Inlove

40 1 0
                                    

Hindi ko na inisip pa kung sino yung babaeng yun. Hindi naman sya chix para ubusin ko oras ko sa kanya.

Bumalik sa normal ang bahay namin. Umingay ulit pero hindi sobra dahil hindi pa naman daw fully recovered si Chimin.

"Kamusta sa langit chimin may bebot ba dun? Tagal mo kasing natulog kaya sure akong nakapasyal ka na sa langit" sabi ni Kuya Rappy.

"Sa langit nga ba?" Sabat ni kuya Hope.

"Wala akong napuntahan pauso mo by the way kamusta na kayo ni Rain?"

Biglang natahimik si Kuya Rappy sa sinabi ni chimin .

Nakatitig lang kami kay kuya Rappy na parang naging balisang ewan na parang natatae.

Maya maya pa'y umalis sya at dali daling umakyat sa kwarto nya.

"Problema nun?" Takang tanong ni Chimin.

Nakita ko sila Kuya Seigy na nakangiting ewan kasama ako. Feeling ko inlove na si Kuya Rappy kay Rain pero hindi lang nya ma admit sa sarili nya. Tsk pati ba naman sarili niloloko.

Rappy's POV

    Hindi tumigil ang puso ko sa pagkabog ng mabilis na para bang tumakbo ako ng pagkalayo layo.

Binanggit lang naman yung pangalan na yun nagkaganito na ako.

Tinapik tapik ko ang dibdib ko.

"Kailangan ko na sigurong magpacheck up baka may something lang sa puso ko. T-tama! Oo yung nga! Aish ano ba tong nangyayari sa akin. Para namang nabulabog yung bulate ko sa tyan siguro kailangan ko na ding magpapurga. Oo tama!" Kausap ko sa sarili ko .

Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko kaya napatingin ako.

"Mommy kanina ka pa dyan?" Gulat kong sabi. Narinig ba nya yung mga sinabi ko? Teka may sinabi ba ako? Wala naman oo wala nga.

"Binata na ang anak ko"

"Po?"

"Inlove ka na anak. Yang pagbilis ng puso mo...." tinuro nya ang tapat ng puso ko.

" ......it means inlove ka na. Wala kang dapat pang ipa icheck up dahil normal yan sa taong inlove kagaya mo." Nakangiting sabi ni mommy.

"Mom hindi po ako inlove. Tska hindi ko talaga gusto si Rain. Hindi ko sya type."

Mas ngumiti si mommy sa harap ko.

"Wala naman akong sinabi na kay Rain ka inlove eh. Halata ka na naman anak."

Bakit ba nila pinipilit si Rain sa akin? Tska ilang beses ko ba sasabihin sa kanila na hindi ko type yun.

"Magpapahinga na po ako mommy."

Ngumiti si mommy at tinapik ang balikat ko tska umalis.

Pag higa ko nakatingin si mommy sa akin. Ngumiti sya tska nagsalita.

"Butterflies in your stomach, fast beating of your heart, Hyperventilation, wild palpitation are the sign Rappy."

Tska nya sinarado ang pinto ng kwarto ko.

"Sign? Ng ano?"

Hindi ko nalang inintindi pa ang sinabi ni mommy. Teka bakit di na nagpaparamdam yung babaeng yun?!

Tumayo ako at pumuntang cabinet. Ahmmm ano ba susuotin ko?

Kumuha ako ng black tshirt at pants pagsuot ko, humarap ako sa salamin.

"Aish ang panget!" Inis kong sabi.

Hinubad ko ulit yung damit ko tska ibinalik sa cabinet. Pumili ulit ako ng bagong susuotin .

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon