clumsy

28 2 0
                                    

Seigy's POV

"Manong bayad ko po"

Inabot ko sa taxi driver ang bayad ko pero laking gulat ko ng hindi nya ito tanggapin.

"Wag na ihjo. Na abala pa kasi kita kaya libre ko nalang sayo tong pagsakay mo." Nakangiting sabi nya.

"Nako po manong ok lang. Para may maiuwi po kayo sa pamilya nyo and besides schoolmate ko naman po yung lampa na yun kaya ok lang."

Pilit kong binigay ang bayad. Hindi na sya naka angal pa. Pag pasok ko sa loob malinis na ang bahay. Dederetso na sana ako sa kwarto ko ng marinig ko ang kalansing ng kutsara.

Pumunta ako sa dining area at nakita ko silang kumakain sabay sabay.

"Oh ginabi ka ata. Maupo ka na dito sumabay ka na sa amin" pag aalok ni Daddy.

"Himala at ginabi ka ng uwi." Puna ni kuya Jin.

"May lampa kasi sa mundo na hindi ko maiwanan" walang gana kong sabi. Nagsandok ako ng kanin tska menudo.

"Obligasyon mo ba ang mga lampa?" Natatawang sabi ni Vee.

Saya ng isang toh oh.

"Saya mo eh noh." Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nalang ako. Kanina pa ako gutom na gutom. Walangyang babaeng yun ginutom ako at ang masaklap pa kahit pa skyflakes lang walang binigay.

Flashback..

Pagpunta namin ng hospital ay agad syang inasikaso.

"Oh pwede na siguro akong umuwi?" Sabi ko.

"Uwi nalang ako. Ayoko dito pls."

Ang higpit ng kapit nya sa braso ko. Hanep!

"Anong ayaw mo. I checheck up lang yung paa mo kaya wag kang maarte para kang bata"

"Eeeee..... ayoko dito. What if they will inject me. Ayoko nun" pag iinarte nya kaya pinitik ko sya sa kamay nya na mahigpit na nakakapit sa braso ko. Sa gulat nya ay natanggal nya ang kamay sa akin.

"Walang ii'inject sayo ok? Ang OA mo."

"Ihja nakausap ko na yung nurse pasok ka na daw sa loob para daw matignan na yung paa mo." Sabi ni manong driver.

Bigla na naman syang napakapit sa akin. Nilakihan ko sya ng mata na nagpapahiwatig na 'tanggalin mo yang kamay mo sa damit ko'

Agad naman nyang tinanggal yung pagkakahawak nya sa uniform ko.

"This way po ma'am" sabi nung nurse sa kanya.

Tinignan ako ni lampa na parang nagpapaawa pa sa akin.

Tatalikod na sana ako para umuwi ng tawagin nya ako.

"Seigy dyan ka lang ah" sabi nya.

Bakit nya ako kilala?

Ahhh ok gets ko na kilala nga pala ako sa school.

Gustuhin ko mang umuwi kaso hindi ko magawa. Tinignan ko si manong driver na nakaupo lang at halata ang katandaan nya kaya lung aalis ako malang hindi nya makakaya yung lampa na yun.

Lumipas ang isang oras pero hindi parin sya lumalabas.

"Manong bumyahe na po kayo ako nalang po ang bahala dito."

"Nako ihjo ok lang kasalan ko naman kaya sya napunta dito."

"Manong sayang po yung kikitain nyo kung tutunganga lang po kayo dito."

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon