"Sebastian," bati ni Custan sa isang matangkad na lalaking pumasok sa kwarto na siyang kumatok.
Napakapit ako agad sa braso ni Custan nang hindi plano, natural na nangyari na lang yun. Malaki kasing tao ang pumasok, mas matangkad kay Custan, at mas malaki ang pangangatawan. Walang direksyon ang mahaba nyang buhok. Magulo at makapal din ang mga buhok nya sa mukha. Kakaiba ang mga mata nya, maganda, malalim ngunit hindi mabait ang mga matang yun na nakatingin kay Custan.
Saglit akong tinapunan ng tingin ng lalaki pagkatapos ay tiningnan nya ang kabuuan ni Custan. "Hey," sabi nya kay Custan.
"Want to see your damage, kaya ka andito?" walang bahid takot na tanong ni Custan sa kanya. "Oh, meet my fiancée, Ligaya Enad," patuloy ni Custan na kinabig ako. "We're getting married soon."
Kumaway ako ng isang beses lang. Kumaway ako dahil pakiramdam ko hindi ako makakapag-salita upang maka-bati sa kaba. Ramdam kong hindi sya isang taong palabiro o magaan. Mabigat ang presensya nya.
"Stop the charade. I know Jade goes here. And your girl doesn't even have a ring," turo ni Sebastian sa'kin. "Leave Jade alone," malamig na lahad nya na hindi nakilos sa kinatatayuan.
Nainis si Custan, nang-gigil. "Jade and I have been over for a long time, you know that! I can confidently tell you that kasi walang wala na kami. I'm telling you, this is my future wife," sabi ni Custan na hinalikan ang balikat ko.
"I will kill you if you speak to her again," banta ni Sebastian habang diretso ang tingin kay Custan. Napa-higpit ako ng kapit kay Custan.
"I hate her. You know that," turo ni Custan kay Sebastian. "Hindi ko alam kung bakit tingin mo, gusto ko pa rin sya."
"'Wag mo 'kong gaguhin Estanislao," sabat agad ni Sebastian. "You asked Jade to marry you, alam ko yun."
"Ha?" gulat na tanong ni Custan. "Baliw ata kayong dalawa eh. At dahil sa kabaliwan nyo, nadidisgrasya ako. 'Wag ka ngang gago, pinaiikot ka lang nung babaeng yun."
"'Di ako tanga Custan."
"Then maniwala ka sa'kin if you're not. Dude, the only reason you're not in jail with what you did to me is because you could keep her off of me. At ayokong i-stress ang Tito ko sa'yo at sa pangungulit ni Jade sa'kin kaya I'm not doing anything to keep you both from me. Pero leave us alone. Mag-ligawan kayo away from me, away from us."
"'Di pa tayo tapos Estanislao," banta pa rin ni Sebastian.
"You're funny. You're stupid," pang-iinis ni Custan.
"Ano ka ba Custan," bulong na suway ko kay Custan.
"Love, sabihin mo kay Manang Delia, paalisin na yang gagong yan," sabi ni Custan.
"Leave Jade alone," may diin na sabi ni Sebastian.
"Bro, she's using you. An dami namang iba dyan. Wake up man," sagot naman ni Custan.
Tumalikod na si Sebastian at umalis. Nang makalabas na sya ng kwarto, nag-hintay ako ng ilang segundo bago lumabas para siguraduhing wala na talaga sya sa buong palapag.
"Ligaya! Love!" dinig kong hanap ni Custan sa'kin mula sa kwarto nyang pinag-iwanan ko sa kanya.
Nakita ko sina Manang Delia at Emily sa sala. "'Wag na muna tayong magpa-pasok ng kahit sino. Nai-stress si Custan eh. Yun daw lalaking yun ang bumangga sa kanya."
"Ganun ba Mam? 'Di ko alam eh," sabi ni Manang Delia.
"Love!" tawag ni Custan. "Love!!!"
"Miss Ligaya, nakakakilig po kayong dalawa," sabi ni Emily sa'kin na 'di maipaliwanag ang ngiti.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?
