Lunch

21 0 0
                                    

Jk's POV

    
      "Pinoy ka diba? Dapat alam mo gawin to. Halika turuan kitang magkamay para naman madagdagan yang experience mo."

    Hahaha nakakatawang asarin ang isang to. Sinandya ko talaga na talsikan sya ng kanin. Ang maaarte ang masarap asarin. Ewan ko pero trip ko syang asarin kahit na alam kong hindi na kami nakapasok sa subject namin. Psh as if naman na ikababagsak ko yun.

Lumapit na sya sa akin. Nakita ko pa ngang napangiwi sya nung makita nya sa malapitan yung kinakain ko.

"Gayahin mo lang ako thats it." Simpleng sabi ko sa kanya.

"WHAT?! THATS IT?! YOU DIDNT TELL ME HOW TO DO IT?!"  Tignan mo tong isang to nakasigaw na naman . Throat cancer ang kahahantungan ng lalamunan nito. Kawawang lalamunan.

"Simple lang to tanga. Gagayahin mo lang ako tapos ayun na. Anong gusto mong gawin ko idemonstrate pa sayo step by step?"

"Ganun na nga!"

"Ay engot naman to. Gayahin mo nalang ako tapos."

Imba talaga ang mga babae kailangan detail na detail.

Nagsimula na akong magkamay. Kinamay ko yung kanin tska ako kumurot sa hotdog tapos sinubo ko na. Nakita ko naman na nagets nya kaya ginaya nya ako.

"Hahaha I admit its fun hahah" natatawa nyang sabi. Pano ba naman kasi hirap syang kumain. Kada subo nya napaka konti lang. Hahaha halatang hindi marunong.

"Try this one." Sinubo ko sa kanya yung bacon tapos nung isusubo ko na sa kanya kinagat nya yung daliri ko.

"Aray naman!"

"Hahaha oh im sorry hahaha sorry i thought its a bacon hahahaha" tawa lang sya ng tawa. Bakit ang ganda nyan tumawa? Hayst gutom lang to.

"Oyy! Bakit mo inubos!" Sigaw nya tska nya ako binatukan kaya naubo ako.

"What was that for! Kumakain ako!"

"Eh nagugutom pa ako eh tapos kinain mo na lahat." Ang sama ng tingin nya sa akin .

"Ok ok hahaha bibili nalang ako." Sabi ko . Kawawa naman kasi.

"NO! GUSTO KO YUNG FOOD MO NA GROSS!"

Aba!

"Kung makapintas ka sa pagkain ko. Ayoko na. Gross pala ah"

Bigla nya akong hinawakan sa braso ko.

"Alisin mo nga kamay mo tignan mong may kanin kanin pa oh."

"Eh kasi naman eh. Dali na. Wala ka na bang pagkain dyan?!" Pagmamaktol nya . Para syang bata.

"Bukas nalang. Tara na maghugas na tayo ng kamag may next subject pa tayo." Sabi ko. Hinigit ko na yung kamay nya tska kami bumaba.

-----------------------

"Bakit trip mong maghagdan? Meron namang elevator diba?" Tanong nya. Habang tumatagal mahinahon na syang magsalita.

"HOY TINATANONG KITA!"

binabawi ko na pala yung sinabi ko.
-_-

"Trip ko lang. Masyado kasi matao sa elevator kaya ayoko."

"Hmmm well pareho pala tayo. Ayoko din kasi maexpose yung beauty ko para din syempre hindi na kainggitan."

"Magkaiba tayo kung ganun. Kasi ako kaya lang ako naghahagdan kasi ayoko lang ng maingay hindi sa ayokong maexpose yung itsura ko. Napaka yabang nito."

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon