Jealous

35 2 0
                                    


[ next to sa chapter ng kare kare ah. May iba kasi na hindi ito nakasunod sa chapter ng kare kare . Kung ganun yung lumalabas sa inyo... mmmm lam na adjust ka nalang nagloloko eh peace tayo. :) ]

Pag uwi ko ng bahay nakita ko agad si Hope na kumakain sa sala habang naglalaro ng xbox.

"Bro kanino tong kare kare na to? Grabe the best!" Sabi nya. Tinignan ko yung kinakain nya. Nakita ko yung kare kare na binigay sa akin ni Rain .

"Galing kay Rain yan.".

Bigla syang nabulunan sa sinabi ko.

Buti nga sa kanya. Kain kasi ng kain hindi naman sa kanya.

"Sorry bro. Akala ko binili lang. Ahmm diba ayaw mo naman kay Rain? So ayaw mo din ng pagkaing niluto nya kaya walang namang problema nyan sayo diba?"

Nakangiti pa sya. Hindi ba nya alam ang kasabihan na wag galawin ang hindi sa kanya.

"Sana man lang nagpaalam ka sa akin." Sabi ko. Padabog kong nilagay sa sofa yung bag ko.

"Mmm? Eh nakaiwan lang naman sa mesa kahapon kaya nilagay ko sa ref tapos ininit ko nalang kanina. Akala ko kasi si mommy nagluto. Malay ko bang galing kay Rain to. Teka teka teka bakit nagagalit ka? Siguro gusto mo sayo lang yung niluto ni Rain noh. Ayyyie ayaw pang aminin na gusto mo din si Rain"

"Alam mo wag mong ibahin ang usapan. Aish ayokong makipagtalo sayo."

Inis kong kinuha ang bag ko sa sofa. Nakakainis sa akin binigay yun tapos sya ang kakain? .

Nakasalubong ko si Vee sa hagdan may kasamang chix.

"Oh kuya rappy bakit nakabusangot mukha mo? Si Rain na naman ba?"

"Dahil sa akin. Kinain ko kasi yung kare kare na binigay sa kanya ni Rain" sabat ni Kuya Hope.

Tumingin ako sa likod ko at nandun nakatayo ang loko. Tumingin naman ako kay vee at nakangiting aso ang gago.

"Naks naman level up na ba si Rain sayo?" Pang asar na sabi ni Vee.

"Aish ewan sayo."

Binangga ko si Vee sa balikat kaya natawa sya. Bakit ba ang daming bwisit ngayon? Kotang kota na ako ah.

"Oh Rappy anong nangyari sayo?" Puna ni Kuya Jin.

"Tanong mo sa flower vase" walang gana kong sagot.

Pagpasok ko sa kwarto ko humiga agad ako. Kesa naman lumabas pa ako at makipagtalo pa sa mga kapatid kong retarded.

Bakit ba nila pinipilit sa akin si Rain? Kung gusto nila si Rain edi kanila na saksak nila sa baga nila yung babaeng yon.

Natigil ang pag iisip ko ng may marinig akong nag uusap sa labas ng kwarto ko kaya tumayo ako at pinakinggan kung sino man tong nag uusap na to.

"Ang sarap ng kare kare mo nga eh"

Alam ko si Hope yun. Kilalang kilala ko boses nya tska sigurado akong si Rain ang kausap nya. Si Rain lang naman ang nagluto ng kare kare na kinain nya na dapat sa akin .

"Talaga? Akala ko hindi masarap" sabi ni Rain .

"Ang sarap kaya. The best kare kare nga eh. Wag ka sanang magalit kung kinain ko ah. Akala ko kasi luto ni mommy yun pala ginawa mo para kay Rappy " paawang saad ni Hope. Pektusan ko ngala ngala nya eh.

"Ok lang yun. Wala naman atang syang balak kainin yun. Ito ngang cookies na ginawa ko ibibigay ko sana sa kanya kaso ayaw nyang kunin kaya hinabol ko sya pero kasi hindi ko na nagawa sundan"

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon