Vee's POV
"Ok you may go."
Nagmadali kaming lumabas ng room. Sa wakas makakauwi na ako.
Habang naglalakad ako ng may biglang humatak sa akin papuntang room. Sa sobrang dilim ay hindi ko alam kung sino ang humatak sa akin. Nagulat ako ng dumampi ang labi nya sa akin. Agad ko syang tinulak kung sino man yun.
"Im sorry miss lang kita."
"Trixie?"
Tinignan ko sya ng mabuti pero di ko talaga makita. Kinuha ko yung phone ko at inon ko ang flashlight at tama ako. Si trixie nga sya.
"Ginulat mo naman ako." Sabi ko na ikinatawa nya.
"Sorry. Nagmadali lang naman ako kasi baka makita tayo ng mga kaibigan ng fiancé ko." Sabi nya.
"Dito din ba sya nag aaral?"
"Hindi pero dito nag aaral yung mga barkada nya na tumitingin din sa akin dito." Paliwanag nya.
"Nakakain ka na ba?" Tanong ko na tinanguan nya.
"Hindi naman ako magtatagal kasi nagpapasama si mommy sa green hills. Txt txt nalang tayo ah."
"Ang bilis naman." Malungkot kong sabi.
"May next time pa naman diba? Wag ka ng malungkot."
Tinignan ko sya sa mata at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.
"Hindi ako malulungkot as long as you love me." Hinalikan ko sya sa noo tska ko sya niyakap.
"Mauna ka ng lumabas susunod nalang ako." Dagdag ko pa.
Pagkalabas nya ay sumunod na din akong lumabas.
'Sana makayanan ko ang set up na toh' sabi ko sa isip ko.
Paglabas ko ng gate nakita ko si Trixie di kalayuan na may kasamang tatlong lalake. Siguro yun yung tinutukoy ni Trixie na barkada ng Fiancé nya.
Napatingin si trixie sa akin at lihim na ngumiti. Alanganin din akong ngumiti sa kanya. Nasasaktan pa din akong makita sya sa malayo lang. Yung tipong abot kamay ko na sya pero di ko mahawakan. Ang hirap.
"Vee!! Vee!!" Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin.
"Oh bakit?" Takang tanong ko sa kablock mate ko.
"Pinapatawag ka ni Sir Santiago" hingal nyang sabi.
"Bakit daw?"
"Ewan ko eh. Sa kanya mo nalang itanong."
"Sige salamat" pasasalamat ko. Tinapik ko ang balikat nya tska ako bumalik sa school.
"Ayoko na! Ok? Ayoko na sayo.!" Sigaw ng babae yung narinig ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
Nagtago ako sa pader para masilip kung anong nangyayari.
"Kinakausap kita kaya wag mo akong tatalikuran"
Teka familiar ang boses na yun ah. Sumilip ako at nagulat ako sa mga nakita ko.