Nandito kami ngayon ni Xerym sa favorite namin ni mommy na lugar. reliver place namin to kung tawagin. Pumupunta ako dito pag malungkot o di kaya galit ako. Actually kay mommy to sabi nya binili daw nya to para may lugar syang matakbuhan pag pagalit daw sya sa parents nya pag nag inis sya kay dad o di kaya pag malungkot sya.
"Wow" bulong ni Xerym habang nililibot ng paningin nya yung lugar.
"Swerte mo kasi sayo ko sinabi ang lugar na to." Sabi ko na ikinalingon nya.
"Kanino to? Ang ganda"
"Kay mommy tong bahay na to tapos ayun binigay na nya sa akin. Alam kong malungkot ka insan kaya ipapaheram ko muna sayo tong lugar na to." Sabi ko. Nakita kong napangiti sya pero halatang pilit lang ito.
"Stress reliver ang bahay na to para sa akin" dagdag ko pa.
"Tama ka. Ang refreshing ng lugar na to. Salamat kasi pinaheram mo sa akin." Pasasalamat nya.
"Isipin mo hindi mo ako kilala. Isipin mo ngayon mo lang ako nakita." Suggest ko. Gusto ko kasi makichismis haha.
"What for?"
"Para may malabasan ka ng sama ng loob mo." Sagot ko with a big smile para intense syempre sa sobrang tahimik nito malamang ang dami na nitong secrets. Nakakaintriga kasi ang isang to. Nangangati nga tenga ko shit tagal magkwento.
"Pero kung ayaw m-"
"Nasasaktan ako." Bigla nyang sabi kaya natahimik ako. Hindi na ako nag salita kasi parang ang lalim ng pinanghuhugutan ng isang to.
"Yung babaeng nakita natin paglabas ng convinient store, ex girlfriend ko yun."
Aw. Ito na nagsisimula na syang mag open up.
"Hindi kami maghihiwalay kung hindi dahil sa katangahan ko." Sabi pa nya pero nahinto sya dahil naiyak na ang loko.
"Babaero ka kasi." Sabi ko.
Naglakad na kami papasok sa loob.
*hindi ko na itutuloy yung pag uusap nila. Yung buong scene na to sa series 2 ko ilalagay. Sensya na :) *
"Gabi na Xerym. Ang daldal mo kasi." Sabi ko. Na ikinatawa nya.
"Hahaha dati sabi nyo pipe ako naiinis kayo, ngayon naman na nagsalita ako ayaw mo din. Ang gulo ah."
"Hahaha ay oo nga noh. Di bale ok na yan para maexercise yung dila mo." Sagot ko na ikinatawa naming pareho.
"Wala ka na bang sandwich?"
Aba eh dalawa lang naman yung kinain ko yung isa kinain ko habang naglalakad kami papunta dito tapos yung isa binigay ko sa kanya.
"Dalawa lang naman yung binili ko. Wag mong sabihin nagustuhan mo ayokong maging rival ka sa sandwich ko." Sabi ko