Jin's POV
Nandito na kami sa Van ni dad. Pauwi na kami sa bahay. Walang nagsasalita sa amin tanging si Dad lang.
"Alam nyo bang nagalit ang mommy nyo kagabi?" Inis na sabi ni Dad.
"Hindi po Dad, hindi naman po kami umiwi sa bahay eh." Sarkastikong sagot ni Chimin .
"Tumigil ka nga" sabat ni Seigy.
Kahit kailan talaga napaka daldal.
"Akala nyo ba natutuwa ako ngayon? Ikaw Jin saan ka galing kagabi?" Tanong ni Dad
"Nagpa carwash po kami nila Dark." Sagot ko.
"Yun lang?"
"Opo yun lang."
Natahimik ulit kami sa loob ng van .
"Nagugutom na ako." Sabi ni Chimin .
Nagkamali ako. Kailan ba kami matatahimik kung lagi naming kasama si Chimin .
"Sa bahay na ." Tipid na sabi ni Chimin .
"Pero-"
"Sa bahay na nga daw diba?" Sabat ni Rappy.
"Ano na namang nangyari dyan sa mukha mo?" Tanong ni Dad.
"Huli ka balbon." Bulong ni Vee.
"A-ahm kasi D-dad pinagtanggol ko lang si Chenry."
"So sa tingin mo super hero ka?" Tanong ni Dad.
Hininto nya ang van sa tabi at tumingin kay Chimin sa likod. Katabi kasi ako ni Dad at sila chimin nasa likod nakaupo.
"Dad kasi ang tangkad ng kalaban ng pinsan ko."
"So sa tingin mo matangkad ka? Alam mo Chimin hindi porket importante ang isang tao sayo lagi mong ipagtatanggol, tandaan mo kailangan din nila na ipagtanggol ang sarili nila. Paano nalang kung ikaw ang napahamak? Tutulungan ka ba nya? Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi mong ipapakita ang good side mo." Mahabang pangaral ni Dad. Hindi na sumagot si Chimin. Nakayuko lang sya.
Si Vee naman hinihimas himas pa ang likod ni Chimin. Loko din to.
"Oh." Inabot ni Dad ang......
"Make up?" Takang tanong ni Chimin.
"Tapalan mo yang pasa sa mukha mo para di mahalata ng mommy mo." Utos ni Dad.
Yan ang ugali ni Dad kahit galit na sya bandang huli may suporta pa din .
"Thanks Dad."
Pag uwi namin si Mommy nakaupo na lang sa sofa at nanonood ng Movie.
Isa isa kaming humalik kay mommy maliban kay Chimin na pinaakyat na.
"Si Chimin?" Bungad na tanong sa amin ni Mommy.
"Nasa taas na honey magpapalit na ng damit natapunan kasi ng tubig ni Vee nung nasa van sila" Pagdadahilan ni Daddy.
"Huh?" Takang sabi ni Vee. Pinanglakihan namin ng mata si Vee at salamat naman at na gets nya agad.
"Anong Huh?" Sabat ni Mommy.
"Kumakanta po ako mommy. Huhlelua allelua. Hehehe"
Palihim akong natawa kay Vee. Lakas maka segway.
"Jin sumunod ka sa akin at mag uusap tayo." Sabi ni mommy kaya kinabahan ako.
"Ikaw Hope sumunod ka sa Opisina ko may paguusapan tayo." Sabi naman ni Daddy. Ano kaya yung pag uusapan nila.?
Sumunod na ako kay mommy. Ganun din si Hope sumunod din kay Dad. Sila Vee naman umakyat na sa kwarto nila.
Pagpasok ko sa kwarto nila mommy nagsimula na akong kabahan .
"Anong nagyari sayo kagabi? YUNG TOTOO."
"Mom nagpacarwash lang po kami nila Dark-" hindi ko natapos ang saaabihin ko nang tumayo si mom at bigla nya akong sinampal ng napaka lakas.
"saan mo natutunang pumatay ng tao?"
Nagulat ako sa sinabi ni Mom. Alam nya?
"Mom-"
"SAAN. MO. NATUTUNAN. YON." May diin sa mga salita na sinasabi ni Mommy.
"Mommy-"
"STOP CALLING ME MOMMY! SAGUTIN MO ANG TANONG KO!!"
"Kailangan ko lang protektahan kayo mom! pati narin ang sarili ko!. Malaki ang galit nila sa akin! Akala nyo ba mom ganun lang kadali ang tumigil?! Mom yung ginagawa ko may entrance pero walang exit !" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag taas ng boses.
"Wow! Alam mo pala na walang exit pero pumasok ka padin?!"
"I have to risk my own life just to protect our family! Wala akong pake kung walang exit a g papasukan ko dahil ang nasa isip ko lang kayo. ang kaligtasan nyo."
Nakita kong tumulo na ng tuluyan ang mga luha ni mommy na kahit kailan ayokong makita.
" you dont need to risk son-"
"Shhhsss"
Niyakap ko si mommy dahil iyak na sya ng iyak.
"I need to risk. Hayaan nyo nalang ako na protektahan kayo mom. This time ako naman ang magpoprotekta sa inyo. Wag ka ng mag alala mom mag iingat ako."
Pinunasan ko na ang mga luha sa mga mata nya.
"Tahan na mommy." Pagpapatahan ko.
"Ganyan na ba kami kapabaya na pati buhay nyo sinusugal nyo na?"
"ofcourse not. Kahit kailan hindi kayo naging pabaya ni Dad sa amin. In fact medyo OA na nga kayo."
Bigla akong kinotongan ni mommy. Sakit .
"Anong OA?!"
"Mom just always remember that my brothers and I are college student not nursery student."
"We're man not a baby boy" napatingin kami sa may pinto at nakita ko si Seigy na nakatayo dun .
"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko.
"Not really." Tipid na sabi nya.
"Im sorry. I love to treat all of you like a baby. Gusto ko kasi lagi kayong hihingi ng tulong sa akin."
"Mom ok lang naman kahit gawin nyo kaming baby wag lang po sanang OA." Natatawang sabi ni Seigy
"Ok ok fine." Sagot ni mom .
"I love you mom" sabi ko.
"I love you mom" sabi naman ni Seigy.
"Sama kami!!!" Sigaw ni Hope at ni Dad.
"syempre kami din" sabi ni Vee at Jk.
"Sama ako!" Sigaw ni Chimin . Kasama si Rappy
"im so lucky to have 8 man in my life. I love you all SO. SO. SO MUCH!" sabi ni mommy na naiyak iyak pa.
"Also us mom . We're so lucky to have you. I Love you mom" sabi ni Jk.
"I love you Honey ang all my son" sabi naman ni Dad.
"GROUP HUG!" Sabi ni Chimin .
Nag group hug kami at nag tawanan kami ng magsimula na namang umiyak si Mom .
"Enough na ang drama" sabi ni mom
"hahaha I forgot honey my meeting pa tayo" sabi naman ni Dad.
"Huh? Gabi?" Tanong ko.
"Nothing about business son. Its about me ang your mom's childhood friend."
" ah... " sabay sabay naming sabi.
" ok ok aalis na kami ng Daddy nyo ang mga bintana ng mga kwarto nyo isara nyo. Ang gate ang pinto. Ang pinto sa may kusina isarado nyo. Ang kurtina sa sala isara ok?" Mahabang paalala ni mom.
"Mommy knows best" sabag sabay naming sabi.
At sabay sabay din kaming tumawa.