Seigy's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nag mumula sa bintana ko.
"Mommy naman eh nakakasilaw" sabi ko.
Wala akong nakuhang sagot mula kay mommy.
Napabangon ako bigla ng mapagtanto ko kung anong ang reality wala na si mommy...
"Nilock ko naman yung pinto" bulong ko.
Sino naman kaya ang nagbukas ng kurtina? Si mommy kaya? She still here kung ganun. Isang linggo na pala ang nakalipas simula ng maihatid namin si mommy sa huling hantungan.
"Kuya Seigy kakain na daw" sigaw ni Vee.
"Susunod na." Sagot ko.
Pansin ko lang medyo ok ok na si Vee ngayon. Siguro sinisimulan na nyang mag move on kay mommy at kay Trixie.
Nang matapos ko ang pag aayos ko sa sarili ko ay bumaba na ako. Nakita ko si daddy na naka apron pa at nag aayus ng pagkain. Si Jk tumutulong kay Vee sa pag aayos ng mga pinggan sa mesa. Si kuya Jin at Hope naman nagliligpit ng kalat sa sala.
"Seigy tawagin mo na si Chimin." Utos ni dad.
Sinunod ko naman agad yung inutos nya sa akin . Pag pasok ko sa kwarto ni chimin ay parang may mga anghel na kumakanta sa tenga ko. Si Chimin kasi naglilinis ng kwarto nya.
"Himala ng kalangitan Chimin" gulat kong sabi.
"I need to do this." Simple nyang sabi. Ramdam ko pa di ang pangungulila nya kahit hindi nya sabihin sa akin .
"We back to zero bro. You need to do that without mom's help" sabi ko. Inakbayan ko sya tska ko ginulo ang buhok nya.
"Tara na kain na daw" nakangiti kong sabi.
-------
Habang kumakain kami wala gaanong nagsasalita. Medyo matamlay parin si Chimin. Sa tingin ko nga ang pinaka naapektuhan sa amin si Chimin eh.
"How's your day yesterday?" Pagbabasag ni dad sa katahimikan.
"Ayus lang.." sagot ni Rappy.
"Hindi ok." Sagot ni Chimin.
"Why not ok?" Tanong ni dad. Hininto nya ang pagkain nya tska sya tumitig kay chimin.
"Bumaba ang grades ko sa major subject ko. Hindi ako makapagfocus dad eh sorry."
"Its ok son. Bawi ka nalang. Magfocus ka na next time. Kung gusto mo kausapin ko yung dean nyo para bigyan ka ng special exam" suggest ni dad. Pinagmasdan ko lang si chimin na walang ganang tinutusok tusok ang beef sa plato nya. Ginagalaw lang nya i mean iniiba iba lang nya sa pwesto yung pagkain sa plato nya pero hindi naman nya kinakain.
"Dad what if huminto nalang ako?" Napahinto kaming lahat sa pagkain ng sabihin ni chimim yun.
"Are you crazy?!" Gulat na sabi ni Rappy sa kanya.
"Yes im crazy! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit anong gawin ko hindi ako makapag focus." Sagot nya.
"Chimin hindi naman tayo pwedeng magstay sa part na nasaktan tayo. We need to step forward" sabi ni dad.
"Sorry.." mahinang sabi ni Chimin. Inabot ni dad ang braso ni chimin tska tinapik.
"Malulungkot ang mommy mo kung lagi kang ganyan. Kumain ka na dahil may pasok pa kayo."
Pinagpatuloy na ni chimin ang pagkakain nya pero kitang kita mo pa din sa kilos nya ang tamlay nyang pag galaw.
----
Habang naglalakad ako sa hallway ng may biglang bumangga sa akin.
Napaupo sya sa lakas ng impact. Dali dali ko syang tinulungang tumayo.
"Are you ok?" Tanong ko.
"HOY BABAE KA HALIKA DITO!" Napalingon ako sa likod ko ng may biglang sumigaw. Sakit sa tenga.
Nagulat ako nang magtago sa likod ko yung babaeng nakabanggaan ko.
"Aba at nagtago ka pa dyan!! Lumapit ka dito at lulumpuhin kita!!" Sigaw pa nung babae sa babaeng nakabunguan ko. Ang dami ng nakatingin sa amin.
"Miss pls low down your voice nakakahiya sa mga nakakakita" sabi ko.
"Low down your voice pwet mo!!" panggagaya sa akin nung babaeng maingay.
"Mahiya ka naman nasa kilala kang University tapos ganyan ang ugali mo?" Sabi ko sa kanya pero tinawanan lang nya ako.
"Hahahah edi shing! Alam mo matutuwa pa ako kung aalis ka nalang dyan diba?" Sabi nya with matching hawi pa ng bangs nya.
"Ano bang kailangan mo sa babaeng to?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa babaeng nasa likod ko.
"Dahil lang naman sa kanya kaya ako pinaglinis ng gym. Dahil sa kadaldalan ng babaeng yan!!"
"Sinabi ko lang naman yung totoo na ikaw yung kumuha ng answer key. Tayo lang naman kasi ang nasa office ni sir alangan naman sabihin ko na ako ang kumuha kahit hindi naman" sagot nung babaeng nasa likod ko.
"Teka teka nga! Hindi ako si TYANG AMY ok? Wala tayo sa face to face. Ikaw namang babaeng megaphone ang bunganga you deserve that punishment because you're such a cheater" sabi ko na ikinagulat nya.
Tumalikod naman ako para harapin yung babaeng nagtatago sa likod ko.
"At ikaw naman sana hindi ka nalang nagsalita." Bulong ko.
"Minsan ang pagiging madaldal yan ang magpapahamak sayo." Dagdag ko pa.
"Dalawa lang kami dun sa office so kung hindi sya ako ang sisisihin kaya sinabi ko na yung totoo."
She has a point.
"Ok say sorry to her" bulong ko pa. Humarap sya sa babaeng megaphone ang bibig.
"I-im sorry. I want to help you but I want to save myself to. Sorry." Pahingi nya ng paumanhin.
"Arrgh! Nexy time I'll punch your face even you're in the back of that man! Arrrgh!" Sigaw nya tska nagwalk out.
"Siguro naman pwede na akong umalis? Sakit nyo sa ulo." Sabi ko sa babaeng nakabanggaan ko.
Umalis na ako dun sa lugar na yun. Diyos ko ang mga babae nga naman.
Mabilis na natapos ang klase ko dahil 3 subject lang naman.
Paglabas ko ng gate ay nag abang na ako ng taxi. May klase pa kasi sila kaya mauuna nalang ako sa bahay.
Pagpara ko ng taxi ay agad akong sumakay. Nanonood ako sa phone ko ng The Grudge ng biglang pumreno si manong ng pagkalakas lakas.
Hindi ako nagulat sa pinapanood ko pero nagulat naman ako sa preno ni manong.
"Bakit manong?" Tanong ko. Hindi nya ako sinagot sa halip ay bumaba sya ng taxi. Parang may pinuntahan sya sa harap ng sasakyan. Dahil na cucurious ako kaya bumaba ako para silipin kung anong nangyayari.
"Ok ka lang ba ineng?" Sabi ni manong driver. Nagulat ako ng makita ko yung babaeng nakabungguan ko sa school na nakahandusay na sa kalsada.
"Ikaw na naman? Bakit ba ang lampa mo!" Sigaw ko na ikinagulat nya.
"Kasalan ko pa? nakatayo na nga ako sa gilid eh" sagot nya.
"Nako ineng pasensya na ah may pusa kasing biglang tumawid kaya nagulat ako pasensya na talaga" paumanhin ni manong driver.
"Ok lang po manong. " sagot nya tska sya tumayo at nagpagpag ng kamay. Lalakad na sana sya kaso dahil iika ika sya ay bigla syang tumumba.
"Nako ihja dalin na kaya kita sa hospital."
"Nako manong ok lang."
Nagulat yung babae ng buhatin ko sya at sinakay sa taxi.
"Wag ka ng umangal pa, para din sayo to" sabi ko. Sumakay na din yung taxi driver.
Hayy imbis sa bahay ang destination ko napunta pa sa hospital.
"Napaka lampa mo kasi." Bulong ko pero hindi na sya sumagot pa.