Deal

18 0 0
                                    

Jin's POV

  "Kuya Jin." Bati sa akin ni Jack.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Pinapunta ako dito ni Chimin. Gusto lang daw nya ng may makakausap tska may pinabibigay din si Ate kay Rappy." Paliwanag nya.

"Ahh ok. Pasok ka na sa loob."

"Salamat."

Papasok na sya ng bahay nang bigla ko syang tawagin ulit.

"Jack!"

"Oh bakit kuya?"

"Ahm wag mong sabihin na nagkita tayo especially dito sa labas ok?"

"Ok."

Tuluyan na syang pumasok sa loob. Akala ko may masamang pakay si Jack. Tama nga si Dad medyo OA na ako.

May paparating na taxi kaya agad ko itong pinara.

Bumalik ang kaba sa dibdib ko. Hindi na kasi tumawag si Dark sa akin. Ano na kayang nangyari sa kanila?

"Manong sa tabi nalang po"

Pagbaba ko sa taxi ay agad kong sinulyapan ang bahay namin. Kung titignan mo wala kahinahinala dito.

Hindi na ako nag isip pa ng kung ano ano. Pagpasok ko sa loob may narinig akong nag sasalita sa taas kaya dahan dahan akong umakyat.

"Wag!" Sigaw ni Dark.

Nakita ko yung lalakeng nakatalikod sa akin at may tinutok na baril sa ulo ni Kim. Gustohin ko mang makialam pero nakita kong napatingin sa dereksyon ko si Dark. Tinanguan nya ako na parang sinasabi nyang 'kaya ko to' kaya hinayaan ko sya. May tiwala ako sa kakayahan ng pinsan ko. Tanga sa mabababaw na bagay pero matalino pagdating sa ganitong bagay.

"Babae yan. Pls wag." Pakikiusap ni Dark.

"Ibababa ko ang baril sa isang kundisyon"

Kundisyon?

"A-anong k-kundisyon" kinakabahang tanong ni Kim.

'Im here babe im here'

"You'll break Jin's heart" sabi nung lalakeng paparating.

Break my heart? Seriously?

"WHAT?! ARE YOU KIDDING ME?!" sigaw ni Kim.

Aww babe naman mahal na mahal mo talaga ako noh.

"Im not joking around little bitch. Just follow my command and everythings will be ok."

Gago to ah. Ang mga bastos na bibig ginagawang ashtray.

"Fuck you!" She cursed.

"You should obey my command. If not you'll die and your dearest superman."

Yabang! Parang kaya nya.

Tinignan ko si Dark at kita ko sa mukha nya ang gigil.

"Sino ka ba sa inaakala mo?" Kalmadong tanong ni Dark.

WOW! ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso ang kumag na toh. Hah! Dapat lang. Ayusin nya.

"Oops there he is. He helps you to do your job. He will be your instant boyfriend."

Patawa pala ang isang to eh.

"Why would I?" Gigil na sabi ni Dark.

"Ok fine if you don't want to cooperate your family will experience the best suffer in the world" natatawang sabi nung gago.

Nagulat ako sa sinabi nya kaya agad kong tinignan si Dark. Tinanguan ko sya na sign na pumayag na sya sa kundisyon ng gago.

"Damn"

"You son of a bitch! Ano bang kasalanan ni Jin sayo!" Sigaw ni Kim.

"I dont have a time to discuss all of them bitch."

"Payag na ako." Sabat ni Dark.

"What?! Nasisiraan ka ba ng ulo Dark? Wag mong sundin yang baliw na yan. Dont list-"

"Stop it Kim! Anong gusto mong gawin natin? Wag sundin? Hayaan syang patayin ka? Si Jin? Pati family ko? Think about it!" Sigaw ni Dark.

May point si Dark. At alam kong may nabuo ng plano sa utak ng kumag na toh.

Natahimik si Kim. Hindi na sya nakasagot pa.

"Susunod kami sa gusto mo but put down your gun asshole"

Sinunod ng lalake si Dark kaya nakahinga na ako ng ayos.

Tumakbo si Kim papunta sa likod ni Dark. Finally nakita ko ang mukha nya na bakas ang takot.

"Remember this. If you dont follow my command then start to say your fucking goodbye." Banta nung gagong englishero.

Nagtago ako. Nakita ko sila na pababa na ng hagdan . Gustuhin ko mang lumapit kay Kim at yakapin sya para mawala ang takot nya ay hindi ko magawa. Kailangan ko ring makipagcooperate.

"What now. A-ayokong saktan si Jin. A-ayokong mawala sya. Pls Dark." Naiiyak na sabi ni Kim. Nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Mas mabuting kami lang ni Dark ang makaalam.

"Hindi sya masasaktan. I swear."

"But how?"

"How.....how could you say you love me......ouch naman kim!"

Buti nga...

"Eh kasi naman seryoso ako tapos kakanta ka dyan"

Siraulo talaga tong si Dark.

"Ride on ka lang simple as that. And I'll promise walang masasaktan."

"Are you sure?"

"Ahuh. Basta akong bahala"

Tumingin sa akin si Darl tska nya ako kinindatan.

Boss ko ngayon si Dark. Bwisit.

-----------

Umalis na ako. Hindi na din ako nagpakita kay Kim. Mas mabuti na din yun baka kasi may nakamasid sa paligid malintikan pa yung plano ni Dark.

Nandito na ako sa tapat ng bagong bahay namin. Nakita ko si Dad at uncle na nasa garden naguusap kaya mahihirapan akong pumasok.

Kumuha ako ng bato tska ko pinukol sa kotse ni Uncle.

Napatingin sila dad sa kotse ng mag simula na itong tumunog.

Sorry uncle..

Nung nasa kotse na ang atensyon nila tska ako pumasok sa loob.

"The hell!!!" Sigaw ni Uncle.

Pagkarating ko sa kwarto ko agad akong humiga. Bakit ang parang pagod na pagod ako? Wala nga akong nagawa dun tapos napagod pa ako? Bwisit kasi tong tahing to.

Tumunog phone ko kaya agad ko itong kinuha.

Sms from: Dark
       Ako ng bahala insan. Mag panggap ka nalang na wala kang alam. Kanina kasi may nakasunod sa amin. Nakamasid sila sa amin. Dont worry I'll take care of Kim.

Sabi ko na nga ba eh. Tama ang desisyon ko na wag na mag pakita.

Sms to: Dark
    Thanks, just call me if you need help.

Napabungtong hininga nalang ako sa mga nangyayari ngayon. Expected ko naman na malalaman nila na kahinaan ko si Kim pero hindi ko inakala na gagamitin nila si Kim laban sa akin.

Minsan napapaisip ako. What if hindi ako lumaban nung nabully ako? What if hindi ako natutong makipag away? What if naging lampa nalang ako? Siguro normal na tumatakbo ang buhay ko ngayon pero siguro hindi ko nakilala si Kim, hindi ko naging kaibigan si Dark at Christian.

Minsan talaga ang mga maling bagay ang magbibigay sayo ng mga taong mananatili sa buhay mo.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon