Help

44 0 2
                                    

     Hope's POV

"Hope ito na yung finalize paki check nalang" sabi ng kaklase ko.

"Ok ok paki lapag nalang."

"Pre! Pumunta na ako sa office ni Sir Relmedes sabi idagdag na din daw yung topic nya last week."

"Ok sige tapusin ko lang to." Baliwala kong sabi.

"Hobi hobi hobi" pang aasar ni Dray seatmate ko.

"Shut up Dray!"

"Ang seryoso mo kasi. By the way pare. Wala sa kundisyon yung kapatid mo maglaro dahil sa binti nya."

Napatingin ako bigla sa kanya.

"You mean si Kuya Seigy?"

"Exactly. Ano bang nangyari sa binti nun?"

Ano nga bang nangyari dun? Wala naman syang nakukwento sa amin. Hayst never namang nagkwento about sa kalusugan nya yun.

"Wala naman syang nababanggit sa amin. Baka kanina lang nangyari."

"I think so. Pinoproblema nga namin yung Final game next month."

Napatulala nalang ako bigla. Importante kay Kuya Seigy yung game na yun. Hindi pupwedeng hindi sya makasama.

"Teka nga lang napakachismoso mo tumulong ka kaya dito para matapos na." Pagiiba ko. May mga nakikinig na kasi.

"Sorry bro pero may date pa ako."

"Sorry din Dray kung mapagiwanan ka. Dont worry pwede ka namang maging audience sa graduation."

"Di na mabiro to. Oh ano na maitutulong ko?"

------

Natapos namin ng maaga lahat ng kakailanganin namin sa presentation bukas. Isa isa na rin silang nagligpit ng mga gamit nila. Yung iba nakauwi na rin.

"Oh ayan pre tapos na ah. Pwede na ako sumibat para sa date ko. Tska hindi pinaghihintay ang mga sexy." - Dray

"Edi umalis ka na. Kala mo naman pipigilan"

"Hahaha bye pre"

"Geh"

Pagkaalis ni Dray ay inayos ko na rin yung mga gamit ko.

Paglabas ko nakita ko ang maraming taong nagkakagulo. Parang may pinapanood sila.

Sa sobrang curious ko ay tinignan ko na din.

Nakita ko si Chimin at hindi ko kilalang lalake na nagsusuntukan sa gitna ng quadrangle. Agad akong tumakbo para awatin sila. Nakita ko din si Kuya Seigy na tumatakbo na rin papunta kila Chimin.

Hinila ko agad palayo yung lalake at si Kuya Seigy naman kay chimin.

Putok ang labi nila pareho. Pareho din silang ayaw magpaawat.

"PAGSABIHAN NYO YANG KAPATID NYO!" sigaw nung lalake. Sakit sa tenga ng boses nito.

"Ano bang ginawa mo?" Tanong ni kuya Seigy.

"KASALANAN KO BANG LUMAPIT SA AKIN YUNG GIRLFRIEND MO! HAHAHA NATATAKOT KA BA KASI MAS POGI AKO SAYO?!"

"ABA GAGO KA!"

Susugurin sana nung lalake si Chimin pero agad kong pinigilan. Sa totoo lang ang lakas nya pero sorry mas malakas ako hahaha.

"BAKIT HINDI MO TANUNGIN YUNG GIRLFRIEND MO! ALAM MO ANG SWERTE MO SA KANYA PERO ANG MALAS NYA SAYO!" Sigaw ni Chimin.

Nakita ko yung babae na papalapit sa amin at gulat na gulat.

Ito siguro yung girlfriend nung gago.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon