"What?" tanong nya.
Bumuntung-hininga ako. "Kung lahat sana kasi ng tao, pagtulong lang ang gustong gawin, madali sanang mag-bigay ng tiwala. Alam kong gusto nyong kunin ang lupa namin. Mukha namang wala akong laban bukod sa titulo namin. Kung bigla nyong patayuan ang lupa namin, kahit 'di nyo bilhin sa'min, kaya nyo dahil sa pera nyo. Lalaban ako pero wala naman akong alam sa mga abo-abogado. Alam kong kahit may pera kayong ibabayad, kayo pa rin ang panalo. Hindi naman kayo lumapit para mapabuti ang buhay namin, lumapit kayo para makuha nyo ang sa amin."
Mukhang nag-isip si Custan. Matagal syang hindi nakapag-salita. "Sige Joy. After this, I'll read the contract, everything, and you know what, I'll help you figure this whole thing out."
Nangako. Mukha naman syang seryoso. Pero bakit andito sya? Yang ganyang mukha? Yung oras nyang nasasayang sa pagpilit sa'min? Yung oras na andito sya? Marami syang pwedeng gawin sa Maynila. Bakit andito sya? "Ano naman ang makukuha mo Custan 'pag nabili mo na ang lupa namin?"
"They're going to build our resort soon in front of where we are right now. Literally. I own it and this land will be the surrounding land. Pader ang magiging harapan nyo. At kayo ang makikita ng mga guests mula sa mga kwarto nila."
"Kaya wala kaming magagawa ganun?"
Bumaba ang mga balikat nya. Tinapatan nya 'ko. "Ligaya naman. Again, you will be well paid. It's not as if you're going to develop this land."
Imposible itong lalaking 'to. "Ano ngayon kung gusto naming mamuhay ng ganito habambuhay? Anong problema sa simpleng buhay Custan? Ano ngayon kung ayaw naming i-develop itong lupa namin?"
Nilayasan ko sya sa kinatatayuan nya. Hindi ko sya kayang maka-usap. Iniisip nyang dapat syang intindihin! Kami kaya ang dapat nyang kumbinsihin!
"Okay, I'm sorry, I'm sorry," sunod nya sa'kin.
"Bakit kasi hindi mo aminin na wala kang alam dito sa pinasok mo?" pukol ko.
"Alam mo na naman eh. You're convinced na. Pa'no pa 'ko makakatutol sa kung anong gusto mong paniwalaan?"
Tumigil ako at hinarap ko sya. "Nakakainis na hindi mo alam Custan. Ang akala ko may taong matatanungan ako tungkol sa bagay na 'to. Hindi ka lang mayabang, wala ka pang pakialam sa iba. Ano man lang yung inalam mo yung pinunta mo dito diba? Kinabukasan namin 'to, namin ng mga kapatid ko pero wala kang pakialam dun." Tinalikuran ko ulit sya.
Hinawakan nya ang braso ko. Pinapaharap nya 'ko sa kanya. Tinanggal ko yun. "I'm sorry Ligaya. Please. Please?" Pilit nyang kinukuha ang tingin ko. Hindi nya nakuha yun.
"'Wag mo 'kong hahawakan. Wala kang karapatan." Iniwan ko sya sa labas. "Ning! Kumuha ka na ng dahon ng saging!" utos ko.
"Meron na po!" sagot ni Ning.
"Ligaya, mag-usap tayo. Pag-usapan na natin 'to ngayon," sunod ni Custan.
"Hindi kita gustong makausap ngayon Custan. Napakarami ko pang gagawin."
"Sige tutulungan kita. Hindi ako magsasalita. I won't get in your way," suko nya sa'kin. Nakataas ang mga kamay nya.
"Dun ka sa taniman. Maghanap ka ng gagawin dun," utos ko sa kanya.
Napakamot sya sa ulo. "I'm afraid I won't know what to do there. Baka makasira pa 'ko."
"Gusto ko lang lumayo ka muna. Pwede ba yun Custan? Tatawagin na lang kita 'pag kakain na."
Lumabas at lumayo naman sya.
"Ate, aalis na sya?" tanong ni Ning.
"Hindi. Pupunta sya sa taniman."
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?
