Trials

50 1 0
                                    

Jin's POV

   3 weeks had passed normal na tumakbo ang buhay namin. Pero may bagay na hindi ko inaasan na mangyayari.

I found out na may sakit ako sa liver.
Nasa kwarto ako nung sumakit ng sobra yung gilid ng tyan ko. Buti nalang wala sila dad pati sila Seigy kaya ako lang mag isa sa bahay. Tinawagan ko si Christian para magpatulong dahil nahihirapan akong tumayong mag isa then after that nagising nalang ako nasa hospital nalang ako. Una kinabahan ako baka nalaman nila mommy pero thank god hindi sinabi ni Christian. Sabi ko sa kanya na wag nyang ipaalam. Ayokong mag alala pa sila sa akin . Sabi ng doktor madadaan pa naman daw sa medication kaya napagdisisyunan ko na na wag ng sabihin.

"whats your plan. Alam mong mas magagalit sila Uncle pag hindi mo sinabi sa kanila." Sabi ni Christian na nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Hindi pa kasi ako gaanong nakakatayo kasi medyo kumikirot pa rin.

"Ewan ko. Mas mabuti narin yung hindi nila alam. Stress pa sila mommy sa nangyari kay chimin diba?" Sabi ko .

"How long? Mas maganda kung malalaman nila sayo kesa sa ibang tao pa manggaling yun."

"Ikaw lang naman ang nakakaalam diba?"

"You sure with that? Alam natin na ano mang oras may nakamasid sayo. What if nalaman nila ang kalagaya  mo sasabihin nila yun sa mommy mo and the worst part paano kung malaman ng mga kalaban mo yan? gagamitin nila yang kahinaan mo."

"What now." Walang gana kong sabi.

"Its up to you kung sasabihin mo or hindi"

"Not now christian."

"Ok ikaw bahala basta ang sa akin lang mas maganda ang maaga palang na alam nila kesa malaman nila kung kelan huli na ang lahat at pag sa puntong yun sisihin pa nila ang sarili nila kasi hindi nila napansin yun na dahil sa kanila lumala ka. Well thats my thought" mahabang sabi ni Christian. May point naman sya kaso iniisip ko lang sila. Ayoko silang mastress sa akin .

"Pag iisipan ko yan." Sagot ko nalang.

Kinagabihan nakalabas na din ako ng hospital. Niresetahan na din ako ng doktor ng gamot na iinumin ko.

Pagpasok ko sa bahay nakita ko sila seigy na kumakain na.

"Oh bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Dad na abala din sa pagkain.

"May inasikaso lang Dad." Pagdadahilan ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Mommy..

"Hindi pa po. Akyat lang po ako saglit. Magpapalit lang po ako ng damit" sagot ko.

"Sige after nyan bumaba ka na."

"Opo" sagot ko kay mommy.

Pansin ko lang bakit ang tahimik nila Vee ? May nangyari ba?

Pagpalit ko ng damit ay bumaba na din ako agad.

Habang kumakain ako ang tahimik pa rin nila. Akala ko iingay na ulit kasi nakauwi na si Chimin pero ano na nangyari ngayon .

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ni dad. Bigla akong kinabahan . Alam na nila? Paano?

Napatingin ako kay dad na nakatingim lang sa pingan nya. Halatang wala syang ganang kumain. Kahit sila Vee tahimik.

"Dad..." tawag ko pero hindi sya lumingon kaya lalo akong kinabahan.
Paano nila nalaman? Sinabi kaya ni Christian?

Dali dali kong kinuha ang phone ko. Tinxt ko si Christian. Pero syempre nasa ilalim ng mesa ang phone ko ayaw kasi ni mommy ng nagce'cellphone habang nasa hapagkainan.

Sms to: christian.

   Sinabi mo ba yung sakit ko kila mommy?

Sms from: christian.
  
  Gago lang? Magkasama tayo kanina kanina lang diba? Nagpaiwan pa ako dito sa mall kaya paano ko sasabihin yun and besides diba sabi mp wag kong sabihin? Nauulol ka ba?

Hindi ko na nireplayan pa si Christian. Napatingi  ulit ako sa kanila. Nakita ko si mommy na umiiyak.

"Mom...." tawag ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na aalis ka. Papayagan naman kita eh pero yung malalaman ko pa sa iba yang tungkol dyan sa pag alis mo" sabi ni dad na ikinalito ko. Anong nangyayari?

"Sinong aalis?" Tanong ko.

"Si mommy. May out of country business kasi sya for 2 months" bulong ni Hope sa akin .

Whoooo! Akala ko nalaman na nila.

"Bakit po mommy? Hindi nyo po ba pwede ipautos nalang?" Suggest ko.

"Hindi pwede anak. Request kasi yun na ako ang pumunta. Kasama ko naman ang Untie Dea mo." Sabi ni Mommy

"THATS NOT THE POINT! THE POINT IS YOU DID NOT SAY ANYTHING TO US!"

Natahimik kami sa sigaw ni Dad. Si mommy nakayuko lang. Gusto ko mang umawat pero hindi ko kaya. Natatamaan din kasi ako sa sinasabi ni dad.

"Ngayon sinabi mo na sa amin kung kelan bukas na ang flight mo." Mahinahon na sabi ni dad pero ramdam ko na galit pa din sya.

"Ok sige ipapautos ko nalang sa sercretary ko wag ka ng magalit." Sabi ni mommy.

"Hindi yun ang pinupunto ko Claire. Business man ako kaya naiintindihan ko yan pag out of country mo ang ayoko lang hindi mo sinabi sa akin agad. Dun ako nagagalit. At ang masama pa dun kay Carl ko pa talaga nalaman. Paano kung hindi sinabi ni Carl? Edi magugulaf nalang kami na aalis ka nalang ganun ba?"

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin.

"Sasabihin ko naman sayo kaso wala pa akong time."

"Time? Claire time? Pag kakain ba tayo, matutulog wala tayong time mag usap? Claire naman."

Halata na kay dad ang inis.

Hindi ko alam pero may part na sa akin na sabihin ko na din yung kundisyon ko kasi sa nakikita ko na reaksyon ni dad sa ginawa ni mom ay hindi malayong ganyan di  ang maging reasyon nya pag sa iba nya malaman ang kalagaya  ko baka nga mas malala pa eh.

"Dad...." tawag ko. Napatingin naman sya sa akin .

Sasabihin ko ba?

"Ano?!" Sigaw ni dad kaya mas kinabahan ako. Wrong timing ata ako o wag ko nalang muna talaga sabihin .

"Ah ahm" aish mas magagalit si dad sa ginagaw ako eh.

"Tsk" inis na nga si Daddy.

Napapikit ako dahil bigla na lang sumakit yung tagiliran ko. Shet mas masikit sya ngayon.

"Ahhhhhh!!!!" Sigaw ko sa sakit.

Nagsitayuan sila Seigy pati narin sila dad.

"Jin!" Sigaw ni mommy.

"Jin bakit! Jin anong nangyayari sayo anak?!" Tarantang sabi ni dad.

"Yung kotse ihanda nyo.!" Utos ni dad.

"Jin bakit?!" Patuloy parin sa pag tanong si dad.

Naramdaman kong binuhat na ako ni Daddy pagkatapos nun hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

   

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon