Nagkatinginan pa kami ni Udong bago kami mabilis na pumasok sa silid kung nasaan si Ning.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong aasahan pagpasok namin doon.
Bumagsak ang malaking puting aparador. Yun ang una mong mapapansin pagpasok sa kwartong yun. Hindi ko makita si Ning o si Custan.
"Ning! Nasaan ka?!" sigaw ko. "Custan?!"
Gumapang si Ning palabas sa ilalim ng aparador. Madali naman syang nakalabas. "Si Kuya Custan," iyak at turo nya sa ilalim ng aparador. "Nabagsakan sya!"
Mabilis na nadala sa ospital si Custan sa tulong ng mga gwardya. Tinawagan ko si Manang Josie na noo'y nasa bahay nila Custan sa Antipolo. Sumaklolo na sila sa ospital.
Alalang-alala ako kay Custan. Nawalan sya ng malay at hindi pa sya gumigising simula ng dalhin sya sa ospital. Maraming dugo mula sa ulo nya ang nawala. Hindi naman ako matigil sa iyak.
Custan, Custan gumising ka. Hindi 'to maaari. Custan!
Walang humpay ang dasal ko sa Panginoon at sa lahat ng kilala kong Santo, mabuhay lang si Custan. Hindi ko alam kung saan ako babaling sa hinanakit ng puso ko sa nangyari. Mas napatunayan ko rin sa sarili kong mahal na mahal ko sya.
Wala akong magawa kundi ang tingnan sya habang ineeksamin sya ng mga naroon.
Salamat sa pagmamalakasakit kay Ning pero ikaw naman ang napahamak. Custan gumising ka na. Ba't wala ka pa ring malay?
Ipinaliwanag ng Doktor na titingnan pa nila ang resulta ng mga pageeksamin nila kay Custan bago sila makapag-sabi kung anong nangyari sa kanya.
Dumating din kaagad ang Tiyo Ric ni Custan. Ipinaliwanag ko ang nangyari.
"Let's wait then for the Doctor's findings. I suggest umuwi ka na. Isang buong araw ka na daw dito sabi ni Josie."
"Hindi po. Aantayin ko pong magising si Custan," sabi ko.
Pinag-asikaso ko si Udong sa mga kapatid ko. Pinag-lipat ko din sila sa unit namin. Mas lalong hindi kami dapat manatili sa bahay ni Custan kung wala naman sya doon.
Ayoko ring nasa ospital sina Ning at Utoy dahil baka mahawaan sila ng sakit kaya si Udong lang ang nakakapalitan ko sa ospital sa pagbabantay kay Custan. Hindi ko halos nakikita sina Ning at Utoy pero isang maliit na sakripisyo yun para kay Custan.
Lagi namang andun si Manang Josie o isa sa mga katulong nila. Binabalitaan nila ang Tiyo Ric nya sa mga nangyayari doon.
"Custan, gumising ka na," halik ko sa kamay nya. "Gising na."
"Ligaya?" tawag sa'kin ng Duktor.
"Po?"
"Custan suffered a severe head trauma. Nasa comatose state sya. Sa ngayon that's all we can deduce from his tests. We're hoping that in a few days, magising na sya. Maaaring matagalan, hindi talaga natin alam. Usually vegetative state ang kasunod-"
"Ilang araw pa po kaya?"
"Araw, linggo o buwan, hindi natin alam."
Bumuntung-hininga ako. Yun lang ang kaya kong magawa ng mga panahong yun. Sinisisi ko ang sarili ko sa maraming bagay. Ako dapat ang sumaklolo kay Ning, hindi si Custan.
Masyado kasi syang matulungin. Kung hinayaan nya kami sa bundok, puno pa sana sya ng buhay ngayon.
Gusto ko syang pasalamatan sa lahat ng ginawa nya sa'ming magkakapatid. Dahil sa kanya, may bahay, pera at damit kami. Alam na rin naming magkakapatid ang gagawin namin sa pasukan. Wala pa lang akong trabaho pero makaka-antay yun.

BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomansBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?