Necklace

22 0 0
                                    

Umuwi ako sa bahay na tawang tawa. Grabe pwede na akong maging artista hahaha di ko na kailangan pa ng auditon.

" nababaliw na ang isang to oh." Narinig kong sabi ni Hope. Hindi ko nalang sya pinansin pa. Tuloy tuloy lang ako sa pag akyat ng hagdan.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong binuksan yung TV at prenteng humiga sa kama. Masyado akong goodmood ngayon.

Akala ko masasaktan ko na si Kim yun pala alam nya din. In the end walang nasaktan. Enjoy pa kami na paniwalain yung mga gagong yun. Hahaha






Jk's POV

   "Malala na ang isang yun" natatawang sabi ni kuya hope.

"Masama na ba maging masaya? Wag ka nga kuya Hope" sabat ni Chimin.

"Epal ka alam mo yun." Sagot naman nya.

Umakyat nalang din ako. Iniisip ko pa din si Arhia. After nung nangyari sa rooftop hindi na sya pumasok.

Ano kayang nangyari na dun sa babaeng yun?

Kinuha ko yung phone ko tska ko tinawagan si Roy. Labag man sa loob ko pero mas ok na yun kesa naman mag isip ako dito ng mag isip.

[Hello.] Bungad na sabi nya. Halatang kagigising lang nito ah .

"May itatanong lang ako sayo."

[Ano naman yun? Kung tungkol sa assignment wala pa akong nagagawa.] Inaantok na sabi nya.

"Tanga! Tungkol kay Arhia."

[Tungkol ba kay Arhia kamo? Tama ba narinig ko?] Buhay na buhay na ngayon. Siguro may gusto to kay Arhia.

"Oo. Bakit pala hindi na sya pumapasok? Wala na ba syang balak?"

[Bakit? Ayyyyie namiss mo na bro noh. Sabi ko sayo pwede mo naman akong sabihan ng secret.]

"Tangnamo. Oh ano na. May balak pa ba sya?"

[Well in her case.... kailangan lang ng isang taong magkukumbinsi sa kanya na pumasok ulit. Kung yung taong yun kakausapin si Arhia ay nako... 10000% papasok yun. Gusto mo pa pati night class patulan nun hahahahaha] sunod sunod nyang sabi.

"Oh sige sino ba yung taong yun para kakausapin kong kumbinsihin nya. Liliwanagin ko lang concern lang ako sa future nya kasi kawawa sya pag nagkataon. Dadagdag yung mga palamunin sa lipunan."

[Grabe naman bro palamunin talaga. Sabagay mapapakain mo naman sya forever.]

"Anong sabi mo.?"

[Sabi ko simulan mo ng kumbinsihin yung sarili mo na kausapin si Arhia hahahah geh bye na inaantok pa ako.]

"Oi wait lang! Roy!"

Aish.

Ako kukumbinsihin ko yung sarili ko?

Wait.

Ako ba yung sinasabi nyang taong makakakumbinsi kay Arhia?

NO WAY!!

----

Aish nakakainis na ah. Doorbell ako ng doorbell. Nasan ba kasi yung babaeng yun.

Yeah you read it right. Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng babaeng yun.

"Sir? Sino po hinahanap nila?" Sabi nung maid na nagbukas ng gate.

"Good evening po. Nandyan po ba si Arhia?" Tanong ko.

"Naku ihjo hanggang ngayon hindi pa sya umuuwi. "

"ANO PO?!!" gulat kong sabi.

Saan nagpunta yung bruhildang yun.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon