Worried

26 2 0
                                    

Jin's POV

  "Bro baka naman may kinalaman dito yung grupo nila jazz." Sabi ni Dark kaya inis kong sinipa ang drum ng basurahan .

"Oras na malaman ko may kinalaman ang grupo nila Jazz dito papatayin ko silang lahat"

"Kalma lang Jin. Hindi pa nga natin alam kung sino ba ang leader ni Jazz eh" sabat naman ni Christian.

"Hep hep hep my big brother nalaman ko na kung sino ang leader ng kamag na yun."

"Sino?" Sabay naming sabi ni Christian

"Si Walter Guevarra, may malaking grupong pinamumunuan and in the age of 28 he already a CEO of his own company like Hotels, Casino, Bars, and restaurants. He still a single. Mayroon syang kapatid na lalake at babae pero nasa states. Wala na silang parents. Sya din ang nakaaway mo nung high school ka at sya din yung naka away ni kuya Christian." Paliwanag ni Dark.

"Pwes TANG INA nya pag may kinalaman yang gagong Walter na yan sa pagkakawala ni Chimin makikipag apir sya kay kamatayan."

Jk calling.....

"Oh sino yan?"

"Si Jk."

Sinagot ko na agad ang tawag ni Jk.

"Hello?"

[Kuya nandito na si chimin. Wag ka na daw mag alala. Pasensya na daw]

"Mag uusap kami nyan"

Binaba ko na ang phone. Kahit na nakakaramdam ako ng inis kay Chimin sa ginawa nya ay nagpapasalamat parin akong walang masamang nangyari sa kanya.

"Ano daw sabi?" Tanong ni Christian.

"Nasa bahay na daw si chimin"

"Yun naman pala eh . Tara na umuwi na tayo nakakapagod kayong lahat." Reklamo ni Dark. Kahit kailan talaga. May expiration talaga ang pagiging matulungin nito. 

"Hep hep hep mamaya na dahil may gagawin pa tayo" sabi ni christian

"Big bro naman uso magpahinga."

"Sige na bukas nalang natin gawin ang mahalaga nalaman na natin kung sino ang leader nila Jazz." Sabi ko. Kinindatan naman ako ni Dark kaya napangiwi ako.

"Tigilan mo ako sa kabaklaan mo Dark." Sabi ko kaya natawa lang sya.

------

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Chimin na nakaupo sa hagdan kausap si Dad.

"Ayan na ang kuya mo." Sabi ni dad kaya napatingin sa akin si Chimin.

Nakita ko din sila Uncle na nakaupo sa couch katabi sila seigy.

"Sumunod ka sa akin" plaim kong sabi.

Pumunta ako sa kwarto ko. Sinarado nya na nya ang pinto tska sumunod sa akin. Umupo ako sa kama tska nagtanggal ng sapatos . Nakikiramdam ako sa kanta pwro tahimik lang sya sa tabi ko.

" alam mo naman siguro na tinatawagan kita diba?" Sabi ko habang tagtatanggal ng sapatos.

"Oo. Akala ko wala lang eh."

Huh? Baliw ba sya?

"Wala lang? Kaya ka nga tinatawagan kasi may sasabihin or may kailangan. Baliw yung tatawag na wala lang."

"Sorry Kuya"

"Tignan mo hindi lang ako ang nag alala sayo pati narin sila dad at sila grandma. Nag alala ako sayo ng sobra akala ko-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Hindi pala nya dapat malaman.

"Akala mo ano?"

"Nevermind basta sa susunod magsasabi ka kung nasan ka, kung aalis ka para hindi mo na kami mapag alala."

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon