Chapter 27A

1.6K 35 2
                                        

Nasaan na sya?

Mabuti palang hindi sya maka-kilos non, hindi sya gala at alam mo kung nasaan sya.

Baka may sorpresa na naman yun. Hay naku Custan.

Tinext ko sya: Nasaan ka na? Sa condo lang ako. Bilisan mo baka ma-late tayo sa check up mo. I love you.

Lumipas ang isang oras, dalawang oras, wala pa rin akong naririnig mula sa kanya.

Nag-aalala na 'ko.

Baka napano na sya. Kasi kagagaling lang ng binti, nagmaneho na kaagad. Naku!

Baka nabangga?

Baka napag-trippan ng mga kaibigan?

Nasaan na ba kasi sya?!

Tiningnan ko ang singsing na bigay nya.

Nasaan ka na ba Custan?

Pumunta na 'ko sa bahay nya ng nag-tanghali. Ang sabi ni Manang Delia, maaga daw syang umalis para sunduin nga ako dahil sasamahan ko sya sa check up nya.

Tinawagan ko ang doktor nya. Wala naman daw sya doon. Hindi rin daw nagsabing papunta sya dun.

Nasaan na sya?

Nag-alala na 'ko. Tumawag na 'ko sa ilang kaibigan nya pati na rin kay Miss Rina.

Hindi sya mahanap. Walang makapag-sabi kung nasaan sya.

Baka nasa puntod ng Tiyo Rico nya!

Pumunta kaagad ako sa himlayan ni Don Rico pero wala sya don.

Nasan ka na?

Dinalaw ko rin ang himlayan ng mga nasirang mga magulang nya. Wala rin sya dun.

Bumalik ako sa bahay nya. Tinext ko sya: Andito ako sa bahay mo. Nasaan ka ba?

Sa inis at pag-aalala ko, at dahil wala na 'kong maisip na magawa pa, naiyak na ako.

Nasa'n na ba kasi sya?

Sana hindi naman sya napano. Sana hindi sya nadisgrasya. Wala naman kasing dahilan kung bakit bigla bigla na lang syang mawawala.

Kaya isa lang yan, nadisgrasya sya. Nasan naman kaya sya?

Nagtingin-tingin ako online ng mga nasusulat na balita para sa araw na yun. Naghanap ako ng mga banggaan o nakawan.

May sumagi bigla sa isip ko.

Hindi naman siguro alam ni Jade kung nasan si Custan. Kung ako nga na nobya hindi ko alam kung nasaan sya, si Jade pa kaya?

Baka yung mga hunghang na dumalaw dito noon! O yung Sebastian! Baka pinadukot si Custan! Baka dahil alam na ng mga taong ibinigay na sa kanya ang mana ng mga magulang nya nang namatay ang Tiyo nya, eh dinukot na sya para sa ransom!

Mas lalo ako umiyak. Asan na ba kasi sya?!

"Ligaya darating din yun. Maniwala ka," sabi ni Manang Delia sa'kin.

"Pero ba't wala pa po sya? Ba't 'di sya nagsasabi?" hagulgol ko.

"Sana nasa maayos si Ser," sabi ni Eros. Hinampas sya ni Manang Delia. "Eh nakaka-alala po talaga eh."

"Hindi naman kasi nakakatulong ang pag-aalala," sabi ni Manang Delia. "Mag-isip na lang tayo kung nasaan sya."

"Baka sa..." simula ni Emily.

"Naisip ko na, napuntahan ko na, at natawagan ko na lahat ng kaibigan nya. Hinahanap na rin nila sya. Pero kahit isa wala pang bumabalik sa'kin na nagsasabi kung asaan sya. Lahat sila nagtatanong kung nakita ko na sya."

Hinagod ni Manang Delia ang likod ko. "Tatagan mo ang loob mo Ligaya." Tumango ako.

Kahit ano tatanggapin ko, kahit ano gagawin ko, bumalik lang sya ng ligtas. Panginoon, nasaan na sya? Pakiusap, ilayo mo sya sa kapahamakan! Pagkatapos ng sinapit nya nung lindol, pagkatapos ng pag-iwan ko sa kanya, sa aksidente nya sa pagkakabangga, baka hindi nya na kayanin pa kung mayroon na namang mangyari sa kanya.

Lord, pakiusap. Pakiusap po. Bumalik lang sya ng ligtas, kahit ano gagawin ko. Please. Kahit ano tatanggapin ko.

Tinitigan ko ang cellphone ko at ang directory. Ayokong gawin ang balak ko nang gawin pero kinakailangan na. Ilang oras na mula ng huli syang nakita eh. Kailangan na 'tong gawin, kahit natatakot pa 'ko sa pwede kong malaman.

Hinawakan ko ang Directory. Magtatawag na 'ko sa mga hospital nang narinig kong bumukas ang pinto.

"Custan!" sigaw ko.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon