Memories

25 0 2
                                    

   [Jin's POV]

  "Ito yung bayad manong." Inabot ni Dad yung bayad sa taxi Driver.

  Nasa tapat na ako ng gate nila Uncle. Napansin kong bukas ito kaya kinabahan na ako.

"Dad bukas yung gate."

"Oh wag mong sabihing may hinala ka bakit bukas yan. Wag kang OA ang baklang tignan"

"Dad naman"

Pumasok na kami sa loob. Narinig ko ang tawa ni Dark na nagmumula sa kusina. Bunganga talaga ng isang yun. I decided na puntahan sya.

"Ang ingay mo" seryoso kong sabi.

Sa gulat nya ay nabuga nya yung tubig kay Chenry.

"KUYA KADIRI KA!!!" sigaw ni Chenry.

"S-sorry." Paumanhin nya kay Chenry. Hahaha bugahan ba naman ng pinagmumugan.

" Ina mo Jin! Nakakagulat ka! Bakit ba bigla ka nalang sumusulpot?! Diba bukas pa uwi mo?"

"what the hell! Naglalakbay diwa si Kuya Jin?!"

Napatingin ako sa likod ko nakita ko si Chimin na nakatayo at gulat na gulat.

"Anong naglalakbay diwa? Bobo?  totoong nandito na ako." Natatawa kong sabi sa kanya. Na miss ko kakulitan nito ah.

Nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Chimin.

"Tang ina yung tahi ko!" Sigaw ko. Pagaling na sya pero medyo masakit pa din pag nabubunggo.

"Nasan ang daddy nyo Dark?" Tanong ni Dad.

"Dad!!" Dinamba ni Chimin si Dad.

"Whoa son easy. Hindi naman halatang namiss mo kami." Natatawang sabi ni Dad.

"Kung umasta naman to daig pa 5 taong gulang." Singit ni Chenry.

"Maaga pong umalis Uncle Jacob. Kasama nya si Grandma. Pumunta sila ng hospital." Sagot ni Dark sa tanong ni Dad.

"Kamusta na si Vee?" Bigla kong tanong sa kanila.

Ang maingay na paligid ay napalitan ng katahimikan.

"Siguro inooperahan na sya ngayon. Pero wag kang mag alala magiging ok din ang lahat"

"Dad?"

Lahat kami napatingin sa pinto. Nakita ko si Seigy na gulat na gulat.

"Oh good morning son." Bati ni Dad sa kanya.

"Diba bukas pa uwi nyo? Napaaga ata"

"Bakit ayaw mo?" 

Nagtawanan kami sa tinanong ni Dad sa kanya.

"Ahmm Chenry, Dark pwede nyo ba muna kami iwan saglit may pag uusapan lang kami." Sabi ni Dad. Nagkatinginan kaming lahat. Ano kayang pag uusapan namin.

"Seigy gisingin mo mga kapatid mo sabihin mo may sasabihin ako sa inyong lahat."

"Sige dad."





 
 
  [Jacob's POV]

  Nandito na silang lahat sa harap ko at handa ng makinig.. Alam kong magagalit sila sa sasabihin ko pero nakapagdesisyon na ako.

 Alam kong magagalit sila sa sasabihin ko pero nakapagdesisyon na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon