pumasok na din ako sa loob ng bahay . At as usual malinis ulit ang bahay .
Dumeretso ako sa kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Chimin na nagsusuot ng sando habang naglalakad patungo sa kwarto nila mommy. Pagpasok ko sa kwarto ko hindi na ako nagulat dahil malinis naman talaga kwarto ko di tulad kila chimin. Basurahan ata kwarto nung mga yun eh.
Tok tok tok
"Kuya Rappy patulong naman oh" paghihingi ng tulong ni Jk .
"Ano ba yun?" Sabi ko
Sinundan ko sya sa kwarto nya at nakita kong hindi nya masara yung bintana nya. Sliding sya pero hindi sya maslide. Ang tigas.
"Ano bang ginawa mo dito?"
"Binuksan ko lang saglit tapos nung isasara ko na hindi na masara."
Pinilit kong isara ang bintana nya pero wa epek di masarado.
"What happen son?" Sabi ni dad na nakatayo sa may pintuan.
"Hindi po masara dad" sabi ko.
"Let me do that" sabi nya at pumwesto na si Dad sa bintana. Una nya munang tinignan yung itaas ng bintana tapos sinubukan nya isara pero hindi pa din sumara. Tinignan naman nya yung baba ng bintana tapos nun sinara nya at nasara naman. Wow .
"May naipit na turnilyo kaya hindi masara." Paliwanag ni Dad.
"Ilock nyo na ang mga bintana nyo then bumaba na kayo dahil dumating na yung pinaorder ko." Sabi ni dad at iniwan na kami .
"Sige na kuya labas ka na" sabi ni Jk .
"Aba ibang klase ka din noh." Reklamo ko . Napatingin naman ako sa kwarto nya.
"Wow himala at malinis kwarto mo." Manghang sabi ko kay Jk.
"As usual si mommy ang nag ayos." Sagot nya.
"Next time matuto kang maglinis ng room mo . Maawa ka naman kay Mommy." Sermong ko .
"Opo tatang Rappy." Nagmano pa ang loko . Baliw talaga. Lumabas na ako sa kwarto nya at pumasok naman ako sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit ko at saka bumaba.
Nasa hagdan palang ako natatanaw ko na silang lahat. May kanya kanya silang ginagawa. Si Dad at Mommy inaayos yung mga pagkain. Si Uncle at Chimin naman nag pipicture. Si kuya Hope at Vee naglalaro ng xbox sa sala. Si kuya Jin naman pinapakain yung mga alaga nyang ibon. Si kuya Seigy nasa duyan sa garden natutulog. Natatanaw kasi sya sa bintana.
"Rappy nasan na si Jk? Pababain mo na" utos ni mommy.
Aakyat na sana ako pero natanaw ko na si Jk na lumabas na ng kwarto nya. Nasa bungad lang ang kwarto nya kaya tanaw kahit nasa hagdan ka.
"Boys tara na dito" utos ni Dad. Lahat kami pumunta na sa dining area . Maliban kay Kuya Seigy syempre paimportante yun eh.
"Rappy tawagin mo na si Seigy. Nasan na ba yang batang yan"
Pumunta na ako sa garden. Hindi pa ako nakakalapit naiingayan na ako sa hilik nito.
"Hey sleepy head. Wake up." Gisig ko sa kanya.
Agad naman syang nagising. Binatukan nya ako at tinulak pa.
"Istorbo."
Biruin na ang lasing wag lang si Seigy na bagong gising.