"Hindi Sebastian. Hindi ko alam."
"I can't be away from Hope. She's my daughter too Wifey. You can't take me away from her. She deserves me too," apila nya. "Ako na tatay nya."
Hindi...
Um... hindi ako sigurado...
Hindi! Sigurado akong hindi talaga. "Hindi dahil sa gusto mo, makukuha mo," sabi ko sa kanya. Niloko nya pa rin ako!
"I'm sorry for so many things," sabi nyang inilalapit ang sarili sa amin. "I was stupid, I was scared, I was afraid. But now, I'm more scared to lose you. I have loved you more than I could ever love someone. And I know you love me. Alam kong mahal mo 'ko, na minahal mo na 'ko. I was a fool pero mahal mo 'ko. You're my wife, my wifey. Please. Consider me naman. Isama mo naman ako sa future mo, sa future nyo ni Hope."
Nagmamakaawa ang mga mata ni Sebastian. Noon ko lang sya nakitang tarantang-taranta at alalang-alala. Batid ko naman ang takot nyang mawala ako, at na mahal nya 'ko kaya lang... pero... ewan.
"Please?" ulit nya. "Please get mad at me, slap me, be angry with me... but come home with me. Dun tayo ulit sa bahay, sa Palawan, kahit saan. Basta kasama ko kayo ni Hope. Include me Wifey. I need to be with my family. We all need to be together."
"Umalis ka muna. Kailangan kong mag-isip," tapat na sagot ko sa kaguluhan ng isip ko. "May ginawa kang mali, marami," lahad ko ng katotohanan na mahirap pa ring matanggap. "Marami kang kasalanan at hindi ko pwedeng balewalain yun."
"You know I won't ever leave you. Even if you turn me away, hindi ako aalis, lalo na ngayon," hawak at pilit nyang yakap sa amin.
"Pero kailangan kong mawala ka Sebastian," pilit ko dahil ang makapag-isip isip ang kailangan ko. Magulo lang 'pag andito sya. Mas hindi maaayos ang lahat. "Yun ang gusto kong mangyari sa ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit hindi kita sinasaktan ngayon o pinagsasalitaan ng masama... siguro dahil na rin kay Hope. Kaya pakiusap, yun lang ang gusto ko, ang mawala ka muna sa paningin ko. Kailangan kong mag-isip."
"I'm scared to death that I'll lose you," sabi nyang pilit hinahawakan ang kamay at braso ko sa pagpupumiglas ko.
"Hindi ako naging iyo para mawala ako sa'yo, pero inangkin mo ako at hindi yun tama. Layuan mo muna ako Sebastian. Baka mapatawad pa kita 'pag ginawa mo yun."
Nag-isip sya. "Sige. I'll do that, but I'll be back. I'll try again for us to talk later. I can't be away from you for too long lalo na ngayon na kailangan nyo 'ko, kayong pamilya ko."
"Umuwi ka na muna," pagmamadali ko sa kanya.
"Babalik ako agad."
'Di sya kaagad umalis. Napakarami pa nyang binilin bago sya umuwi. Ipinakilala at ipinakausap nya pa ako sa dalawang nurse na kinuha nya para magbantay sa amin ni Hope. Para sa akin, mas taga-bantay sila para hindi ako tumakas o sila ay mga espiya nya kung sakaling bumalik si Custan. Ngunit sa lahat ng nangyayari, isa lang ang sinisiguro ko parati, ang hindi mawala sa paningin ko si Hope.
Nananghalian ang babaeng nurse kaya naiwan ang lalaking nurse sa kwarto kasama namin. Mula nang umalis si Sebastian, panay ang text ng lalaking nurse na mukhang hindi naman parte ng trabaho nya dahil ngumingiti-ngiti ito. May kausap itong kasintahan o kaibigan sa text.
Biglang tumunog ang phone ng lalaking nurse. May tumatawag sa kanya. Agad nyang tiningnan iyon at pagkatapos ay tumingin sa akin. "Miss, excuse me lang po. I'll just take this call," paalam nya.
Tumango ako. Wala naman talaga kasi akong pakialam sa gawain nilang dalawa. Mas mabuti ngang wala sila sa kwarto. Nakakailang kasi ang pagbabantay nila.

BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomantikBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?