still a virgin

28 1 0
                                    

"Ihjo salamat sa paghatid kay Arhia."

"Salamat din po sa juice tska po sa kwento." Natawa sya sa akin kaya napangiti ako.

"Sya nga pala. Kanina pa tayo nag uusap pero di ko pa alam ang pangalan mo?" Tanong nya.

"Jirus Keil po. You can call me JK yun kasi tawag nila sa akin."

"Pang gwapo naman ang pangalan mo bagay na bagay sayo."

Nahiya tuloy ako sa sinabi nya. Kahit na alam ko na yun nakakahiya pa din.

"Hehehe salamat po-"

"Nanay lucy nalang Jk." Nakangiti nyang sabi.

"Sige po Nanay Lucy. Una na po ako." Paalam ko 

"Mag iingat ka."

"I will Nanay Lucy "

----------

"Saan ka galing?" Bungad ni Dad sa akin. Nasa couch sya nakaupo habang nagbabasa sa nga folder na nasa harap nya.

"Kila Arhia lang Dad."

"Girlfriend mo?"  Tanong nya tska sya tumingin sa akin ng deretso.

"No. She's my classmate."sagot ko.

"I see. Kumain ka na ba?"

"Yes dad."

"Ok sige magpahinga ka na."

Tumango ako kay Dad tska ako umakyat sa taas. Nakita ko si Kuya Rappy na aliw na aliw na nakatingin sa cellphone nya.

Malalala na mga kapatid ko. Pagdating ko sa loob ng kwarto ko nakita ko si Roy na sarap na sarap sa paghiga.

"Anong ginagawa mo dito?!" Inis kong sabi pero nginitian lang nya ako.

"Grabe sa kalat yung kwarto mo ah. Nahiya ako kaya naglinis ako. Kuha mo ako ng pagkain pakuswelo lang." Sabi nya.

Aba talaga nga naman.

"Sinabi ko bang linisin mo? Umalis ka na nga." Tinulak ko sya paalis ng kama ko. Ayoko sa lahat yung may humihiga sa kama ko. Naiinis ako pag ganun 

"Alam mo pagbutihin mo ang paglalaro. Muntikan ka na macheck."

Huh?

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Hahaha wala. Nevermind. Dali na kumuha ka na ng kakainin ko."

Aba!

"Hoy hindi ako kumakain dito sa kwarto ko. Tska konting manners naman umayos ka ng upo."

"Hindi daw sya nakain dito sa loob eh halos balat ng saging, snaks, bottle of water ang kalat mo. Now tell me binibisita ka nila?" Natatawa nyang sabi.

Aish napipikon na ako sa isang to.

"By the way pano mo nalaman bahay namin?" Tanong ko.

Remember malayo ang bahay namin sa school. Eh walking distance lang bahay nitong ulupong na to sa school.

"Actually di naman talaga kita balak puntahan. Ka village nyo lang kasi yung Ate ko. Pauwi na sana ako kaso nakita ko si Rappy kaya sinundan ko kaya ayun nalaman ko.  dito na pala bagong bahay nyo. Astig ah." Paliwanag nya.

"So si Kuya Rappy nagpapasok sayo dito?"

"Nakikinig ka ba? Sinundan ko lang sya pero si tito Jacob ang nagpapasok sa akin."

So alam pala ni dad na nadito sya. Paano ko to papaalisan agad eh si dad pala nagpapasok. Psh.

"Matutong makisama sa bisita"

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon