Vee's POV
Nagsimula ng kumanta si Steffie. Ewan ko ba pero sapul na sapul ako ng kantang kinakanta nya. Damang dama ko ang feelings na binibigay ni Steffie sa kanta.
Kita ko sa mga mata nya ang sakit at lungkot. Broken din ba sya o sadyang magaling lang syang maglagay ng emosyon sa kinakanta nya? .
Napaka ganda ng boses ni Steffie para sa akin. Para syang anghel na bumubulong sa tenga ko. Napaka lamig ng boses nya.
Napatingin ako sa mga nanonood. Bigla nalang kasi sila nag bulungan .
"Grabe nakaka awa sya." Sabi ng katabi ko sa kausap nyang babae.
"Oo nga eh. Panget na nga naloko pa" sagot naman sa kanya.
" pero girl nakaka awa talaga sya. Dinadaan nalang nya sa kanta yung nararamdaman nya."
"Oo nga eh. Sobrang minahal nya talaga si Xerym noh." Sabi pa nung kasama nila.
"Ok na din yung naghiwalay sila eh manloloko naman talaga yun"
Hindi ko na sila pinansin pa. So totoo nga na broken sya.
Pagtingin ko kay Steffie nakayuko na sya habang kumakanta. Medyo garalgal na ang boses nya. Nang titigan ko sya nakita ko na sunod sunod ng tumulo ang mga luha nya kaya di na ako nagdalawang isip pa na akyatin sya sa stage.
Pag akyat ko agad ko syang niyakap . Maraming nagulat sa ginawa ko. May mga nagbubulungan na din .
"Ang swerte nya"
"Sana broken na lang din ako kaso single ako eh"
"Paawa para yakapin ni Vee"
"May Nerd na palang malandi"
"How dare him! Bakit nya niyakap yan!"
"Bagay sila!!"
Iilan lang yan sa mga narinig ko pero nangingibabaw sa pandinig ko ang hikbi ni Steffie.
"Ok ka lang." Tanong ko. Umiling lang sya habang nakasubsob sa dibdib ko.
"Come on, lets get out of here." Sabi ko .
Hindi sya bumitaw ng yakap sa akin habang naglalakad. Ngayon hindi ako nag iisa . .
Pumunta kami sa likod ng school . Pero may natatanaw akong sumunod sa amin para makitsismis.
"Dito muna tayo." Umupo kami sa ilalim ng puno . Kinuha ko yung panyo ko at saka ko pinunasan ang mga luha nya.
"Sorry hindi ako nakapag perform ng maayos." Paumanhin nya.
"Ok lang. In fact ang ganda ng boses mo kaya dun palang solve na ako." Nakangiti kog sabi.
"Salamat Vee . Hindi mo naman kailangan pang gawin to eh."
"At bakit naman hindi? Alam mo bang parehas tayo ng pinagdadaanan? Kaya naiintindihan kita."
"Hah? Paano mo nalaman?"
"Hugot ang kanta mo tapos umiyak ka pa may narinig pa ako na niloko ka daw ng bf mo kaya same lang tayo dahil niloko din ako" nakangiti kong sabi.
"Nakangiti ka pa eh broken ka na nga" naka pout nyang sabi. Cute talaga nito.
"Broken ka na nga nakasimangot ka pa."
"Last na iyak ko na to promise."
"Good . Dapat lang sayang naman yung magaganda mong ngipin kung hindi mo ididisplay yan"