Third person's POV
Sabay sabay na pumasok sa University ang mag kakapatid. Ang daming pumapansin sa kanila lalong lalo na kay Jk. Nginingitian nila ang mga ito. Sikat ang magkakapatid dito sa kanilang University kaya naman makikita mong maraming nagkakagusto sa kanila.
Alam sa buong school na magkakapatid sila. Kahit saang sulok ng University sila mapadpad may nakakakilala pa rin sa kanila. Kahit mga nerd nahuhumaling sa kanila .
Hindi sila mayabang hindi rin sila mapanakit unless kung nasaktan sila or yung iba. Mahilig silang tumulong sa mga nabubully. Nabully na kasi sila noon kaya ayaw nilang maranasan ng iba yun . Hinahangaan sila sa kanilang kagwapuhan hindi lang sa kanilang itsura kundi pati na din sa pagkanta at pag sayaw at higit sa lahat hinahangaan sila sa kanilang kagandahang loob.
Matalino din ang mga magkakapatid. Lagi silang nangunguna sa klase.
Nasa kolehiyo na silang lahat. Si Jin Nurse ang kinukuha. Si Seigy naman Marine. Si Hope business kagaya ng Daddy nya. Si Rappy naman Journalism. Si Chimin naman culinary arts. Si Vee at Jk naman Architecture.
Hinayaan sila ng Daddy at Mommy nila na kunin nila ang gusto nilang Course. Hindi naman mahigpit ang parents ng magkakapatid. Hinihigpitan lang sila kung tungkol na ito sa sarili nilang kaligtasan.
Napahinto sa paglalakad ang magkakapatid ng may biglang humarang sa dinadaanan nila. Nerd ang babaeng ito. Nakayuko lang sya dahil sa hiya.
May inaabot yung Nerd kay Vee.
"Ano to?" Tanong ni Vee sa nerd. Yung mga kapatid naman nya nakamasid lang . Si chimin nakangisi.
"A-ahm g-gusto ko s-sana kitang i-invite sa 18th birthday ko. Kapalit yan sa pagtulong mo sa akin" nauutal na sabi ng dalaga. Kinakabahan ang nerd dahil alam nyang kung sino ang nilapitan nya . Si Vee lang naman yan diba? Si Vee na kilalang kilala sa school nila.
Habang tumatagal lalong kinakabahan ang dalaga. Aalis na dapat sya kaso pinigilan sya ni Vee. Nagulat ang nerd dahil nakangiti ito sa kanya.
"Sure pupunta ako. Gusto ko kasama ako sa 18 roses ah." Nakangiting sabi ni Vee.
Nakaramdam ng saya ang dalaga sa sagot ni Vee. Hindi nya matago ang sayang nararamdaman nya.
"Uyyy nag bablush yung pisngi nya." Pang aasar ni Chimin sa Dalaga.
"Steffie pala name ko. Nice to meet you all" sabay alis ng dalaga. Nahiya kasi sya nung mapansin ni Chimin na namumula na ang pisngi nya.
"Steffie wait!" Sigaw ni Vee at saka tumakbo papunta sa dalaga.
"Kuya mauna na kayo." Sigaw ni Vee sa mga kapatid nya.
Nagtawanan naman ang magkakapatid sa inaasta ni Vee.
"Kawawa naman yung nerd gagawing Rebound" natatawang sabi ni Chimin . .
"Paano ka naman nakakasiguro? Hindi ganung klaseng tao si Vee" pagtatanggol naman ni Jk.
"Malay mo dahil sa ginawa sa kanya ni Trixie gumanti sya sa ibang babae, lokohin din nya tulad ng ginawa sa kanya." Sabat naman ni Hope.