Cousins

31 2 0
                                    

Christian's POV

  "Natxt mo na ba Dark?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Yup. Mukhang nacorner ni Grandma  "

"Haha bakit kasi sila pumunta dun?"

"Ewan ko." Sagot nya.

"HOY PAKAWALAN NYO NA NGA AKO DITO!!" sigaw ni weak.

"Hoy Jazz wag kang epal. Brothers quality time ang tawag sa ginagawa namin kaya wag kang epal." Sabi ni Dark kaya natawa nalang ako ng mahina. May pagka isip bata ang isang to.

"Bakit ba puntirya nyo akong magpipinsan! Namumuro na kayo ah!" Galit na sabi ni Jazz

"Bakit naman puntirya mo ang mga kapatid ko?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Jin na nagsisindi ng sigarilyo.

"Finally! Nakarating ka din!" Sabi ni Dark.

Hindi sya pinansin ni Jin sa halip dinaanan lang sya nito dahil tumuloy to sa harap ni Jazz.

"Ibabalik ko sayo ang tanong mo... bakit mo puntirya mga kapatid ko?" Mahinahon na tanong ni Jin .

"Trip ko lang" cool na sagot ni Jazz.

Loko loko ka pag yan nag init.

"Ahh trip ko lang din tong nangyayari sayo. Trip nga kitang ilibing ng buhay eh." Nanlaki ang mata ni jazz sa sinabi ni Jin kahit si Dark nagulat.

".....gusto mo laro tayo ng taguan sa ilalim ng lupa? Masaya yun. Gusto mo itry?" Dagdag pa ni Jin .

Walang ni isa sa amin ang nagsalita . Tahimik lang si Jazz at halata mo sa kanya na natatakot na sya. Kilala nya si Jin. May isang salita ang pinsan ko kaya hindi sya makasagot.

"Kanina ang daldal mo tapos ngayon napipe ka na." Sabi naman Dark.

"Shut up Dark." Inis na sabi ni Jin .

"Ok easy lang. High blood agad"

Pinanonood ko lang ang kilos ni Jin. Actually Idol ko sya. Ang tapang nya kasi. Hindi sya natatakot mamatay kung tungkol na ito sa mga mahal nya sa buhay. Naalala ko nung nasa middle school palang kami. May bumugbog sa akin sa tapat ng school namin . Akala ko nga mamamatay na ako nun kasi may kutsilyo ng nilabas yung bumugbog sa akin pero hindi dahil naunahan na sya ni Jin dun ko unang nasaksihan na nakapatay si Jin ng tao. Pinukpok nya ng bato sa ulo yung bumugbog sa akin . Hindi ko nakita sa kanya ang takot na baka mahuli sya ng pulis something like that pero hindi,  dahil ang ginawa nya tinapon lang nya yung katawan ng lalaki sa tabi ng ilog malapit sa school . Ganun sya kabrutal pa ang mahal nya sa buhay ay napahamak na. Kaya si Jin naka monitor lang yan sa mga kapatid nya maski sa aming mga pinsan nya.

"Sino ang nagsabi sayo na guluhin mo kami? May nag utos ba sayo? O ikaw lang?" Naputol ang pag iisip ko nung marinig ko ang pagsasalita ni Jin .

"W-wala ako lang" nauutal na sabi ni Jazz.

Napag alaman kasi namin na may gang din si Jazz pero hindi sya ang leader. Ayon sa nakalap na impormasyon ni Dark na ang leader daw na nasalihan ni Jazz ay may malaking galit kay Jin pero hindi nya nalaman kung sino yun dahil masyadong confidential ang impormasyon ng leader nila. Wala ding idea si Jin kung sino yun. Sa dami ng nakaaway nya hindi nya alam kung sino ang isa dun . .

"Wala? Sigurado ka?" Mapanganib na sabi ni Jin .

May dinukot syang baril sa bulsa nya na kinagulat namin .

Bakit sya meron nun? Hanggang kutsilyo lang sya ah tska tubo.

"Bro, masama na to. Bakit may baril si Jin" bulong ni Dark .

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon