Senti

47 2 0
                                    

Hope's POV

Nasa van na kaming lahat maliban kay Dad na inaayos yung gamit sa likod.

"Mom nagugutom ako stop over tayo sa restaurant." Hiling ni Chimin .

Kahit kailan talaga. Eh kakakain lang namin kanina bago kami umalis tapos nagugutom na naman sya? Ibang klase.

"Nagluto kami sa bahay doon ka nalang kumain. Masyado kang magastos" walang ganang sabi ni Kuya Jin .

Hindi na sumagot si Chimin. Pumasok na si Dad sa van at nagsimula ng magdrive.

"Honey anong ng balita dun sa meeting mo with Mr. Lee? " tanong ni mom kay dad.

Tahimik lang kami sa byahe. Si chimin tulog sa tabi ni mommy. Si Vee nagpapalobo, isip bata. tapos kami ni kuya Jin magkatabi syempre tulog din tong katabi ko.

"Pinacancel ko muna honey. Sa monday ko na sya imemeet" sagot ni dad.

"Ahhh ok . Eh mamaya may meeting ka?"

"Cinancel ko lahat honey kaya free time ko sa inyo." Sagot ni dad.

"Vee! Isarado mo nga yang bintana! Bakit ka ba nagpapalobo dyan! Pag ikaw nahagip ng sasakyan babalik pa tayo ng hospital nyan!" Galit na sabi ni mommy.

"Vee!" Sigaw ni dad kaya sinunod na nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Vee!" Sigaw ni dad kaya sinunod na nya.

"Nag eenjoy pa ako eh." Nakasimangot na sagot ni Vee. Isip bata talaga.

"Anak 20 ka na tapos palobo parin yang trip mo?" Sabi ni mommy.

Teka parang pamilyar yung palobong nilalaro nya.

"Teka Vee diba yan yung binili ni Trixie tapos sabay nyo pa ngang nilaro." Sabi ko na kinahinto ni Vee . Para syang napako sa kinauupuan nya habang nakatitig sa palobo. Bigla nya yung tinapon tapos tska nya binuksan yung radio. Pagbukas nya bumungad sa kanya ang kantang ONE LAST CRY kaya natawa ako. Pati si dad nagpipigil ng tawa. Si mommy naman nakamasid lang sa ginagawa ni vee.

Inis na nilapat ni Vee ang radio station. Paglipat nya SA ISIP KO ang naka play.

Hahahaha inaasar talaga si Vee ng tadhana. Hindi nalang sya nag aksaya pang ilipat. Inis syang sumandal at tumingin sa bintana.

Hahahaha saklap ng love life mo men...

Vee's POV

Nakakainis.

Nananadya ba yang mga DJ na yan. Ang dami daming kanta puro ganyan pa?

[Play song: Sa Isip Ko by. JayR]

Wala ng masasabi di ba
Kapit mo kay lamig na
Pati yakap mo'y wala ng gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy parin

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon