"Eh 'di humanap na tayo ng ibang OB ngayon pa lang," mahina kong sabi sa galit na si Astian.
"No, she needs to come back! She knows your history! She's the best OB in Palawan!" sigaw nya.
"Eh wala sya eh," bulong ko ng obvious na nangyayari.
"Kaya nga she needs to come back! She's not thinking!" may gigil nyang dagdag.
Galit na galit si Astian. Eh baka love, matinding pagmamahalan talaga ang dahilan kaya kinailangan nilang gawin ang ginawa, yung umalis, magtanan, o kung anuman. Tsaka buhay nila yun.
"Pakiusap, kumalma ka," sabi ko sa kanya. Hindi pa rin kasi sya matigil sa paglalakad ng paikot-ikot sa harap ko.
"Hindi kasi sya nag-iisip!" sigaw nya pa rin. Bumaling sya sa'kin. "Pa'no ka?! Sino na OB mo?! Sa'n tayo pupulutin ngayon nyan? Sinong magpapa-anak sa'yo?"
"Kung ayaw mo dito sa Palawan, eh di sa Manila-" suhestiyon ko sana.
"Hindi nga pwede sa Manila!" putol nya agad sa'kin na ikinagulat ko.
"Huh? Bakit hindi?" natanong ko tuloy.
Saglit nya 'kong tiningnan. Huminga sya ng malalim. "Malaki na ang tyan mo," mahinahong sabi nya. "You can't fly anymore."
"Pwede pa," pagtatama ko sa kanya. "Sabi ni French, first trimester ko delikado, pero basta hindi ko pa kabuwanan, pwede naman."
"Hindi! Uuwi si French!" pilit ni Astian bago umalis ng bahay.
Ano ba yan. Ang init naman ata ng ulo nya masyado.
Gabi na ng bumalik si Sebastian sa bahay. Tahimik at tila pagod na pagod sya.
"Sa'n ka galing?" tanong ko.
Bumuntung-hininga sya. "We have no choice but to fly you elsewhere para manganak."
"Yan nga yung sinabi ko kanina diba? Sa Manila-"
"Pupunta tayo sa Guam," putol nya sa'kin.
Guam? "Ha? Guam? Bakit? May kilala ba tayo dun?" tanong ko agad dahil naguluhan ako sa kanya. Guam? San nya napulot yun? Kailanman 'di pa nya nababanggit yun.
Imbis na sagutin nya ako, tumalikod sya, lumayo.
Ano ba't ang gulu-gulo ni Sebastian? Ano ba 'tong mga sinasabi nya? Guam? Anong meron dun? "Sebastian, nag-uusap tayo. Anong meron sa Guam at dun ako manganganak?" usisa ko.
"Para US Citizen ang baby natin," sagot nya. "After mong manganak, let's move to Virginia. I have friends there-"
"Sa'n 'to nanggaling?" ako naman ang pumutol sa kanya. "Wala ba kong say sa mga 'to?" naiirita kong tanong.
"Wifey-" umpisa sana nya na pinutol ko.
"Nagdedesisyon ka pero hindi mo 'ko sinasama sa pagpaplano!"
"The kid will have a brighter future in the States," rason nyang hindi ko alam kung saan nya hinugot.
"Pa'no ka nakasiguro? At anong mangyayari sa bahay natin dito? May bahay pa sa Manila. Lipat naman tayo ng lipat Sebastian. Palayo na tayo ng palayo," punto ko.
"Anong problema sa pag-tira sa US, ha?" hamon nya sa'kin.
"Hindi ko alam kung bakit alis tayo ng alis. Pwede naman tayong manirahan dito," sagot ko. "Gusto ko dito sa Palawan Sebastian. Masaya ako dito."
Mataman nya akong tiningnan. Batid kong may takot sa mga mata nya. "Masaya ka? Masaya ka sa'kin?"
Baliw ba 'to? "Oo naman! Asawa kita!" Binato ko sya ng unan. "Anong problema mo at nagda-drama ka dyan?"
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?