[Hope's POV]
Ibang iba na ang bar ko ngayon. Pero habang tumatagal mas nakakapagod dahil mas lumalawak ang trabaho.
"Sir. Mukhang pagod na pagod na po kayo. Bakit hindi nalang kayo umuwi para makapagpahinga ka na" biglang sabi ni Lovely nasa tabi ko na pala sya.
"Mas nakakapagod ngayon diba?" Tanong ko.
"Opo pero masaya naman." Sabi nya kaya natawa ako ng mahina.
"Tama ka. I think we need to add more staff para mas masaya." Sabi ko. Actually plano ko na yun pero syempre isip isip din muna.
"The more , the happier !!" Sigaw nya.
Sabay namin tinignan lahat ng mga customer na nag eenjoy sa dance floor.
"Ikaw bakit hindi ka pa umuwi 2am na."
Ang alam ko kasi maaga palang nandito na sya.
"2 hours nalang magsasara na kaya hindi nalang muna ako uuwi."
Hindi ako nagkamali sa pagtanggap sa kanya. Napaka sipag nya sa trabaho.
"Bakit di ka mag aral ng college? Para hindi sa pagwe'waitress ang bagsak mo."
Sayang naman kasi yung mga araw na dumadaan. Tska mas magandang makapagtapos sya para matulungan nya yung kapatid nya.
"Ahm sir diba nga po focus ko nalang sa buhay yung makapagtapos yung kapatid kong si Jake"
Ang bait naman nitong kapatid. Sarap sigurong magkaron ng ateng tulad nya.
"Ok ganito nalang. Pag aaralin kita tska na rin kapatid mo. Bilang business man syempre may kapalit."
"A-ano po yung k-kapalit?"
Bakit parang kinakabahan sya.
"Ikaw ang magiging secretary ko sa magiging bago kong bar. Parang si Jovel secretary ko sya dito. Sya din yung naka assign sa pagbabantay ng bar pero dahil magiging student ka secretary nalang. Magrereport ka sa akin pag may problema basta lahat ng ginagawa ng secretary. Ano deal?"