Chapter 1

5K 83 0
                                        

"Ate! May helikapter na naman! May bisita na naman tayo!" patakbong balita sa'kin ni Utoy.

Ayan na naman sila. Ang kukulit. Sinabi na nga ni Inang na hindi. "Hanapin mo ang kuya mo. Pumanhik na kamo. Tawagin mo si Ning pagkatapos. Kakain na tayo."

Inasikaso ko ang pananghalian namin, kamote, saging, kanin at ginisang gulay. Mamaya na lang kami mag-bababoy. O bukas? O sa kaarawan na lang ni Ning? Kelan ba?

"Ate ang sabi ni Utoy may nakita raw syang parating na helikapter. Eh wala naman akong naririnig pa," sabi ni Udong sa'kin.

Ayokong pag-usapan namin yun. Hindi ko alam ang gagawin. "Kumain na tayo," anyaya ko.

"Wala na si Inang!" biglang ngawa ni Ning na nagmula sa kwarto.

Na naman. "Andito naman ang Ate aba. Ang mga kuya mo andidito rin Ning," sabi ko sa kanya. "Eh yang iniiyak mo ikain mo. Ganito rin naman ang kain ah 'pag si 'Nang ang nag-luto."

"Ate pa'no mo sila paaalisin? Makulit eh," tanong ni Udong.

"Batuhin ulit natin?" tanong ni Utoy.

Ibebenta ko ba ang lupa? Ibenta ko ma'y wala naman akong alam na puntahan namin.

Dito. Dito na lang kami mabubuhay at mamamatay.

"Ate?"

"Ako ang kakausap ng ayos. Sasabihin kong hindi natin 'to ibebenta. Aayos ang usap dahil ako na ang haharap. Titigil din sila dahil ayaw nga natin."

"Eh an sabi gagawa na daw sila dyan sa baba malapit na. Pa'no yun?" tanong ni Udong.

"Gumawa sila. Hindi nila makukuha ang atin," sabi ko.

Napatulog ko na si Ning at nakatulog na rin si Utoy para sa tulog nila sa tanghali nang dumating ang mga bwisita.

"Magandang-" umpisa ng kumatok na pawis na pawis. Nabitin ang sinabi nya nang magtama ang mga mata namin. Naka-tanga sya sa'kin.

"Oh iba na naman? Asan si Misis Reyes? Si Misis Luna?" tanong ko.

Hindi nya 'ko sinagot. Sinipat nya 'ko ng tingin.

"Hoy! Masamang tumitig!"

Bumaling sya sa mga kasamahan nya. "Bumalik na kayo sa chopper. I'll just call you if I need you," sabi nya. Ibinalik nya ang tingin sa akin. Pumasok sya ng tuluyan sa bahay.

"Sumama ka na sa inuutusan mong umalis. Hindi ko ipinagbibili ang lupa namin," sabi ko habang nag-aayos ng mga gulay na ibababa ni Udong para ibenta.

"You're Ligaya?" tanong nya. Inglisero.

"Oo. Sino ka?"

"Custan," sabi nya.

Inabot nya ang kamay pero hindi ako makikipag-kamay. Wala akong balak na makipag-ayos sa kanila. "Walang lupang ibebenta. Kaya bumalik ka na sa pinanggalingan mo."

"Bakit mo... Why don't you want to sell? You stand to gain with the money."

"Alam ko. Hindi ako tanga."

Nagulat sya. Pagkatapos ay nangiti. "Alam ko. Pasensya if you think na I think of you that way. It's not the case at all."

"Ikaw ba ang amo ng mga pinapunta? Hindi ko alam na bata ka pa pala."

Umupo sya sa upuan sa harap ko sa mesa. "Yup. So bakit? Why are you not selling?"

"Mister- Ano na nga pangalan mo ulit?" Hindi ko na inantay na sumagot sya. "Ito ang bahay namin. Ito ay lupa namin. Ikaw, ibebenta mo ba ang bahay mo? Para pakinabangan ng iba?" Tiningnan ko sya ng diretso.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon