Gulay

34 0 0
                                    

   Seigy's POV

       
 
  Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. And yes gumagamit na ako ng alarm clock. Wala naman kasing tutulong sa aking gumising kundi ako lang din. Tska maaga practice namin sa basketball ngayon.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako. Nakita ko si Hope na mag isang kumakain.

"Oh nasan sila?" Tanong ko kay Hope

"Tulog pa. Maaga ka din bang aalis?"

"May practice kami ng basketball. Ikaw pupunta ka sa bar mo?"

"Oo may dapat kasi akong puntahan para sa itatayo kong bagong bar kaya nga aalis na ako ng maaga para matapos agad may subject pa kasi akong papasukan sa afternoon class."

"Ahhh. Sige alis na ako paki sabi nalang kay dad."

"Teka di ka kakain?"

"Doon nalang."

 
Aish sasakay pala ako ng taxi. Tsk dapat kasi may sarili na akong sasakyan.

Pagkadating ko sa school ay walang masyadong tao. Maaga pa kasi.

"Oh ayan na pala si Seigy." Turo ni Dray ka team ko.

"Practice na agad." Saad ko kaya nagtayuan na sila.

Nilapag ko lang yung bag ko tska ko na kinuha yung bola.

Ramdam ko pa din yung sakit ng binti ko pero di ko na pinahalata yun sa kanila para hindi sila mag aalala.

Nagsimula na ang practice namin. Ipinasa sa akin ni Neo yung bola. Itatakbo ko na ito papunta ring kaso naagaw ni Sue. Napahinto sila sa nangyari. Si Sue kasi never nyang nakuha ang bola pag ako na ang may hawak pero kabaliktaran na ang nangyari.

"Wow Sue achivement yan hahahah" pang aasar ni Dray.

"Practice na!" Sigaw ko.

Nagsimula na ulit kami mag laro. Ipinasa ni Ced yung bola sa akin pero mabilis na naagaw ni Sue ang bola kaya hinabol ko ito.

Pakiramdam ko may bakal sa paa ko na nagpapabagal ng takbo ko kaya hindi ko nahabol si Sue. Nashoot nya ang bola na ikinagulat nila Dray. Actually nagulat sila hindi dahil nashoot ni Sue ang bola kundi dahil sa hindi ko nahabol si Sue.

Lumapit sa silang lahat sa akin na may halong pag aalala.

"Pre masama ba pakiramdam mo?" Tanong ni Neo.

"Wala ka ata sa wisyo maglaro ah." Singit naman ni Dray.

"Teka bakit namumula binti mo?" Tanong ni Dray na ikinatingin naming lahat.

Napatingin ako sa binti ko. At tama sya namumula nga.

"Pre dahil ba dyan?"

"Ok lang ako. Dont worry"

Hndi napalitan ng emosyong ang mga mukha nila. Still nag aalala parin sila.

"Pre next month na ang Finals makakaya mo ba?" Nag aalalang tanong ni Neo.

"You need a break dude. Kailangan gumaling na yan before the finals. Alam mo namang ikaw ang alas namin." Sabi naman ni Sue.

"Tama si Sue pare. Ipahinga mo muna yang binti mo para pagdating ng finals kasama ka."

"Kaya ko mga pre."

"Pre concern lang kami sayo. We dont care about the tropies but we care about you. Kung ipipilit mo baka mas lalo kang hindi makapag laro. You need a break. Next month pa ang finals. Mahaba haba pa." Sabi ni Dray.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon