Chapter 23

2.1K 46 5
                                        

(A/N: SPGish)

Tumabi na 'ko sa kanya. Hindi sya makaka-tagilid dahil sa kundisyon nya, pero maarteng nakahilig ang ulo nya palayo sa'kin para hindi mag-tama ang paningin namin.

Ang arte. Akala mo naman aanuhin sya. Sya naman ang may desisyon nito. Kung maka-iwas ng tingin...

Pinatay ko na ang ilaw. "Magandang gabi Sir," bati ko na lang.

"Night," sagot naman nyang labas sa ilong.

"Ano palang gusto mong breakfast Custan?" tanong ko nang naalala ko kung paano ang bukas namin.

"Eggs. Kahit ano," mabilis nya namang sagot.

Akala ko hindi nya 'ko papansinin. "Sige," sabi ko.

"Bukas dito ka ulit matutulog?" tanong nya.

"Oo Linggo eh," sagot ko. "Dito rin ba ulit sa kama mo?" tanong ko.

"Oo," walang alinlangan nyang sagot.

Aba. Pumupuro ah. Pinapatabi ako pero masungit naman sa'kin. Dahil pa rin kaya sa mga kaibigan nyang pumunta kanina? "Sino ba yung mga yun?" tanong ko na. At pa'no nya naging kaibigan ang mga yun?

"I just recently met them. They're not really my friends," sagot nya.

"Pero nagawa ka nilang dalawin. Napuntahan ka na ba ng mga kaibigan mo?" tanong ko.

"Ikaw na nga ang balak nilang gawan ng masama, ganyan pa ang iniisip mo sa kanila?" nasabi nya.

"Gagawan nila 'ko ng masama?" pagtataka ko.

"Oo. Kung nakita ka nila kanina, baka kung san san ka na nahawakan ng mga yun. Buti nakapag-tago ka, kundi magkakabuhay itong mga binti ko."

Nag-aalala sya sa'kin!

"Nakasama mo sila saan?" tanong ko.

"Sa mga bisyo. Sa karera... sa mali," sagot nya.

"Sa babae, droga, sugal?" hula ko.

"Oo," buntung-hininga nya.

"Pero nagawa ka naman nilang dalawin."

Hindi sya sumagot.

"Ang mga kaibigan mo ba? Napuntahan ka na?" ulit ko.

"They're busy I guess. Nagtatrabaho naman kasi sila. Yung mga gagong yun naman kasi, maraming oras."

"Sabagay. Marami silang oras para malungkot, kaya para sumaya sila, dinalaw ka nila dito."

"They're not nice people," banggit nya.

"Eh 'di hindi ka rin mabait? Pareho ka nila eh."

"Siguro," sabi nya.

"Hindi, mabait ka. Pero tulad mo, may mga dahilan din sila kung bakit sila nalulong sa bisyo."

"Ako ang dahilan ko, ikaw."

"Sorry na." Hayyy... Ito na naman kami.

Hindi sya umimik. Nakarinig lang ako ng buntung-hininga mula sa kanya.

"Pero hindi naman nasosolusyunan ang problema sa pagbibisyo," sabi ko.

"Nakakalimutan naman," katwiran nya.

"Saglit lang. Pagkatapos, mas lumalalim yung problema, nakakasakit pa yun ng ibang tao," dagdag ko.

"May kailangan ka kasing patayin sa loob mo Ligaya, yung pag-asa, yung akala mong gagandang sitwasyon na hindi naman pala. Kaya you try to kill that by lulling yourself, to not feel. You can do that by drinking, doing stuff, getting a rush out of different things."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon