Chimin' POV
Pag pasok na pag pasok ko palang ng school ay nakuha ko na agad ang atensyon ng karamihan. Pogi ko eh .
"Chimin......" maarteng sigaw ni Jack bestfriend ko. Nerd sya pero gusto ko sya . Not in a gay way ah dahil hindi ako bakla.
" uy Jack!" Nag fist to fist kami at saka kami nag akbayang dalawa.
"Nga pala chimin may practice daw kayo sa football nyo sabi ng team mate mo." Sabi nya.
"Sure! Pupunta ako. " sabi ko tapos sabay kaming pumunta sa locker namin .
"Jack minsan punta ka sa amin papakilala kita sa mommy at daddy ko. Di ka na mahihiya pa tutal kilala ka naman ng mga kapatid ko." Pag iimbita ko sa kanya.
"Oo ba basta may mga libro ka walang problema."
Hayyy boring pala toh libro hanap . Nerd nga pala nakalimutan ko .
"Ay wag na pala may lakad pala ako." Pag sisinungaling ko. Ayoko nung ganung kasama. Tska baka maging close sila ni mommy maagaw pa nya atensyon nun na dapat sa akin mapupunta.
"Toink biglang ganun!" Pagmamaktol nya.
Dumeretso na kami sa room namin bago kami makapasok ng room napatingin ako sa mga lalakeng bumungo kay Jack . Nakangisi lang sila
"Ouch!" Daing ni Jack sa sakit ng hita nya dahil sinipa sya ng babae.
Napatingin naman ako sa babae.
"Sorry eh sabi nya eh." Sabi ng babae.
Tinignan ko si Jack pero nakakunot ang noo nya..
"Pasalamat sya babae sya" sabi ni jack . Hindi pa sya nakakarecover sa sipa nung bitch na yun nang may sumipa ulit sa kanya.
"Aray!!" Daing nya ulit.
"Whats wrong with you guys!!" Sigaw ko . Agad kong tinulungang tumayo si Jack .
"Sorry chimim ah kasi naman he ordered to kick him eh" maarteng sabi nung bitch pang isa.
Tumingin ako sa likod ni Jack at nakita kong may papel na nakadikit sa likod nya at nakalagay. "Pls kick me"
Sinipa ko din si Jack sa binti kaya napa aray sya ulit .
"ARAY! BAKIT MO AKO SINIPA!" pagkatapos nyang sumigaw kinuha ko yung papel sa likod nya tapos napabuntong hininga nalang sya. Naawa naman ako bigla.
"As always" bulong nya.
Nagtawanan yung mga student na nakapalibot sa amin pati yung mga lalake ns bumungo kay Jack .
Bigla akong nainis dahil binubully na naman nila si Jack .
Nilapitan ko yung alam kong nagdikit ng papel sa likod ni Jack dahil sya lang naman ang bumungo sa kaibigan ko .
"Ano bang problema mo" maangas kong sabi sa panget na nilala na ito .
Hinawakan ni Jack ang balikat ko pero hinawi ko yun .
"Chimin tara na umalis nalang tayo." Sabi ni Jack . Ayaw nya kasi ng gulo kaya lagi nalang nya tinatakbuhan ang mga ganitong pangyayari kaya kinakayankayanan lang sya.
"Hindi Jack. Itatanong ko lang kung anong problema ng panget na to."
"Aba gago ka ah!" Bigla akong nakaramdam ng sakit sa panga ko. Nayanig ata buong utak ko.
"Tama na! Teka ! Teka lang!" Paulit ulit na sigaw ni Jack.
Tumayo ulit ako para harapin yung sumapak sa akin .
"Bakit ka nananapak? Ingit ka sa mukha ko? Bakit? Mas pogi ba kesa sayo?"
"Loko ka ah" susuntukin na sana nya ako pero may pumigil nun. Nagulat ako nung tinignan ko kung sino yung pumigil ng kamao ni panget.
"Sino nagsabi sayo na sapakin mo kapatid ko?" Maangas at galit na sabi ni Kuya Jin.
Binitiwan ni panget yung polo ko kaya nagpatumba ako . Tinulungan naman ako ni Jack tumayo . Syempre kunwari lang yung natumba ako paawa effect para mas lalong magalit si Kuya Jin at mabugbog nya yung panget na bully.
"Kapatid mo ang nauna Jin" sabi ni panget na halatang natatakot
"Really?" Cold na sabi ni kuya."Ok fine sorry." Sabi ni panget habang nakatingin sa akin at naka angat pa ang dalawang kamay pero nag dirty finger lang ako sa kanya .
Tinignan ako ng masama ni kuya kaya imbis na middle finger lang ang naka angat dinagdagan ko ng index finger para peace sign .
"Hehe peace" sabi ko kay kuya.
"Sa susunod na may gumalaw ni isa sa mga kapatid ko mayayari sa akin."
Angas talaga ng kuya ko!!! Well ito dagdag info lang. May gang kasi si kuya pero hindi alam nila dad kaya takot yung mga student sa kanya.
Hinawakan ni kuya ang braso ko at agad na hinila kaya napasama si Jack pero huminto ulit sya at biglang sinapak si panget.
"Kwits na bro." Sabi ni kuya.
ANGAS!!
Habang nag lalakad kami papunta sa clinic ay nagsalita si kuya Jin .
"Jack, mauna ka na sa klase nyo. Ipagpaalam mo nalang si chimin sabihin mo nasa morgue nagpapagaling."
"Hahaha morgue talaga? Sige makaka asa ka kuya Jin. " kumaway pa sya sa amin at tuluyan ng umalis.
Bigla akong binatukan ni kuya.
"Aray bakit?!" Angal ko . Ang sakit kaya.
"Napaka tigas talaga ng ulo mo! Paano nalang kung di ako dumating don baka may soco na sa school natin pag nagkataon. Buti nalang at sinabi agad sa akin ni Dark." Mahabang sabi nya.
"Eh kasi naman kuya lagi nalang nya binubully si Jack. Paano nalang kung di ko sya tinulungan edi nagkaroon ng funeral service dito pag nagkataon" sagot ko .
"Basta ako na bahala kay Jazz . Pumunta ka na sa clinic pagamot mo yang sugat mo pag nakita ni mommy yan yari ka na naman." Bilin nya pa. Tinapik nya ang balikat ko at saka naglakad paalis.
Tatalikod na sana ako kaso tinawag nya ulit ako.
"Chimini ! Hintayin nyo ako pag uwi dahil may extra activity ako mamaya pakisabi nadin kila Seigy!" Sigaw nya . Tumango lang ako sa kanya at dumeretso na sa clinic.
Hayy lagot na naman ako kay mommy nito tsk .