Chimin's POV
Nandito kami ngayon sa bahay namin. Umuwi na kami galing resort dahil sa masamang nangyari. Kasama ko sila kuya Jin. Si daddy naman nasa funeral kasama si Uncle.
Ang daming pwedeng mawala si mommy pa talaga?
Napatingin ako sa pinto ng marinig kong may kumakatok.
"Chimin? Kumain ka na. Sabayan mo na kami" Tawag ni kuya Jin.
"Mauna nalang kayo. Wala pa akong gana." Sagot ko.
Nagtalukbong ako ng kumot ng bumukas ang pinto.
Naramdaman kong lumundo ang kama ko kaya alam kong umupo na sya
"We feel the same way pero di naman namin pinababaayaan ang sarili namin. Sana ganun ka din" sabi ni kuya Jin. Bumangon ako para harapin sya.
Nakita kong umiiyak na din sya kagaya ko. Magang maga na din ang mga mata nya."Kuya paano na tayo? What will happen to us?" Tanong ko.
"Be strong ok?"
"I cant. What now kuya? Wala na si mommy." Sabi ko. Hindi na tumigil pa ang mga luha kong wag tumulo.
Pinunasan nya ang mga luhang tuloy tuloy na tumutulo sa mga mata ko.
"Wag ka na ngang umiyak ang panget mo eh, sige na mag ayus ka na tapos kumain ka na para makapunta na tayo sa burol ni-"
"STOP! i dont want to here that" sigaw ko.
"Ok. Prepare yourself"
Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya.
Rappy's POV
Bakit parang hindi ako makahinga? Bakit parang hindi ako makagalaw? Bakit parang walang kulay lahat ng bagay? Why I feel so incomplete?
Napatingin ako sa panyo na nasa harap ko. Hindi ko na napansin na katabi ko na pala si Rain.
Bigla ko nalang sya niyakap. Umiyak ako ng umiyak sa balikat nya. Nararamdaman ko ang paghamplos nya sa likod ko."Shhhhhh nandito lang ako" pag aalo nya sa akin pero imbis na kumalma ako ay lalo pa akong naiyak.