Third person's POV
Maagang umalis ang mag amang Jacob at Hope para pumuntang Hospital. Samantalang ang naiwan na sila Jin ay abala sa pag luluto ng kakainin nila at paglilinis ng bahay. Dahil wala ang kanilang mommy, sila ang inasign ng daddy nila na sila na ang gumawa ng ginagawa ng kanilang nanay.
Sa kotse....
"Dad tanda mo ba yung nangyari last night?" Tanong ni Hope.
"What happen last night?"
"Yung kay Rappy, sa tingin mo dad nagkakagusto na kaya si Rappy kay Rain?"
Natawa ng mahina si Jacob ng maalala nya ang ginawa ni Rappy nung Dinner nila.
"Hindi ba obvious? Hayaan mong sya na ang makatuklas kung ano ba talaga ang nararamdaman ng kapatid mo kay Rain"
"Tama ka dad. Bobo kasi."
"Hindi sya bobo Hope kasi tanga sya."
Nagtakang tumingin si Hope sa daddy nya.
"Huh? Eh pareho lang naman yung tanga at bobo except sa spelling"
"Hahaha anak ang bobo hindi nya talaga alam as in wala syang idea pero ang tanga alam nya, may Idea sya pero hindi lang nya tinatanggap or ina'accept ." Paliwanag ng ama.
" ahh ganun pala yun"
"Now you know. By the way kamusta ang bar?" Pag iiba ni Jacob ng usapan.
"Same old, same old. Walang nanggugulo tahimik and tumaas din yung profit ng bar kaya nag iisip ako kung magtatayo pa ako ng another branch ng bar ko para mas
Lumago"Napangiti naman si Jacob sa sinabi ng anak. Natutuwa sya na may diskarte si Hope pagdating sa negosyo.
"Thats a good idea anak. Basta kung ano man ang gagawin mo sabihin mo lang sa akin and if you need help just call me."
"Thanks dad."
Sa bahay.....
"Hoy lover boy dalin mo to sa kwarto ni Chimin ako na ang mag aayos." Utos ni Seigy kay Rappy.
"Stop calling me lover Boy! Sasapakin na kita" inis na kinuha ni Rappy ang bedshit na pinapaakyat sa kanya.
Natawa naman ng mahina si Seigy at Jk
"Wag nyo ng asarin si kuya Rappy tulungan nyo nalang ako dito" sabat ni Vee na hirap na hirap mag buhat ng vase.
"Ingatan mo yan Vee, regalo ni Grandpa yan kay mommy" paalala ni Jin .
"Kuya nag txt sa akin si Daddy sumunod ka daw sa Hospital." Sabi ni Jk na abala sa pag huhugas ng pinggan.
"Bakit daw?" Tanong ni Jin .
"Ewan ko siguro papatulong magbuhat ng gamit."
"Sige sige tatapusin ko lang tong niluluto ko."
Habang nagtutulong tulong ang magkakapatid, si Rappy ay nasa isang tabi lang at tulala.