Passcode

16 0 3
                                    



Natapos ng mag impake si Lovely. Ang problema nga lang motor lang ang dala ko. Hirap pa naman mag hanap ng masasakyan  ngayon kasi 8 pm na.

"Wait lang sir."

Nakita kong may kinuhang push Cart si Lovely pero gawa sa kahoy.

"Ito yung ginagamit namin pag mag iigib kami ng tubig. Dito nalang natin ilagay para hindi tayo mahirapan mag bibit papunta sa labasan." Suggest nya kaya nilagay ko na yung mga bag nila.

"Sakay ka na din Jake para hindi ka na mapagod." Sabi ko na agad namang sinunod.


Habang naglalakad kami palabas ang daming tumitingin sa amin.

"Babye!........babye!" Paulit ulit na sabi ni Jake sa mga batang nakakasalubong namin.


Pagkarating namin sa kanto nila ay nag intay naman kami ng sasakyan.

"Wow!! Sayo ba to kuya Astig?" Manghang sabi nya habang hinahaplos nya ang motor ko.

"baka magasgasan mo yan Jake" saway ni Lovely.

"Hahaha oo sa akin yan." Natatawa kong sabi.

"Ayun may taxi na!" Turo ni Jake kaya agad ko itong pinara.

"Sakay na kayong dalawa doon ako sa motor ko. Susunod nalang ako sa inyo." Sabi ko kay lovely.

"Manong sa Silver crane nyo po sila dalin." Sabi ko sa driver.

"Kuya Astig sama nalang ako sayo sa motor mo." Pagpupumilit ni Jake.

"Jake nawiwili ka na ah" saway na naman ni Lovely.

"Oh sige tara na." Pag sang ayon ko.

"Yan kinukunsinti mo lagi." Sabi ni Lovely kaya natawa ako.

"Hayaan mo na. Tara na Jake. Susunod nalang kami lovely." Sabi ko. Tska lumabas si Jake sa taxi. Kumaway pa sya sa ate nya bago ito makaalis.

"Tara na Jake."

"Yahooooo!" Masigla nyang sabi.

Tinawagan ko muna si Ken sa phone para alamin kung anong unit yung nakuha nya.

"Hello Ken itatanong ko sana anong unit yung nakuha mo?"

"Unit ng ano cellphone?"

"Condo gago!"

Napatingin ako kay Jake. Buti nalang busy sya sa motor ko nakakahiya nagmura pa ako.

"084 hahaha bakit kukunin mo na ba?"

"Oo papunta na ako."

"Great. Nandito ako ngayon. "

"Sige kitakits nalang."


Inend ko na yung call tska ko binuhat si Jake pasakay sa motor. Pinwesto ko sya sa harap para safe.

"Ako magdadrive?" Takang tanong nya.

"Ofcourse not. Baka mabangga tayo nyan."

Sumakay na ako sa motor tska ko sinuotan ng helmet si Jake tapos sinuot ko na din yung sa akin.

"Ready? Lilipad na tayo." Sabi ko.

"Im ready!" Sigaw nya.

Hahaha nakakatuwa talaga sya. Parang gusto ko lagi ko syang kasama. Napalagay na ang loob ko sa batang to.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon