Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas.
Teka bakit nga pala ako napunta sa kwarto ko? Ang naaalala ko nasa tapat ako ng kwarto ni Jk. So may nagbuhat sa akin papunta dito dahil nakatulog na ako dun.
Amazing...
Paglabas ko ng kwarto nakita ko na sila kuya Seigy na abala sa pagaayos ng gamit.
"Oh buti gising ka na." Sabi ni Kuya Hope.
"Anong meron?" tanong ko.
"Ngayon na tayo lilipat kaya mag impake ka na."
"Konti lang dadalin ko" simpleng sabi ko kay kuya Hope
"Bahala ka gamit mo naman yan." Sabi nya tska nya binuhat yung kahon sa gilid.
"Mag hakot ka na." Pahabol pa nyang sabi.
Papasok na sana ako sa kwarto ko kaso may tumawag sa akin na feeling good.
"Chimin." Tawag ni Kuya Jin.
Hindi ko na nalang sya pinansin. Madami pa akong gagawin. Masyadong aksayado sa oras kung makikipagkwentuhan pa ako sa kanya.
Kinuha ko na yung maleta ko para makapagimpake na ako. Actually kulang maleta ko sa dami ng damit ko pero ok na din yung hindi ko sila madala lahat para may reason akong bumalik dito.
"Ano bang dadalin ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa closet ko.
"Tshirt mo, short mo, boxer" napalingon ako sa nagsalita.
Hindi ko nalang sya pinansin. Kumuha nalang ako ng damit ko. Hindi na ako pumili pa. Ayoko lang tumagal dito na kasama to.
Hindi ako galit sa kanya. Nagtatampo lang ako kasi yung Kuya na hinahangaan mo na lagi kang chini'cheer up, lagi kang pinagtatanggol, ay isa din sa mga taong mananakit at manlalait sayo.
Natapos na ako sa pag iimpake. Hindi ko na tiniklop basta ko nalang nilagay sa maleta. Binuhat ko na yung maleta ko tska ako lumabas. Iniwan ko na sya dun sa loob parang gusto nya atang magstay sa kwarto ko kaya pagbibigyan ko na.
[Seigy's POV]
Nalagay ko na ng ayos ang mga damit ko sa tatlong maleta. Babalikan ko nalang yung iba.
Hayyy mamimiss ko tong kwarto ko tsk.
Napatingin ako sa kama ko at may bigla akong naalala.
**********
"Gising na Seigy!"
"Mom 5 more minutes"
"Pangatlong beses mo na yang sinabi anak eh. Bumangon ka na."
Hindi ko na narinig ang boses ni mommy pero nasilaw naman ako sa sobrang liwanag.
"Mom yung kurtina paki sara!"
"No. Tignan mo nga yang kulay mo seigy! Kakulay mo na yung kama mo sa sobrang puti mo. Magpaaraw ka naman anak. Bumangon ka na dyan para makapasok ka na."
**********
Napangiti nalang ako ng mapait sa naalala ko.
Saksi ang kwartong to sa lahat ng bangayan namin ni mommy tuwing umaga at dahil yun sa pesteng kurtina.
Napailing nalang ako tska ako lumabas ng kwarto.
[Jk's POV]
Ring....... ring...... ring.......