Jin's POV
Lumilipas ang araw mas madalas ng sumakit ang tagiliran ko. Mas madalas na din ang pagpapacheck up ko. Hindi ko sinasabi kay dad dahil alam kong madami na syang iniintindi.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Umuwi ako para lang makapagpahinga. Hindi na ako pumunta pa ng clinic baka kasi itawag yun kay dad.
Mas tumindi yung sakit na nararamdaman ko kaya mas lalo akong nanghina. Gustuhin ko mang bumangon para kumuha ng gamot hindi ko magawa dahil pag gumalaw ako mas sumasakit.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tska ko tinawagan si Christian.
Ring lang ito ng ring. Nasa school pa ata sya.
Tinary kong tawagan si Dark pero ganun din.
"M-mom" bulong ko. Napapapikit na ako sa sobrang sakit.
Nakarinig ako ng naglalakad sa labas.
"Hello...... oo magpapalit lang ako.....sabihan mo na yung iba na may try out..... oo tska gagamutin ko lang tong sugat ko..... kaya ko yan ako pa ba...... wala ka na dun....sige sige."
Boses ni Seigy yung narinig ko mukhang may kausap sya sa phone.
"Se-seigy." Tawag ko pero hindi ko alam kung narinig ba nya o hindi.
Ayoko mang tawagin sya kaso hindi ko na kaya yung sakit.
"Arrrrghhh!!!" Sigaw ko sa sobrang sakit.
Bigla akong nakarinig ng takbo. Sunod sunod na katok ang narinig ko.
"Kuya?! Kuya anong nangyayari?!" Sigaw ni Seigy sa labas.
"S-seigy" nanghihina kong sabi habang hawak ko ang tagiliran ko.
"ANSWER ME KUYA! ANONG NANGYAYARI?! KUYA!!" sigaw nya ulit. Gustuhin ko mang sagutin ang tanong nya pero di ko na magawa pang magsalita.
Pinipilit nyang buksan yung pinto. Naalala ko nilock ko pala yun.
Seigy's POV
Pilit kong binubuksan ang pinto ng kwarto ni Kuya Jin pero naka lock ito.
"KUYA OPEN THE DOOR!!"
kinatok ko ng malakas ang pinto pero hindi nya ito binubuksan. Alam ko may nangyayari na sa loob na hindi maganda.
Pumunta ako sa library ni dad. Binuksan ko yung drower malapit sa table nya. Hinalungkat ko yun ng hinalungkat pero wala akong makitang susi.
"Ngayon pa ba!" Inis kong sabi.
San ba nilagay ni dad yung susi!!!!
Bumalik ako sa tapat ng kwarto ni kuya jin. Wala na akong magagawa kundi ang sirain ito.
Sinipa ko ng malakas ang pinto pero walang nangyari. Muli kong sinipa pero wala pa din.
"FUCK!!!" Sigaw ko.
Sunod sunod kong sinipa pero wala pa ding nangyayari.
Bakit ba kasi ang tibay ng pintong pinagawa nila mommy?!
Sipa lang ako ng sipa. Wala akong pake kung madamage yung binti ko. Hindi ko na din inintindi pa ang mga sugat ko sa tuhod.
And finally na buksan ko na ito. Nakita ko si Kuya Jin na nakahandusay sa sahig. Nakita kong may luhang tumulo sa kanya. Ang
Putla ng itsura nya kaya dali dali ako lumapit at tska ko sya binuhat."Ang bigat mo shit!" Angal ko. Oh shit naman! hindi ako marunong mag drive.
Sinakay ko na sya sa kotse. Nagbakasakali akong baka may dumaan na taxi pero wala. Hindi na ako nag hinatay pa. Ayokong may mawala na naman sa amin. Nangyari na to sa akin. Dahil sa akin hindi ko nasagip si mommy dahil lang sa hindi ako marunong lumangoy tapos ngayon si kuya Jin naman ang problema naman hindi ako marunong mag drive. Fuck this life?!
Naglakas loob akong sumakay sa driver seat.
"I can do it." Bulong ko. Tinignan ko si kuya Jin sa likod at wala pa ding syang malay.
Hindi ko hahayaang mawala si Kuya ng dahil lang sa hindi ako marunong mag drive. Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko kay mommy.
Inistart ko na ang engine ng sasakyan.
"I can do it. I can do it." Paulit ulit kong sabi.
Jacob's POV
"Sir na re-sced po yung meeting nyo with Mr. Reyes ng Zeus Hotel . He moved at 4 pm." Sabi ng secretary ko.
"Why?"
"His secretary said na nagkaproblema po yung hotel Zeus"
"Oh ok. Be updated for hotel Zeus kailangan natin malaman ang mga nangyayari sa kanila. Ayokong makipag deal sa business na may problema."
"Ok sir."
Paglabas ng secretary ko ay tumayo ako para maglunch nang biglang bumagsak yung mga susi ko.
"Huh? Bakit nasa akin ang susi ng kwarto ng mga anak ko?" Tanong ko sa sarili ko.
Ah baka nadala ko lang.
Nakakaisang hakbang palang ako ng tumunog ang phone ko.
"UNCLE SI JIN PO!" Sigaw ni Dark sa kabilang linya.
Kinabahan ako bigla. Napatingin ako sa mga susi especially sa susi ng kwarto ni Jin.
"Anong nangyari?!"
"Uncle pumunta nalang po kayo dito. Nirerevive na po si Jin ngayon." Sabi pa nya.
Agad kong kinuha ang susi sa sahig tska ako tumakbo palabas.
"CANCEL ALL MY APPOINTMENT!" sigaw ko sa secretary ko. Hindi ko na inalala pa ang mga importanteng meeting ko. Mas importante ang anak ko.
'Honey wag mong kunin ang anak mo sa akin pls.' Bulong ko sa isip ko.
Matulin kong pinatakbo ang kotse ko. Nanginginig ang buong laman sa katawan ko. Hindi ko na ata kakayanin kung may isa pang mawala sa amin.
Pagkarating ko sa hospital nakita ko si Dark at Seigy.
"Seigy." Tawag ko. Napalingon silang dalawa sa akin.
"DAD!"
"Nasan ang kuya mo?"
"Nasa loob pa din po sya" sagot nya sa akin.
"Anong bang nangyari?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Nasa bahay ako dad. Umuwi ako para magpalit ng damit dahil may try out kami ng basketball tapos nakarinig ako ng sigaw sa kwarto ni Kuya kaya pumunta ako sa kanya kaso naka lock ang pinto. Hindi ko naman makita yung susi sa library mo dad kaya sinipa sipa ko nalang yung pinto tapos nakita ko na sya na walang malay na nakahandusay sa sahig." Pagkukwento ni Seigy.
"Tapos Uncle buti nalang dadaan ako sa inyo kasi may ibibigay ako kay Jin nang makita ko si Seigy na nakasakay sa kotse na atras abante" paliwanag naman ni Dark.
"Kaya dad nung nakita ko sya nagpatulong akong magdrive kaya nadala namin sya dito." Dugtong ni Seigy.
Napahilamos ako ng mukha sa sobrang inis ko. Dapat pala alam ng mga anak ko kung paano mag maneho. At ang tanga ko bakit ko nadala ang susi ng kwarto nila.
Napalingon kami ng lumabas ang doktor.
"Dok kamusta na po si Kuya" bungad ni Seigy.
"Im sorry."