Arhia's POV
"Ang sakit na ng paa ko! Saan ba kasi tayo pupunta bakit ba hindi nalang tayo mag elevator?!" Sigaw ko kay Jk.
Hawak hawak nya ang braso ko. Oo braso hindi kamay walang kwentang lalake.
Akyat kami ng akyat. Hindi ko alam kung saan bang floor kami pupunta.
"Sa rooftop tayo." Simple nyang sagot sa akin.
"Ano?! Sa rooftop pa?! Tapos umakyat lang tayo sa hagdan?! Para sabihin ko sayo may elevator po ang school?!"
"Pwede ba bawas bawasan mo yang volume ng boses mo. Napaka sakit mo sa tenga" sabi nya.
"Eh bakit mo ako pinapakinggan?!"
"So kasalanan ko pa na may tenga ako ganun?" Sabi nya sabay turo sa tenga nya.
At sa wakas nakarating na kami sa rooftop.
"Eh bakit ba kasi dito pa tayo pumunta?!"
Tinitigan lang nya ako. Walang emosyon yung mukha nya. Medyo scary din pala tong lalakeng to.
"Bakit ba kasi tayo dito pumunta?" Mahinahon kong sabi.
"Dito kasi walang tao-"
"ANONG GAGAWIN MO SA AKIN?! MAY PAGKAMANYAK KA PALANG HAYUP KA?!" pagputol ko sa sinabi nya. Pinalo palo ko sya sa balikat nya. Pilit nyang hinahawakan ang braso ko pero agad ko namang hinihila para mahampas sya.
"ARAY ANO BA?! OUCH! AH ARAY?! TEKA NGA?!"
Sa laki ng kamay nya na hawakan nya ang dalawang braso ko sa isang kamay lang nya.
"Bakit ba ganyan kayong mga babae?! Napaka OA nyo sa totoo lang?! Para sa kaalaman mo wala akong gagawing masama sayo okay?"
Ang sama ng tingin nya sa akin.
"Eh kasi sabi mo tayo lang dalawa dito-"
Pinutol nya ang sasabihin ko. Nahiya tuloy ako sa kabaliwan ko.
"Pinatapos mo na ba ako?" Tanong nya.
"Ok sige continue" sabi ko. Nag iwas ako ng tingin dahil nakatingin sya sa akin. Bakit bigla akong nailang sa kanya?
"Dito kasi walang pumupuntang studyante. Maarte ka diba? Kaya dito kita pinunta para walang makakita ng buhok mo dulot ng kaimpaktahan mo. Tska para wala ding makakita na magkasama tayo baka iba ang isipin nila pag nakita tayong magkasama at dito pa." Mahaba nyang paliwanag. Ewan ko pero nakaramdam ako ng sakit. Basta.
Kumuha sya ng upuan tska nya ako pinaupo. Pag upo ko pinayuko nya ako. Hindi na ako umangal pa.
"Sabihin mo kung nasasaktan ka para dadahan dahanin ko." Sabi nya.
Umiling lang ako kahit nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung inside or outside yung masakit eh. High school palang classmate ko na si Jk. Tahimik sya, matalino, mabait sa lahat and I admit pogi sya. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ng babae. Hindi nga halata na sya yung pinaka mayaman sa section namin kasi hindi sya mayabang tulad ng iba na wala naman pero kung umasta kala mo rich kid.
"Matuto ka kasing makisama sa mga taong nasa paligid mo. Uminom ka ng maraming pasensya para hindi ka laging galit. Lagi mo kasing dinadaan sa inis, sa taray, sa sigaw ang lahat ng bagay. Nakakapangit ang ganyang ugali. Baka dumating ang araw na layuan ka nalang ng mga tao dahil sa ugali mo. Matuto kang magpakumbaba. Kung gusto mo tratuhin ka ng tao ng maayos tratuhin mo din sila ng ayos." Pangaral nya. Hindi na ako nagsalita pa. Lahat tama yung sinabi nya at lahat ng yun tinamaan ako. Ewan ko bakit ako nagkaganun. Siguro dahil galing ako sa broken family. Only child lang ako tapos si daddy may ibang family na tapos si mommy din. Body guards at maids lang ang tumayong magulang ko.