Chimin's POV
Sa wakas uwian na. Nakakapagod mag bake. Tatlo kasi ginawa ko. Actually dapat isa lang kaso yung magaling kong mga kaibigan iniwan ako sa ere.
Naghihintay ako ng taxi ng makita ko ang kotse ni Terrence yung anak ni Uncle. Nalaman ko na anak pala sila sa una. Hayy babaero pala tong si Uncle buti si dad hindi ganyan.
"Pandak sabay ka na? Bago tong kotse ko" pagmamayabang nya eh mag iisang linggo nayan sa kanya bago pa din psh. Akala naman nya maiinggit ako psh. Kung alam lang nya mas mayaman kami kesa kila uncle. Wait nagmamayabang din ba ako? Hindi naman diba? Nagsasabi lang ako ng totoo.
"Salamat nalang may iniintay kasi ako." Kahit wala naman.
"Sino? Ayaw mo nun makakasakay ka sa bago kong kotse."
Payabang talaga ang isang to no.
Nakita ko yung babaeng pauwi na. Maganda sya tapos sexy hahaha.
Bigla ko syang inakbayan.
"Ang tagal mo naman kanina pa kita hinihintay" sabi ko dun sa babae. Halata sa mukha nya ang pagkagulat.
"A-ako?"
"Yup. Nakalimutan mo na ba yung usapan natin?" Ngumiti ako ng napakalapad sa harap nya at habang nakangiti naglalabas ako ng salitag 'sumabay ka nalang'
"Oh sorry. Masyado kasi akong stress kaya nakalimutan ko na yung lakad natin. Ow tara na?" Sabi nung Girl. Hayy buti nagets nya.
"Naks naman pandak nakadali ka ng malaking isda ah. Sige na iwan na kita babushhhhhhhh"
Pagkaalis ni Terrence bigla nalang ako binatukan nung babae.
"Ang lakas mo makahatak gago ka!"
Hanep sosyal tignan pero kung makapagsalita parang sa kanto lang nakatira.
"Babe!"
Paktay.
"Babe kani - oh insan nandyan ka pala kanina ka pa hinahanap ni Rappy"
Napalingon ako at nakita ko si Dark. What the hell gf nya to?
"Hehehe talaga? Ahm ah sig-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumingit yung gf nya.
"Babe oh ginamit nya ako" pagsusumbong nya kay Dark.
Tumingin si Dark sa akin. Dark aura.
Kinwelyuhan nya ako at sinandal sa pader.
"Oh my god babe stop it na." Sabi nung gf nya sa likod. Inaawat nya si Dark eh hindi man lang nya hilahin.
Nakita kong nakangiti si Dark.
Hindi ko gets.
"Relax insan hindi ako galit. Hindi ko naman sineseryoso ang babaeng yan kasi may kailangan lang ako sa kanya. Kunwari may care ako para mas makuha ko ang loob nya. Gets?" Bulong nya sa akin. Tska nya binitawan yung kwelyo ko.
"Ito ang tatandaan mo wag na wag mong hahawakan ang babe ko!"
Psh corny.
Inakbayan na nya yung gf daw nya tapos umalis na sila pero bago pa sila tuluyang makaalis ay lumingon pa sa akin si dark sabay kindat.
"Chimin are you ok?" Sabi nung babae.
"Yuh are you ok? Diba cousin mo yun?" Sabi pa nung isang girl.
"Kaya nga. How dare him!" Sabi pa nung isa.
"TABI DADAAN AKO!!" Sigaw ni Shine. Hayyup!
Nagsitabihan naman yung mga babae kanina.