Vee's POV
Hanggang ngayon hirap parin akong mag adjust sa pagiging model ko. Medyo nakakapagod kasi lalo pa may problema yung pamilya namin. Si Kuya Seigy hindi na umuwi kagabi kaya wala pa kaming alam sa nangyari.
Nagliligpit na ako ngayon ng gamit ko. Katatapos lang ng photoshoot ko. Pupunta naman ako sa school kasi may tatlong subject pa akong dapat pasukan.
"Bae-Vee nandyan na yung sundo mo." Malanding sabi nung photographer kong bading si baby.
"Haha sige sige" napailing nalang ako sa kakulitan nya.
Sabi nga nya tawagin ko daw sya sa name nya so ginawa ko tinawag ko sya sa pangalang Bruno. Nagtawanan pa nga yung ibang staff ang gusto pala nya tawagin ko sya sa pangalan nyang baby tapos tawag nya sa akin bae-vee. Naalala ko pa nga nung binisita ako ni Trixie tapos narinig nya yung tawagan namin ni Baby grabe nagalit agad sya. Si Baby naman naiinis kay Trixe. Hahaha kaya mahirap pag nagsama ang dalawang yan.
"Babe." Lumingon ako sa angel na boses na yun.
"Wala ka ng klase?" Sabi ko kay Trixie. Umupo sya sa table kung saan nandun yung mga gamit na inaayos ko.
"Sit properly babe." Sabi ko.
"Hehe sorry." Sabi nya sabay peace. Cute nya talaga.
"Babe kamusta na pala si Kuya Jin. Is he ok now?"
"I think so. Hindi ko pa maconfirm kasi hindi umuwi si Kuya Seigy kagabi kaya wala pa kaming idea pati dun sa nangyari."
"Bae-Vee naiwa-"
Napatingin ako sa may pinto. Nakita ko si Baby na masamang nakatingin kay Trixie. Nilingon ko si Trixie at masama din nyang tinignan si Baby.
"Babe kala ko ba no pets allowed dito?" Mataray na sabi ni Trixie.
"Yuh right bakit ka ba nandito?" Sagot naman ni Baby.
"Anong sabi mo?!"
Pinigilan ko si Trixie sa pag sugod nya kay Baby.
"Baby uuwi na kami. Bye." Pagpapaalam ko kay baby.
"Tara na babe" pag aaya ko kay Trixie.
Hinawakan ko na si Trixie sa kamay nya pero hindi sya nagpadala sa akin kaya nilingon ko sya.
"Babe feeling ko may kahati ako sayo every time na tinatawag mo syang baby." Nakasimangot na sabi ni Trixie.
"Babe pangalan nya kasi yun."
"Kahit na. Baby is a sweet name." Sabi nya.
"Korek ka girl sweet kasi ako." Sabat ni Baby.
"SHUT UP!" sigaw ni Trixie. Kumapit sya sa braso ko yung bang ayaw nya akong mawala sa tabi nya. Sweet diba?
" nako baka kayo ang magkatuluyan nyan." Natatawa kong sabi sa kanilang dalawa.
"EWWWWWW" sabay na sabi ng dalawang baliw na to.
"Babe tara na nga masyado ng polluted ang air dito" sabi ni Trixie.
"Wow girl ha. Bakit? Nasosoffucate ka ba sa sarili mong hininga? Hahaha"
"Aba nakakarami ka na ah." Kinuha ni Trixie yung heels nya na agad ko namang pinigilan.
"Hahaha babe easy lang. Tara na." Natatawa kong sabi.
"Whats funny?!"
"Nothing babe"
"Babe mo mukha mo! Arrgh!" Nag walk out ang pinaka magandang babae sa buhay ko.
"Nako bae-vee pagsabihan mo nga yang jowa mong impakta pag ako napuno sa kanya gagawin ko syang film ng camera ko." Nagwalk out na din si baby.
Paglabas ko hindi ko na nakita pa si Trixie kaya ako nalang ang mag isa. Huhuhu wawa naman ako :(
"Babe ano?! Hindi ka pa ba sasakay?!" Napalingon ako sa gulat ko sa kanya. May taxi na pala sa likod ko at nakasakay na dun si Trixie.
"Hindi mo talaga ako matiis ah" nakangiti kong sabi. Pero hindi sya nagsalita.
"Babe sorry na kahit wala akong kasalanan sorry pa din" sabi ko habang nakasandal sa balikat nya.
"Walang kang kasalanan? Wow Vee ah nahiya ako sayo. May pa baby baby pa kayong CS." nakatingin lang sya sa bintana tska naka cross arm.
"Babe pangalan nya talaga kasi yung baby hindi ko na kasalanan yun tapos yung sa akin naman bae as in B-A-E tapos dinugtungan nya ng name kong Vee kaya bae-vee." Paliwanag ko.
"Eh bakit close na close kayo may hinatid pa syang gamit mo sa loob."
"Babe naiwan ko yun. Tska kailangan ko talagang maging close sa kanya dahil sya yung photographer ko."
"Eh bakit nagpapaliwanag ka? Defensive ka siguro."
"Ha? Nagpapaliwanag ako kasi nagtatanong ka." Kakamot kamot ako sa ulo ko. Grabe ang gulo ng mga babae hirap spellengin
"Make sure hindi mo sya ihahug, ikikiss"
"Babe naman napaka joker mo talaga."
"Im serious!"
"Ok ok promise."
Nakakamiss pala yung ganitong awayan namin. Medyo nakakaluwag na kami ni Trixie sa lugar na pinupuntahan namin dahil nasa Italy yung Finacé nya. Sana dumating yung araw na malaya na kami kahit saan.
Rappy's POV
"Kainin mo na to." Sabi ko kay Rain na tulala pa din. Matagal tagal na din syang hindi nakakapagsalita. Pinatingin na din sya sa doktor at under treatment pa din sya. Naaawa na nga ako sa kanya dahil dala dala pa din nya hanggang ngayon yung trauma.
"Pag hindi ka kumain uuwi na ako." Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at tska ko na nilapag yung pagkain nya sa side table.
Hindi pa ako nakakadalawang hakbang tinawag na nya ako na kinagulat ko.
"Dito ka lang pls."
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tama ba yung nadinig ko. Nagsasalita na ulit sya?
Unti unti akong lumingon sa kanya. Nakita ko syang umiiyak at paulit ulit na sinasabing 'dito ka lang' hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masaya ba dahil nakakapagsalita na sya o malungkot pa din dahil mapasahanggang ngayon umiiyak pa din sya.Lumapit sya sa akin tska nya ako mahigpit na niyakap. Hindi ako makagalaw sa mga nakikita ko.
"Dito ka lang" ulit pa nya.
Masaya ako na nakakapagsalita na sya. Kahit 10 letters lang yun ayos na atleast may improvement.
"Tahan na. Hindi ako aalis."
Inakay ko sya papunta sa kama nya. Pinaupo ko sya dun. Pinakatitigan nya ako para bang kinakabisa nya ang mukha ko.
"I love you."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Nakapagsalita ulit sya ng panibagong mga salita. Gusto ko sumigaw sa tuwa.
Ngumiti ako sa kanya tska ko sya hinalikan sa noo.
"I love you too" sabi ko. Sure na ako sa nararamdaman ko sa kanya. Wala ng lokohan toh. Naamin ko na sa sarili kong mahal ko na sya. Ngayon naman I admit to her that I love her so much.