Napkin

22 1 0
                                    

Seigy's POV

   nandito ako ngayon sa bahay. Palakad lakad ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa states. Nagtxt na kasi si dad na nagsisimula ang operasyon ni Kuya Jin.

"Pwede ba kuya Seigy maupo ka nakakahilo ka alam mo yun?" Iritang sabi ni Jk.

"Hindi." Tipid kong sabi.

"Ano na kayang nangyayari sa states?" Tanong ko.

"Aba syempre madami. May news channel tayo ng Amerika try mong manood para malaman mo yung nangyayari" pilosopong sabi ni Rappy.

"Bobo lang? Si kuya Jin yung tinutukoy ko."

"Ayuuuun wag mo kasing sabihin na 'ano na kayang nangyayari sa states?' Ang itanong mo kung ano na ba lagay nila Kuya." Sabat naman ni Hope.

   

Ewan ko pero sa tingin ko ako lang ang nag alala dito. Si Hope may kausap sa phone.

"Oo.......ilipat nalang kaya natin sa iba para kasing walang nangyayari dyan biruin mo 3 linggo na yung bata dyan......o sige sasama ako bukas....." sabi ni Hope sa kausap nya sa cellphone. Lumakad sya papunta sa garden at patuloy sa pakikipag usap.

Napatingin naman ako kay Rappy na abala naman sa pasusulat.

"Bakit ba pinapa review ulit to eh na exam na to ah!" Inis na sabi nya.

Napatingin naman ako kay Chimin na naglalampaso ng hagdan. Haha tapunan ba naman kasi ng softdrinks yung hagdan titignan daw nya kung totoo yung sinasabi ng kaibigan nya.

"Akyat na ako ah. May photoshoot pa ako bukas." Pagpapaalam ni Vee. Pero walang pumansin sa kanya.

"Aish ano ba naman tong book report na to! Pabakasyon na pasakit pa masyado!" Sigaw ni Jk sa sobrang frustrate.

Hindi ba sila nag aalala kay Kuya Jin? Samantalang ako hindi mapakali ni hindi na nga ako nakakain ng maayos kanina kakaisip kila dad tapos sila buhay normal?!

Napabuntong hininga ako ng may tumawag sa akin sa cellphone.

"Hello"

"Ahhm hello Seigy pwedeng humingi ng favor? Please?"

Ano bang problema ng babaeng to?! Lagi nalang ba ako ang lalapitan nya?!

"Hindi kita matutulungan sorry" sabi ko ibaba ko sana yung phone kaso...

"WAIT LANG! Natagusan ako" 

"Ano?" Taka kong sabi.

"Dinatnan kasi ako dito sa may parking area, wala naman akong extrang pants tska panty-"

"What are you trying to say" bored kong sabi sa kanya.

"I need your help ahmm nakakahiya man pero kasi wala ako matakbuhan."

"So you mean ako ang bibili ng needs mo like napkin, pants , underware?"

"Excatly?"

"NO!!!" sigaw ko.

"KUYA NAMAN!" sigaw ni Jk. Hindi ko sya pinansin sa halip pumunta nalang ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Pls....naka white pants ako hindi ko alam na magkakaroon ako dito. Hindi ko alam na dadatban ako dito. Please.....gusto ko ng umuwi pero di ko magawa." pagmamakaawa nya

"Diba sabi mo nasa parking lot ka? Edi may dala kang sasakyan bakit hindi ka nalang sumakay tapos umuwi ka kesa naman inaabala mo yung taong nananahimik" mahaba kong sabi.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon