"Alam mo bang delikado sa lugar na to?" Sabi ni Dark pagkatapos nyang uminom ng softdtinks.
"kahit saan naman delikado." Sagot ko.
"I see. Maiba tayo sino yung bebot na yun?"
May pagkachismoso ang isang to noh?
"Not part of your business" walang gana kong sabi. Hanga ako kay kuya jin dahil natagalan nya ang isang to. Naku kung ako lagi ang kasama nito panigurado napatulan ko na to.
"Ang damot ah."
"Salamat Seigy"
Napatingin kami ni Dark sa likod namin. Nakita ko si Cheska na suot ang short na bili ko sa kanya. Shit ang iksi masyado ng nabili ko.
"Witwiw!" Sipol ni Dark kaya binatukan ko.
"Yang kamanyakan mo tigil tigilan mo kay Cheska uupakan kita."
Hinubad ko yung jacket na suot ko tska pinulupot sa bewang ni Cheska.
"Over mo insan ah. Hindi ka naman halatang over protective." Pang aasar ni Dark
Hindi ko nalang sya pinansin pa. Pagkatapos kong itali ang jacket sa bewang ni Cheska ay napatingin ako sa kanya. Nakatulala lang sya at halatang namumula ang pisngi nya.
"Uyy nag blush" epal na sabi ni Dark.
"Can you please shut your mouth!" Sigaw ko.
Natawa lang si Dark tska may tinuro sa likod ko. Pag lingon ko nakita ko si Cheska na nagmamadaling umalis.
Hindi ko na inintindi pa si Dark kaya umalis na ako. Huh! Magmukha syang tanga dun kakatawa.
"Insan wait!!" Sigaw nya.
-------------
Rappy's POV
Bitbit ko lahat ng kakailanganin ko para sa presentation ko para bukas. Kailangan ko kasing ireview para mas magandang result. Syempre mas maganda yung mas handa kesa sa handa ka lang.
"What the?!"
Nahinto ako sa paglalakad ng may makabungguan ako.
"Sorry." Tipid nyang sabi tska sya umalis.
Problema ng isang yung at bakit umiiyak.
"Xerym!" Tawag ko sa pinsan kong pipe.
Hayaan na nga.
Naglakad na ako paalis. Dederetso nga pala ako kila rain . Dun na din ako mag rereview. Ang sabi kasi sa akin ni Jack hinahanap daw ng ate nya yung pogi. Hahaha ang honest nya noh?
Nagdoorbell ako sa gate nila. Naka tatlong doorbell palang ako natanaw ko na yung yaya nila Rain.
"Sir Rappy buti po nandito na kayo si Mam Rain po." Hihingal hingal na sabi ng maid nila na kinakaba ko.
"Anong nangyari? Nasan sya!" Tanong ko habang naglalakad ako papasok sa bahay nila.
"Nasan taas po sya ayaw po nyang lumabas ng CR." Sagot nya.
Tumakbo ako paakyat papuntang kwarto ni Rain.
"Rain!" Tawag ko.
Pumunta ako sa CR pero nakalock.
"Rain!" Muli kong tawag sa kanya. Kumatok katok ako pero wala akong nakuhang sagot.
"Rain buksan mo tong pinto!"
Kumatok ako ng sunod sunod.
"Rain!" Tawag ko ulit.
Naghanap ako ng hair pin para buksan yung CR. Nakakita ako ng hair pin sa drawer nya. Agad akong pumunta sa pinto ng CR para distrongkahin yung doorknob.
"Shit ang hirap naman nito!" Inis kong bulong sa sarili ko.
"Sir eto po may duplicate key. Pero hindi ko po alam kung sa cr po sya eh" Sabi nung maid.
"Bakit hindi mo yan ginamit kanina!" Hindi ko na naiwasan pang sigawan sya.
"S-sorry sir ngayon ko lang po kasi nakita."
Hindi ko nalang sya pinansin pa. Nagfocus ako sa pagbukas ng pinto.
'Aish! Bakit sa mga movie ang bilis lang nila mabuksan!' Bulong ko.
"Kumuha ng makakain ni Rain ako na bahala dito." Utos ko. Wala naman kasi syang ginagawa kundi ang panoori lang ako.
Pagkaalis ng maid hindi ko pa din mabuksan!
"PESTE!" sigaw ko.
At finally after 1 decade nabuksan ko na. Hindi ko na ginamit pa yung key na inalok nung maid hindi naman sya sure.
Naabutan ko si rain na nakaupo sa lapag at hinahayaan ang sarili nya na mabasa ng tubig galing sa shower.
Hindi ko na inisip pa na wala syang kahit na anong suot na damit. Tang ina pag nanasahan ko pa ba sya sa lagay nyang yan?
Kumuha ako ng towel sa cabinet nya. Pinatay ko yung shower tska ko sya pinatayo at pinulupot ko sa katawan nya yung towel na nakuha ko. Nakatingin lang ako sa mukha nya habang pinupulupot ko sa kanya yung towel. Medyo awkward nga eh.
"Hindi mo din ba ako bababuyin" tanong nya kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata nya.
"No and it will never be." Sagot ko. Nagulat ako sa biglaang pagyakap nya sa akin.
"Pinag alala mo ko alam mo ba yun?"
"Sorry." Sagot nya sa pagitan ng hikbi nya. Iyak pa din dya ng iyak.
"Next time wag kang mag lolock ng pinto mawawala ang lamang loob ko sa sobrang pag aalala ko sayo"
"Nanaginig ako." Sabi nya. Hindi ako sumagot. Hinintay ko lang syang magsalita ulit.
"Napanaginipan ko yung pangyayari na yun. Feeling ko nandun ulit ako sa scene na yun. Paulit ulit nila akong binaboy. Ayoko na. Ayoko ng mapanaginipa ulit. Ayok-"
"Shhhhssss enough na. Hindi na nila magagawa yun sayo. Patayin muna nila ako bago nila magawa yun ulit."
"Tara na. Magpalit ka na ng damit mo baka magkasakit ka pa nyan." Inalalayan ko sya palabas ng banyo. Pinaupo ko sya sa kama tska ako kumuha ng damit nya.
Kumuha ako ng Vneck white shirt tska panjamas nya. Pikit mata akong dumapot ng panty at bra nya.
"Oh magpalit ka na. Lalabas lang ako saglit para kumuha ng pagkain mo para makapagpalit ka na din " sabi ko na tunanguan nya.
--
"Kainin mo tong gulay. Patpatin ka na oh."
Nahinto ako sa pagkuha ng gulay sa plato. Shit! Tama yung nakikita ko!
"Kumain ka din." Nakangiti nyang sabi.
Shit. Kahit nakita ko na syang nakangiti noon palang pero ngayon shit! ACHIVEMENT TOH MGA TSONG!!!!!!!!!
"Sana ganyan ka lang lagi. Ngumiti ka lang. Alam kong mahirap sa part mo dahil minsan bumabalik yung scene na ayaw mong maalala pero Rain hindi habang buhay magpapaapekto ka sa bangungot na yun. And the most important. You can count on me."
Haba ng speech ko kaya naiyak na sya. Kinulong ko sya sa bisig ko.
"Di baling makulong ka sa bisig ko wag ka lang magpakulong sa bangungot mo." Dagdag ko pa.
Hinaplos haplos ko ang buhok nya. Hinayaan ko syang umiyak ng umiyak.
"Paano?"
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Inangat ko ang baba nya tska ko sya hinalikan sa labi nya.
Nagulat sya sa una pero bandang huli naramdaman ko na tumutugon na din sya sa mga halik ko.
"Mahal na mahal kita Rap" sabi nya pagkatapos naming maghalikan.
"Mahal din kita. Yang mga halik ko lang ang dapat mong tandaan." Tumango sya sa akin tska ulit kami nagyakap.
"Awww SPG!"
Napalingon ako sa may pinto.
"Gago ka Jack wag ka lang didikit sa akin babatukan kita."