Jk's POV
Lunch break na namin . Paglabas ko ng room agad nahagip ng mata ko si Kuya Rappy na nakatayo."Kuya Rappy!" Tawag ko sa kanya. Lumingon sya sa akin at agad akong inakbayan.
"Tagal mo nagugutom na ako." Reklamo nya
"Eh kinausap pa ako ng prof namin about sa plates eh" pagdadahilan ko. Pero yun talaga ang totoo.
"Sipag!" Ginulo nya ang buhok ko at sabay kaming tumawa.
"Rappy!!" Napalingon kami sa tumawag kay kuya Rappy at nakita namin si Kuya Seigy kasama si Kuya Hope, Kuya Chimin, at Kuya Vee.
Sama sama kami sa isang mahabang table.
"Nasan si Kuya Jin?" Tanong ko .
"miss mo na ako?" Napatingin ako sa likod ko at nakatayo dun si Kuya Jin .
"Pag ba tinanong kung nasan ka miss agad?" Sabat ni Kuya Chimin . Nagtawanan kaming lahat pati si kuya jin kaya ginulo nya ang buhok ni Kuya chimin .
Sabay sabay kaming kumain ng lunch . Si Kuya Jin ang pinaka maraming inorder.
"Napano yang mukha mo?" Tanong ni Kuya Rappy kay Kuya chimin .
"Nagpaka super hero kaya nasapak ni Jazz" paliwanag ni Kuya Jin .
"Tang ina nun ah . Wag lang syang magpapakita sa akin ." Matapang na sabi ni kuya Rappy . Binatukan naman sya ni kuya Seigy.
"Dont curse while you're in the front of the food!" Sigaw ni Kuya Seigy. Binatukan naman sya ni Kuya Hope.
"Dont shout while you're in the front of the food" sabat naman ni kuya Hope.
"Dont hurt someone while you're in the front of the food" sagot naman ni Kuya chimin kay Kuya Hope.
"Dont talk while your mouth is full" sabi naman ni Kuya jin kay Kuya Chimin .
"Kumain nalang tayo." Nakangiting sabi ni Kuya Vee. Ngiting ngiti ah. Kanina lang mukhang namatayan ngayon naman back to normal .
Hindi ko nalang pinansin ang kaweirduhan nilang lahat . Kumain lang ako ng kumain .
After naming kumain kanya kanya na ulit kaming balik sa mga room namin .
"Jk, tabi tayo ah." Sabi ng classmate ko. Tinignan ko lang sya at hinayaang umupo sa tabi ko .
"Nabalitaan mo na ba yung sa program?" Tanong nya.
"Sinabi mo diba tatabi ka lang . Wala kang sinabi na dadaldalin mo ako." Walang gana kong sabi . Hindi ko sya tinignan man lang dahil wala akong panahon sa kanya.
"Sungit mo naman" sabi pa nya.
"Pls lang Trixie lumayo ka sa akin . Pwede? Nakakawalang gana kasi yang pagmumukha mo." Asar kong sabi sa kanya.
Matapos nyang lokohin kapatid ko ako naman dinidikitan nya?
"Napaka hard mo naman sa akin Jk. Bakit? Kasi sinaktan ko kuya mo?"
"Wow alam mo?? Akala ko di mo alam eh nakakamangha naman yang katalinuhan mo umabot ng minutes ah." Inis kong sabi.
"Alam mo nakakaboring lang naman yung kuya mo kaya inayawan ko. Wala kasing alam sa sex life." Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko sa kanya. Napaka bitch talaga.
"Merong sex life yun. Wild nga yun eh sa pagkaka alam ko. Hindi lang nya prefer na gawin sayo baka magkasakit pa sya ng aids." Tumayo na ako at lumipat ng upuan . Ano sya hilo? Mag wo'walkout ako dahil lang sa kanya? Papabayaan ko pag aaral ko dahil lang sa kanya? In her fucking dreams.
"Class listen." Pagpapatahimik ng prof namin . "Nacut ang class sa lahat ng course because of preperation para sa program. Lahat dapat umattend kaya papauwiin na namin kayong lahat para makapagpahinga."
Naghiyawan ang mga classmates ko sa saya.
"Whooooooo!!!!"
"Yesss!!!"
"Party party!!!"
"Ok class you may go"
Lumabas na ako ng room namin at agad kong tinignan ang phone ko baka may txt na sila sa akin .
Sms from: Kuya Jin
Sa main gateTinago ko na yung phone ko . Sumakay na ako ng elevator kasi nasa 4th floor class ko.
Pagpasok ko ang dami kong kasabay na girls.
"Hi Jk" sabi nung girl na may red na buhok.
"Hi" tipid kong sabi.
"Eeee nag hi sya sa akin" kilig na sabi nung girl .
"Pogi mo talaga Jk" sabi pa ng kasama nya.
"Thanks" tipid kong sabi.
Ano ba yan ang tagal naman .
Paglabas ko ng elevator dumeretso na ako sa main gate at nakita ko na sila kuya Vee . Kumpleto na silang lahat.
"Tagal mo naman" angal ni Chimin .
"Eh kasi naman ang daming tao sa elevator" sagot ko
"Sabay sabay kasing pinalabas eh" sabi ni kuya Jin. Pumara si kuya Jin ng isang taxi.
"Kuya saan tayo pupunta?" Tanong ni kuya Seigy kay kuya Jin .
"Kay dad."
"Yes! Tara punta na tayo" sabi ko.
"Ok sige, ikaw Jk, Vee, chimin., at Hope sa akin kayo sumabay dun tayo sa kotse ni mommy tapos kayo seigy dun sa taxi." Utos ni kuya Jin
"Ok lang . Goodluck kuya jin sayo." Natatawang sabi ni kuya Rappy.
Jin's POV
"Condolence sa eardrums mo bye!" Agad silang sumakay sa taxi at pinapaandar na nila ito. Tsk ngayon ko lang napansin kasama ko pala yung mga retarted kong kapatid.
"LETS GO!!!!!" sigaw ni chimin
Pumasok na sila sa kotse at ako nalang ang naiwan.
"Goodluck man" bulong ko sa sarili ko. Hindi pa ako pumapasok sa loob rinig ko na ang ingay . Paano pa kaya pag nasa loob na?
"Guys calm down!" Sabi ko. Tinignan ko si Jk na akala ko makakatulong sa akin pero hindi nakihalubilo pa. MY GOD!!
nagsuot nalang ako ng earphone at nagpatutog nalang ako. Bahala kayo dyan .
Habang nasa byahe kami hindi parin sila tumitigil . Prumutor sa kaguluhan tong si chimin .
May tumama sa akin na plastic bottle sa ulo pero di ko nalang pinansin .
'Konting tiis nalang Jin malapit na kayo' bulong ko sa isip ko .
At kamalas malasan nga naman traffic pa .
"Alam nyo ba yung kanta ni tito carlo? Yung crayon?" Tanong ni Chimin . Salamat natahimik na sila.
"Oo astig nga nung mv nya na yun eh" sagot naman ni Jk.
"1 2 3" pagbibilang ni Hope.
"COME ON GIRLS!! COME BOYS!! GeT YOUR CRAYON!! CRAYON!!" Sabay sabay na kanta nila.
"KING INERS!!! DI BA KAYO MANANAHIMIK?!" Sigaw ko . Napaka ingay!! Napanood ko na yung mv ni tito carlo masaya yung mv nya na yun pero pag itong mga retarded na mga to ang kumanta nakakastress!!
"WHY SO SERIOUS....." kanta pa nila at tinapat pa sa tenga ko yung mga bibig nila.
Lord help me naman po.