AWAKE

22 0 0
                                    


 
   Seigy's POV

       Nandito kami sa gym ng school namin. Nakakatuwa kasi bihira lang mangyari to. Nag aya kasing maglaro sila Hope tapos tinawagan pa nya sila Jk para sumali.

Habang nag aayos pa sila at ako naman ay nagi'streching napansin ko na ang swerte ko pala pagdating sa kapatid. Malas man ako ngayon dahil sa binti ko swerte naman ako sa suporta.

"Game na"

Naputol ako sa pag iisip ng magsalita si Kuya Jin. Alam kong kagagaling lang nya sa operadyon pero baliwala lang yun kay Kuya. Pinasa sa akin ni Jk yung bola buti nalang at nasalo ko agad.

"Oh sino ang ka team ko?" Tanong ko.

Walang umalis sa pwesto nila. Nakatayo sila sa tapat ko pero ni isa sa kanila walang umalis.

"Kala ko ba mag lalaro?"

Nagkatinginan silang lima kaya napakunot ang noo ko.

"Yeah we will play basketball pero wala kang ka team." Seryosong sabi ni Kuya Jin na tinanguan nila Hope.

"What? Ano yun patawa? Ang unfair." Angal ko.

Ang unfair naman talaga diba? Lima sila tapos mag isa lang ako? Nagpapatawa ba sila.

"Hahaha Seigy calm down. Its just a play ok."

"Alam ko."

"Look. Ginawa ko tong set up of teams na-"

"Correction wala akong team" pagtatama ko sa sinabi ni kuya Jin.

"Haha yeah yeah. Gusto ko lang na isipin mong kalaban mo kami. Kasi kung may kateam ka pwede ka nilang tulungan dahil sa kondisyon mo." Sabay turo sa binti ko.

"Kilala ka bilang MVP player ng school. Gusto mo ba na sa finals ikaw na yung dinadala ng team mo imbis na ikaw yung magdadala sa kanila?matatanggap mo ba na isa ka nalang plain na basketball player na nakapaglaro sa finals? Gusto mo bang manalo sa finals na ang award is for the whole team at wala kang matatanggap na award for individual player? Well kung gusto mo nun bibigyan na kita ng kateam mo ngayon."

Napaisip ako sa sinabi ni Kuya Jin. He's right. Nasanay na ako na ako lagi ang nakakakuha ng award na MVP player. Lagi din na ako ang nagdadala ng team. Makakaya ko nga ba na mawala nalang yung mga award na nakasanayan ko? No. Hindi. Hindi ko kaya.

"Game. 1 vs 5" sigaw ko.

Napangiti sila sa akin.

Nagsimula na ang laro. Focus lang ako. Hindi ko iniisip na kapatid ko sila. Iniisip ko na sila yung greenlaunters na makakalaban namin sa finals.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
















Vee's POV

   

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon