"Ate, tingnan mo o. Nag-post si Kuya Custan ng picture nila," sabi ni Ning na ipinapakita ang phone nya. "Ops, profile pic na... profile pic na pala."
"Ano ka ba Ning, hindi naman nakakatulong yan. Mas nasasaktan si Ate o," sabi ni Utoy.
"Lubayan nyo ang Ate nyo. Hala, sige na, pasok na. Male-late na naman kayo sa school," suway ni Elisa sa kanila.
"Mag-aral kayong mabuti," sabi ko.
"Hala, nag-salita na si Ate," nabulong ni Ning kay Utoy.
Ilang araw na rin kasi akong halos 'di nagsasalita sa lungkot. Tuwing magsasalita kasi ako ang lumalabas lang: 'ang sakit, sakit' o 'bakit ang sakit, sakit naman?'
"Oo naman 'no," irap ko sa kanila. "Umalis na nga kayo. Pasok na."
Niyakap nila ako bago umalis. Sinimulan lang nilang gawin yun mula nung naghiwalay kami ni Custan.
Mangungumusta si Custan minsan, magtetext sya, pero hindi ko sya nirereplyan. Hindi rin naman sya tumatawag o dumadalaw. Balita ko, tutok na tutok sya sa anak nya. At ang bruhang si Jade? Kasama ang mag-ama nya.
Napabuntung-hininga ako. Wala ng kulay ang buhay. Mapusyaw na ang lahat.
Ano na nga bang gagawin ko? Ah oo, maghahanap nga pala ng trabaho.
Pero saan? At anong gagawin ko?
Pinilit kong maghanap sa dyaryo ng trabaho. Pinilit kong basahin ang mga salita roon pero ang mukha lang ni Custan ang nakikita ko: yung ngiti nya, yung masungit nyang mukha, yung mukha nyang natutulog, yung tawa nya...
"Ate," tawag ni Elisa sa'kin. "Mukha na naman ba ni Custan ang nakikita mo dyan sa dyaryo?"
"Alam ko, alam ko, kailangan kong mag-trabaho," sabi ko at itinutok muli ang pansin sa dyaryo.
"Hay Ate..."
"Ano ba kasing gagawin ko? Kahit saan naman kasi ako tumingin naiisip ko pa rin si Custan."
"Isa-isa lang Ate. 'Wag mong pilitin ang sarili mong makalimot kung ayaw pa talaga."
"Alam kong kailangan kong humanap ng trabaho. 'Wag kang mag-alala, makakahanap din ako. Para 'to kay Utoy, kay Ning. Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!" sigaw ko. "Kaya ko 'to eh, pramis... kaya... kaya 'to..."
"Pahina ng pahina ang paniniwala Ate ah," puna nya.
"Elisa... Pa'no ba 'to? Bakit ilang araw na eh ganito pa rin ako? Hindi ko na kaya. Nakakaubos na."
"'Wag mong hayaang maubos ka. Tanggapin mo na lang."
"Tanggap ko naman. Ang lungkot, lungkot lang. Ang sakit."
"Siguro kailangan mong lumabas, magpa-araw nang makapag-isip isip ka. Nakakasaya raw maarawan Ate. Subukan mo yun. Medyo nahahawa na kasi si Elle sa'yo eh. Mas lalo syang nagiging iyakin eh."
"Pinalalayas mo na 'ko?" nguso kong tanong.
"Oo Ate. Lumayas ka muna. Paaraw ka. Bumalik ka 'pag tanghalian na. Sige na. Go!"
Sinunod ko ang payo nya.
Sa elevator pa lang pababa, may nakasakay na 'kong magkasintahang naglalandian. Pinigil ko ang sariling iuntog sila sa pinto ng elevator.
Maghihiwalay din kayo!
Papunta sa isang mall complex nakasalubong ako ng isang pares na naka-couple shirt, yun bang nasa babae ang kaliwang bahagi ng puso at nasa lalaki naman ang kanang bahagi non. Masayang silang magka-hawak kamay.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomansBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?