Goodbye

46 2 0
                                    

Vee's POV

   Pinagmamasdan ko ang pag dagsa ng mga bisita sa burol ni Mommy.

"Condolence Vee."

Napatingin ako sa kanan ko. Nakita ko si Trixie na nakatayo malapit sa akin. Nagsisimula na namang magluha ang mga mata ko.

Niyakap nya ako bigla na ikinaiyak ko lalo. Ilang minuto din nya akong niyakap. Pagkabitaw nya sa akin ay pinunasan nya ang mga luha ko. Nakita ko din na naiiyak na din sya.

"Dito ka lang pls.." pagmamakaawa ko. Kailangan ko sya ngayon.

"Shhh tahan na dito lang ako." Pagpapatahan nya sa akin. Para na akong bata na nagmamakaawa sa nanay nya na wag umalis.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nakakain na ako. Ikaw kumain ka na? You look pale." Sabi nya.

"Iniwan mo ako tapos iniwan din ako ni mommy kaya siguro ako naging ganito."

Napaiwas sya ng tingin. Nakita ko din na nagpunas sya ng luha nya.

"Wag kang umiyak. Sa ating dalawa ako dapat ang umiiyak ngayon kasi ako ang naiwanan." Sabi ko.

"Vee I love you. I always do."

"Bakit mo ako iniwan? Bakit di mo ako ipaglaban? Kung mahal mo ako di mo ako hahayaang maiwan nalang sa ereng mag isa."

"Vee gusto kong lumaban pero kahit anong gawin ko wala talaga akong magagawa."

"Meron trixie. Pls Trixie kahit secret relationship lang ok na ako dun wag ka lang mawala sa akin.please kailangan kita."

Umiyak ako ng umiyak sa harap nya. Marami na ding tumitingin sa amin. Iisipin lang siguro nila na umiiyak ako dahil namatayan ako kaya hindi ko nalang sila pinansin pa.

Niyakap ako ni Trixie ng sobrang higpit. Sya parin pala ang babaeng mahal ko.

Tinawag ako ni Dark for the last message for mom.

Una ayaw ko dahil baka umiyak lang ako ng umiyak pero sabi naman ni Trixie na nandyan lang daw sya at last na message na yun kaya umoo na ako.

Unang nagsalita si dad.

"Saan ba ako magsisimula?"

Nagtawanan yung mga bisita namin. Siguro pinapagaan lang ni dad yung atmosphere.

"Ang dami naming pinagdaanang mag asawa actually kahit hindi pa kami noon mag asawa ang dami daming pagsubok na kung titignan nyo eh parang di na namin mareresulba pero dahil matapang si Claire nalagpasan namin yun....."

Nagsimula ng maluha si dad.

".....sya lang ang babaeng minahal ko ng sobra ay mali sya lang ang minahal ko. Hindi ko kayang mabuhay ng wala sya pero para sa mga anak ko kakayanin ko lahat....."

Napatingin ako kila Kuya Jin na naiiyak na din. Si Kuya Rappy nakasandal ang ulo sa balikat ni Rain.

"......honey....dont worry to our sons hinding hindi ko sila papabayaan, gigisingin ko sila lagi ng 6 am, papakainin ko sila 4 times a day, ipaghahanda ko sila ng pagkain, ichecheck ko sila at the middle of the night, itoturn off ko yung wifi sa madaling araw..... honey gagawin ko lahat ng ginagawa mo... susubukan kong gawin yan kahit minsan mahirap..... honey i hope masaya ka dyan.... i-i love you honey.... i love you..." hindi na nakapagsalita pa si dad dahil umiyak na sya ng umiyak.
Hindi ko din napigilan maiyak. Nadala kasi ako kay dad.

Sunod naman nagsalita si kuya Jin. Hindi ko kita ang mata nya dahil naka shades sya.

"Mom I'll promise na poprotektahan ko sila gaya ng ginagawa mo sa amin. M-mom thank you every thing, thank you for rise me up. I salute you mom I love you."

Agad umalis si kuya jin tska tahimik na umiyak sa tabi ni Grandma.

Sunod naman si kuya Seigy na magang maga na ang mga mata.

"Mom im sorry kasi kung niligtas agad kita sana buhay ka pa ngayon. Its all my fault. Mom thank you for stay by my side when im hurt, when I laugh, when im bored. I'll promise to you mom na gigising na ako ng maaga na hindi na ako magiging tamad tatayo na ako bilang kuya nila TALAGA. Totoo yun mom promise ko yun. I love you mom" mahabang mensahe ni kuya seigy kay mommy.

Si kuya rappy na sana ang susunod pero ayaw nya talaga. Umiyak lang sya ng umiyak sa balikat ni Rain. Nakita ko naman na si Chimin na ang may hawak ng microphone.

Hindi pa sya nagsisimula pero umiiyak na sya. Ang panget nya umiyak lord.

"M-mommy........its to early to leave us.... mom sino na magluluto ng pagkain ko? Sino na maghahanda ng damit ko? Sino na magiging alarm clock ko? Sino na mag aayus ng room ko? Mom you're not my maid but you're my fairygod mother na yung magulo napapaganda mo like my room..... mommy i miss you so much.... bakit ka kasi nasa dagat? Fairygod mother ka ba ni little mermaid? ...... mommy sana nag pool ka nalang......"

May natatawa sa mga sinasabi ni Chimin. Muka syang eng eng mag message.

"......mommy thank you and sorry for everything. Promise mas magiging matured na ako. Hindi na ako magiging pasaway. I love you mommy " dugtong pa ni Chimin.

Inabot nya sa akin yung microphone. Ako na pala ang sunod akala ko isa lang ako sa audience.

"Kaya mo yan nandito lang ako." Bulong ni Trixie sa akin.


Huminga ako ng malalim tska pumunta sa harapan.

"Ahmm mom sana po ok ka lang ngayon. Kung nasan ka man mommy sana masaya ka. Mom thank you sa lahat lahat. Hindi na ako magsasalita pa ng mahaba dahil nasabi naman ni chimin. Mom tutulong po ako kay dad, kila Kuya. I love you mommy and g-good bye."

Dali dali akong bumalik sa pwesto ko. Yumuko ako tska nagsimulamg umiyak. Nararamdaman ko ang haplos ni Trixie sa likod ko. Pag angat ng ulo ko nakita ko si Jk na hawak na ang microphone.

" sorry kung babasahin ko lang yung message ko. Baka kasi ma mental block ako atleast nakasulat na babasahin ko nalang......ok.....ahm....
Mommy alam kong kahit wala ka na binabantayan mo padin kami. Mommy alam ko hindi ka pa handang pumasok sa gate of heaven pero kasi mom baka kulang na ng angel kaya kinuha ka na sa amim. Masakit man pero unti unti naming tatanggapin. I'll try to move forward para narin kila dad. M-mommy..... mamimiss kita.... m-mamimis ko lahat ng luto mo.."

Tuluyan ng umiyak si Jk.

Tuluyan ng umiyak si Jk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


".... i love you mom" dagdag pa nya tska bumalik sa pwesto nya kanina.

Nagkaroon ng dasal pagkatapos ng message namin tapos sinakay na si mom sa karo.

Hindi na kami naglakad pa tulad ng ginagawa ng iba. Nakasasakyan lahat. umuulan din kasi. Pati ang langit nalulungkot sa pagkawala ni mommy.


Goodbye mom see you in heaven after 100 yrs.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon