Rappy's POV
Nandito kami ngayon sa hospital. Sinugod namim si kuya Jin matapos syang mahimatay dahil sa sakit ng tyan nya.
Naka confine sya ngayon. Hindi ko nga alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. si Dad at mom lang ang kinausap ng doktor.
"Umuwi na kayo. Samahan nyo si Chimin at Jk sa bahay. Kami nalang ng mommy nyo ang bahala dito." Sabi ni dad.
"Akala ko pa naman graduate na tayo sa hospital na to hindi pa pala." Reklamo ni Hope.
"Dad anong sabi ng doktor?" Tanong ni Kuya Seigy kaya napatingin ako kay dad. Hinihintay ko yung isasagot nya.
"Magpahinga na kayo. Uuwi na din kami. Kailangan lang ng pahinga ng kuya nyo." Singit ni mommy. Hindi na kami nagtanong pa kaya umuwi na kami nila Hope.
Palabas na kami ng hospital ng makita ko si Rain na may kausap na lalake.
"Ahm kuya Seigy mauna na kayong umuwi may bibilin lang ako sa mini stop." Palusot ko.
"Oh sige intayin ka nalang namin." Sabi ni Kuya Seigy.
"Ah eh wag na mag tataxi nalang ako pauwi" sagot ko.
"Wag na ang gastos mo" singit ni Hope.
Aish pano to. Paano ako makakalusot dito.
"Uy si Rain oh" turo ni Hope. Epal.
Kinawayan nya si Rain at nakangiti pa talaga sya ah. Siguro nga may gusto sya kay rain pwes hindi sila bagay .
Papalapit na sa amin si Rain.
Lub dub lub dub lub dub .
"Ahm ah k-kuya S-Seigy cr lang ako."
Tumakbo ako pabalik ng hospital. Pagpunta ko ng cr ramdam ko pa din ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Ano bang nangyayari sayo" tanong ko sa sarili ko.
Inayos ko lang ang buhok ko tska ako lumabas.
Nakita ko sila hope na kausap si Rain.
Paglapit ko nginitian ako ni Rain pero dinedma ko lang.
"Hi Rap." Pagbati nya.
"Gabi na gala ka pa din." Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"Ah yun ba? Nilulubos ko lang kasi malapit na ako umalis." Sabi pa nya.
Edi umalis na sya. Gusto nya ngayon palang eh.
"Oh bakit ka nakasimangot? Dahil ba yan sa aalis na si Rain or dahil asar ka parin kay Rain?" Singit ni Kuya Seigy.
"Wala akong pake kung umalis sya. Pakasaya sya dun tutal naman may kasama naman sya dun"
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako. Binangga ko pa nga si Rain sa balikat para mas intense.
Nakakainis lalo pa naaalala ko pa na kasama nya yung lalake nya. Magsama sila.
Pumasok na ako sa kotse . Maya maya ay sumakay na din sila Hope.
"Anong palabas yun Rappy?" Tanong ni Hope sa akin.
"Bakit may tv ba dun?" Pilosopo kong sagot ko sa kanya. Laking epal.
Wala akong ganang kumausap ng tulad nya.
"Alam mo sobrang indenial ka." Sabat ni Kuya Seigy.
"Halata naman namin na may gusto ka na kay Rain. Sino bang hindi magkakagusto kay Rain? Maganda na, Mabait na, maalaga, mapagpasensya, at higit sa lahat mapagmahal. Kaya hindi ko din masisisi yung kaibigan nya sino ba yun?" Mahabang sabi ni Hope.
"Si Ken daw. Alam mo hindi ko pa nakikita yun." Sabi naman ni Kuya Seigy.
"Panget yun wag ka ng magbalak pang makita yun kasi di ka matutuwa." Sabi ko.
Eh totoo naman diba? Napaka panget di sila bagay.
"Tignan mo nagseselos ka." Sabi ni Hope.
Pinagsasabi nito?
"Aminin mo na kasi."
Epal din tong si kuya Seigy. Nasaan na yung ugali nyang tahimik lang?
"Hindi ako nagseselos. Wag ka nga." Inis kong nilagay ang earphone ko. Kunwari wala na akong naririnig malay ko bang may sabihin pa silang hindi ko dapat marinig.
"Ikaw na mag sabi."
Ngunot noo ako sa sinabi ni Hope pero di ko na muna pinansin baka may sabihin pa sila.
Ano ba yung dapat sasabihin? Argh naiintriga na ako ah.
"Ikaw nalang." Sabi naman ni Kuya Seigy.
"Wala naman ata syang pake kung for good na yung pag stay ni Rain sa Korea. Tss umuwi na nga tayo nagugutom na ako." Sabi ni hope.
"Hayaan nalang natin sila." Sabi naman ni Kuya Seigy.
Si Rain? For good na sa Korea?
Ewan ko pero bigla nalang ako nasaktan. Ang gulo na din ng nararamdaman ko.
Bumuntong hininga ako tska tumingin sa bintana.
Anong bang nangyayari sa akin? Naiinis ako pag may kasama syang lalake lalo na dun sa Ken na yun tapos nasasaktan ako pag naaalala ko yung pag alis nya. Naninibago na din ako kasi hindi na sya nangungulit sa akin. Wala na yung Rain na nagpapasakit ng ulo ko.
Inlove na ba ako kay Rain.? Siguro nga indenial ako. Totoo naman yung sinabi ni Hope. Hindi malabong may magkagusto kay Rain. Total package na nga kung tawagin eh.
Teka nga lang...
Umaamin na ba ako sa sarili ko ? Aish nababaliw na ako.
Pagpasok namin sa bahay nakita namin si chimin at Jk na nasa sala at tila naghihintay sila sa pagdating namin.
"Kamusta na si kuya Jin?" Sabay na tanong ni Jk at chimin.
"Ok na sya kaya wag na kayong mag alala" sabi ni Hope.
"Bakit di pa kayo natutulog? Ikaw chimin bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang titigas talaga ng ulo nyo." Sabi ko .
"Makakatulog ba kami sa sitwasyon na to? Isip isip nga" sagot ni Jk .
Aba loko to ah.
Pupuntahan ko na sana kaso pumunta sya sa likod ni Kuya Seigy.
"Patol bata?" Tanong ni Kuya Seigy.
"Bata pa ba yan? Eh mas malaki pa nga muscle nyan kesa sa akin eh. Batang isip kamo." Sabi ko.
Umakyat nalang ako kesa makipagtalo sa kanila.
Pag akyat ko sa kwarto ko napansin ko na nakabukas ang kwarto ni kuya Jin. Ewan ko pero parang na curious ako kung anong itsura ng kwarto nya.
Kahit kapatid ko sya at katabi ko lang room nya hindi parin ako nakakapasok sa room nya. Masyado kasi syang magagalitin pag may pumapasok sa kwarto nya. Takot ko lang sa kanya noh.
Pag pasok ko nilubot ko agad ang paningin ko.
Ibang klase napaka linis. Kaso ang boring ng kwarto nya.
Umupo ako sa kama nya at grabe napaka lambot.
Ang unfair naman nila dad bakit kay Kuya Jin napaka lambot. Sunod ko namang tinignan yung closet nya.
Nice naka arrange lahat. Siguro inaayos din to ni mommy.
Napalingon ako sa side table nya at nakita ko yung kapirasong papel.
"Reseta to ah." Sabi ko.
Binulsa ko tong reseta. Gamit ang resetang to malalaman ko kung anong sakit ni Kuya Jin. Talino ko shet! Kaya patay na patay sa akin si Rain eh.