Love Battle

28 2 0
                                    

Vee's POV

  Nagising ako sa sikat ng araw. Asar naman. Sino ba ang nag bukas ng kurtina?

"Pwede ba tayong mag usap?" Napatingin ako sa pinto. Nakita ko si Xerym na nakatayo dun .

"Tungkol saan ba?" Inaantok kong sabi. Wala pa ako sa mood makipag usap eh.

"Tungkol kay Steffie."

Biglang nagising ang katawang lupa ko nung sinabi yun. Bakit naman nya ako kakausapin tungkol dun?.

"What about steffie?"

"Kayo ba?"

"Eh ano kung kami? Diba break na kayo? Tska wala lang naman sayo ang girls diba bakit-" di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla nya akong suntukin.

Tinulak ko sya ng sobrang lakas kaya tumalsik sya sa may pader.

"Ano bang problema mo?" Inis kong sabi. Nakakainis kasi nananapak nalang bigla bigla.

"Layuan mo si Steffie." Tipid nyang sabi.

"At bakit ko naman lalayuan? Sino ka ba sa inaakala mo? Wala na kayo diba? Wala ka ng papel pa sa buhay nya kaya wala kang pake kung lapitan ko sya."

Naka tanggap na naman ako ng sapak kaya sinapak ko din sya. Hindi sya nagpatalo sa suntukan .

Biglang may umawat sa amin. Hinila sya ni kuya christian at ako naman hinila ni kuya Jin .

"Ganyan naman kayong mga manloloko. Sinaktan nyo na hindi nyo pa hahayaang maging masaya. Napaka unfair mo  Xerym! Si Steffie nasa isang sulok umiiyak tapos ikaw nakikipag landian ka sa iba tapos ayaw mong  palapitan sa akin?! Napaka gago mo pala!" Galit na sabi ko. Nakaharang ang braso ni Kuya Jin sa akin para hindi ako makasugod sa Hayop na to.

"Wala kang alam! Hindi mo alam kung ano ang naging dahilan bakit kami nagkahiwalay kaya wala kang karapatan sabihan akong manloloko!"

"Wow finally nakapagsalita ka ng mahaba! Congratulation pinsan! Gratuate ka na sa pagiging pipe pero hindi pa din magbabago ng kadaldalan mo ang pagiging manloloko mo!" Sigaw ko.

"Tumigil ka na Vee" sabat ni Kuya Jin .

"Wala kang alam kaya wala kang karapatan akusahan syang nanloko kasi-" hindi natapos ni Dark ang sasabihin nya ng mapaluhod si Xerym .

"Kuya Xerym!" Gulat na sabi ni Chenry.

"Kunin mo yung inhaler nya!" Sigaw ni Kuya Christian . Tumakbo palabas si Dark para kunin ang inhaler na initos ni kuya Christian

"Xerym... xerym...." tawag ni Kuya Christian. Sumingit si Kuya jin sa kanila.

Binuhat ni Kuya Jin si Xerym papuntang kama ko. At saka nya pinasandal si Xerym sa may unan.

"Xerym.... relax ok? Relax...." mahinahong sabi ni Kuya Jin. Hinawakan nya ang batok ni Xerym at sa kanang balikat. Inabot ni Dark ang inhaler kay Xerym. nang magamit na ni Xerym ang Inhaler nya may pinainom pa sa kanyang gamot.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong ni kuya Jin pero hindi ito nag salita. Pipe parin pala.

"Vee kumuha ka ng First aid kit." Utos ni kuya Jin

"Teka bakit ako?"

"Sino ba may gawa nito sa kanya?"

"Ah ganun ba yun? Hoy xerym kumuha ka ng first aid kit ikaw may gawa nito sa akin"

Tinitigan ako ng masama ni Kuya Jin .

"Sabi ko nga kukunin ko na eh."

Nagmadali akong kunin ang First aid kit baka kasi mamatay si Xerym kasalanan ko pa.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon