Nakarating din kami sa wakas. Nagpaunahan lumabas ang apat na retarded . Hayy pag nagsama sama nga naman sila oh.Pagbaba ko sa kotse nakita ko ang ngisi ni Rappy at Seigy. Makakaganti din ako sa inyo.
"Masaya ba?"nakangising tanong ni Rappy.
"Oo naman!! Come on girls! Come on boys! Come on! Come on! get your crayon crayon!" Pagkanta ko para kunwari masaya.
"Hahahaha kuya Jin kunwari ka pa eh alam mu din pala." Sabat ni Chimin de epal.
"Whatever" walang gana kong sabi.
Sabay sabay na kaming pumunta sa company ni dad.
"Good afternoon po manong guard!!" Masayang sabi ni Vee tapos nag high five naman sila ni manong guard . Nakisama din si Chimin.
Inakbayan naman ni Hope si manong guard.
"Manong guard nandyan po ba si daddy?" Tanong ni chimin.
"Opo sir nandyan po." Sagot ni manong.
"Nako po manong sa pangalan nyo nalang po kami tawagin di naman po namin kayo empleyado eh." Pangngatwiran ni Vee.
"Nako po nakakahiya naman." Sabi ni manong.
Nagtawanan kami pare pareho. Yung ibang girls nakatingin sa amin. Kala mo naiihi . Kilig na kilig.
"Manong daming nakatingin sayo oh. Nice pogi natin ah." Sabi pa ni vee .
"Nako po hindi ako yung mga tinitignan nyan . Kayong magkakapatid yun. Ang popogi nyo kasi para kayong daddy nyo . Napaka pogi ." Mahabang sabi ni manong.
"Kayo manong may pagkabaklang nananalaytay sa dugo nyo ah " natatawang sabi ni Chimin .
"Nako hindi po " tanggi nya.
"Tara na mga bro" pag aaya ni Seigy.
"Sige po manong mauna na po kami." Pamamaalam ko .
"Sige po. Magandang hapon po ulit." Tumango kami kay manong si chimin naman kumaway pa. Napakakulit talaga.
Sakto wala pang sumasakay sa elevator . Si Seigy kasi ayaw ng may ibang kasama sa elevator maliban sa kakilala nya. Anti social kasi yan eh .
"Kuya may sandwich pa ba kayong natira? Nagugutom na ako" pagrereklamo ni Chimin.
"Ang daldal mo kasi kaya ayan nagugutom ka" sabi ni Seigy.
"Oh" inabot ni Rappy yung sandwich nya kay chimin.
"Ayun oh!! Salamat!!!" Sigaw nya.
"Ano ba! Wag ka namang sumigaw!!" Sigaw ni Hope.
"Eh isa ka din eh sumisigaw ka!!" Sigaw naman ni vee.
"Tama na nga!! Puro sigawan!!" Sigaw naman ni Jk.
Diyos kong mga taong to. Maaga akong mabibingi nito.
"Enough" mahinahong sabi ko kaya nagtigil sila.
Nakarating din kami sa 13th floor kung saan naka floor si dad.
"Hi," bungad kong sabi sa secretary ni dad na si maecy.
"Yes sir Jin?" Pacute naman to.
"Busy ba si dad?" Tanong ni Seigy.
"Actually po katatapos lang po ng meeting nya. Free na po sya ngayon . Kasama po nya sa loob si Sir Carlo."
Paliwanag nya. "Pero wait lang po sabihin ko po muna na nandito kayo." Dagdag pa nya.